Followers

Thursday, October 23, 2014

You're Really The One Chapter 13





NOTICE OF THE AUTHOR: Patuloy pa din tayo sa POV ni Jam dahil sa pag gising ni Rich ay madaming rebelasyon na ang masisiwalat. Sa Susunod na kabanata ay si Rich na ang maglalahad ng kanyang panig. Muli maraming salamat po sa pagsuporta sa “You're Really The One”. Paunmanhin sa sobrang tagal ng release. Naging busy po ako sa school dahil sa ako po ay graduating na. Nawa’y maintindihan po. Enjoy reading po ^_^

The Side of Jam

                Dumating ang Mommy at Daddy sa ospital at iyon ay aking ikinabigla ngunit may galak sa aking mukha ang puminta.  Sa ilang mahabang buwan din kaming hindi nakakapiling ang isa’t-isa kung kaya’t labis kong ikinagalak ang kanilang pagpunta sa ospital. Napapunta agad sila dito noong malaman nila ang nangyari sa mahal kong si Rich. Nakita ko sa kanilang mukha ang gumuguhit na kalungkutan.

                “I called the phone in our house here, sabi ni yaya Thelma na busy ka sa ospital. Naaksidente daw si Rich.” May pag-aalala ang tunog ng kanyang wika.

                Yumuko ako. Batid ko sa aking pagyuko ay malaman nila na hindi okay si Rich. Ayaw ko magsalita dahil baka umiyak ako.

                “Anak I understand. Oo nga pala anak mamaya umuwi ka muna kahit saglit. May gusto lang kaming klaruhin. Tungkol sa inyo ni Rich.” Si Daddy, may kaunting pagseseryoso ang pagsambit na iyon sa akin.

                Ano kaya ang aming pag-uusapan. Tungkol sa amin ni Rich? Hindi kaya? Naku ngunit papaano kung sakali nga? Binalot ako ng kaba. Ngunit pansin ko na hindi nagagalit si Daddy base sa kanyang aksyon ngunit seryoso ang kanyang pananalita. Hindi ko maintindihan ngunit kailangan ko na lang maghanda.

                Bago tumuron sa aming bahay ay nais nila Mommy at Daddy na magtungo sa ICU upang mabisita si Rich. Iginabay ko sila upang matunton ang kwarto. Nang maisuot na nila ang damit na kinakailangan at nang pumasok ay napayuko sila sa kanilang nasaksihan. Sakto namang nandoon si Tita Imelda na nagbabantay kay Rich. Abala kasi ako sa paghahanap ng mga blood donors ni Rich kung kaya’t si Tita muna ang nagbabantay.

                “Halina’t pumasok Mommy, Daddy.” Paanyaya ko.

                Tinuron namin ang kwarto. Nang makapasok ay tumayo si Tita Imelda sa kanyang kinauupuan. Niyakap agad ni Mommy si Tita at mga ilang saglit lamang ay pansin kong tumutulo na ang mga luha sa mata ni Tita. Hinahagod ni Mommy ang likod ni Tita upang mapakalma ito.

                “Mare tahan na. We do believe he can survive this. Tiwala lang.” Tugon ni Mommy.

                “Ngunit Mare natatakot lamang ako at baka... baka..” humihikbing bigkas ni Tita.

                “Imelda, magtiwala ka lang sa anak mo. Hindi niya hahayaang iwan ka dito ng mag-isa and that’s what I know. Kayo na lamang mag-ina ang nagdadamayan at nakikita ko kay Rich ang pagpupursigi simula pa noon. Alam kong may nais ang anak mo para sa inyong mag-ina, at ang magandang gawin lang natin ay pagkatiwalaan siya.”

                Umupo sila ni Tita sa isang malambot na upuan sa gilid ng kuwarto. Hinawakan ni Mommy ang kanang palad ni Tita Imelda at hinimimas himas ito.

                “Masakit sa ating mga ina ang nakikita nating nasasaktan o naghihirap ang ating mga anak, lalo pa kung ang mga ito ay hindi pa natin inaasahan. Ang aksidente ay laging nagbabadya at minsan sa kahit na anong ingat pa natin sa ating mga anak ay nangyayari talaga. Imelda lakasan mo lang ang loob mo. Nandito kami ng asawa ko lalo na si Jam na tinutulungan ka. Magpakatatag tayo ng kalooban.”

                “Lorie maraming salamat. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Kung ako na lang sana ang nasa kalagayan niya mas mapapanatag pa ako, huwag ko lang nakikita si Rich ngayon na ganyan ang lagay.” Lumuluha pa din si Tita.

                “Kahit ako kung mangyayari man yan sa aking anak ay nanaisin ko na lang din na ako ang maghirap kaysa siya. Ina tayo at mahal natin ang anak natin na kahit buhay pa ang kapalit ay maaari nating maibigay para sa kapakanan nila.” Si Mommy.

                “At Imelda kung kailangan mo ng tulong namin nandito lang kami. Balita ko kailangan ninyo ng blood donors. Hahanap ako ng mga tauhan sa opisina na kaparehas ng blood type ni Rich at ng sa gayon ay mapadali na ang paghahanap.” Si Daddy.

                “Ako din tutulong maghanap. At oo nga pala since same blood type kami ni Rich maari din ako mag-donate.” Dagdag pa ni Mommy.

                Hindi ko maitago ang aking ngiti sa mga narinig kong iyon. Mukhang mas mapapadali na ang aking paghahanap dahil tutulong ang aking mga magulang sa paghahanap ng mga donors. Napaluha na lang ako sa gilid dahil sa sobrang saya!

                Lumapit ako sa kanila at niyakap ito ng mahigpit. Yakap na mararamdaman nila ang aking pagpapasalamat.

                “Mommy maraming salamat po!” maliha kong sambit.

                Pinunasan ni Mommy ang aking mukha. Gumuhit ang kanyang ngiti sa akin. Bakas ang kanyang kasiyahan.

                “Anak, para sa inyo ito ni Rich. Alam kong importante siya sa buhay mo.” Wika ni Mommy

                “Maraming salamat po talaga!” Tugon ko.

                Maya-maya ay lumapit si Daddy. Hawak niya ang aking ulo ah marahan niyang hinihimas ito.

                “Anak, mahal ka namin at hindi namin kayang makitang nahihirapan ka dahil sa lagay ni Rich. Bilang kapalit din mga nagawa namin sa inyo noon ay nandito kami upang bumawi. Alam na namin Jam.” Wika ni Daddy.

                Alam na nila? Ang ano? Ang tungkol ba sa amin ni Rich? Subalit paano? At kung iyon nga ba ang nais nilang sabihin sa akin? Kinakabahan ako ngunit kailangan kong maging kampante lamang. Kung sakaling alam nga nila at tutuol sila, puwes kakayanin kong ipaglaban si Rich lalo pa’t kita nila ang pagdurusa ng taong aking mahal. Pero hindi ko sila makitaan ng pagtutol kundi pagtulong. Teka lang naalala ko ang sinabi ni Mommy: “Anak, para sa inyo ito ni Rich”. Para sa akin ay may laman ito, makahulugan. Alam na ba kaya nila ang aming relasyon ni Rich?

                Natapos na ang lahat ng gagawin sa ospital sa araw na iyon, at sa awa ng Diyos ay marami na ang madiding donor ng dugo. Kung hindi dahil sa tulong ng aking mga magulang na makakuha ng mga donor ay hindi kaagad masasalinan ng dugo si Rich. Isa na din si Mommy sa mga nag donate. Lubos kong iknagalak ang kanilang malaking tulong sa akin. Likas na matulungin talaga ang aking mga magulang na aking kinakalkihang kaugalian sa piling nila, at sa ngayon ay labis na tulong ang kanilang naiambag kay Rich. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ako makakabawi sa kanila ngunit bago ko muna isipin iyon ay mas kailangan ni Rich ng gabay at pag-aasikaso.

                Uuwi na kami ng bahay. Sumaglit muna kami ulit sa ICU upang magpaalam kay Tita Imelda. Saktong kararating lang din ni Tita Rose upang pumalit sa akin.

                “Tita Imelda, Tita Rose uwi muna po ako. May pag-uusapan lang po kami ni Daddy.” Paalam ko.

                “Sige Jam at kayo’y mag-ingat. Maraming salamat sa pagtulong mo sa aking anak. Nawa’y pagpalain ka ng Maykapal.” Nakangiting tugon ni Tita Imelda. “Ah siya nga pala Mareng Lorie, heto may ihahandog ako bilang  pasasalamat sa inyo ni Pareng Randy.”

                Ibinigay ni Tita Imelda ang isang basket na naglalaman ng maraming prutas. Mahilig sina Mommy at Daddy na kumain ng prutas na dahil sa pagkain lang nito ay hindi na din sila kumakain ng kanin at ulam. Ikinatuwa naman nina Mommy at Daddy ang handog ni Tita. Tinanggap nila ito at lubos na nagpasalamat sabay yakap ni Mommy kay Tita.

                Nagpaalam na kami sa kanila. Baon namin ang kanilang paalalang mag-ingat at huwag hayaan ang sarili. Natingkad na ngiti ang aming sagot sa kanilang pagpapaalala. Tumungo kami sa parking at sumakay sa dala-dala nilang kotse.

                Nang makapasok ako sa sasakyan ay tinanong ako ng Daddy.

                “Anak bago manyari ‘yung aksidente nagkita ba kayo ni Rich?”

                “Hindi po dad, pero tumawag po siya sa akin.” Sagot ko.

                Pina-andar na niya ang kotse at tumungo papalabas sa parking. May pagtataka ako sa kanyang unang tanong. Maya-maya pa lamang ay nasundan pa ng mga kakaibang tanong.

                “Kamusta siya sa iyo Anak?”

                “Si Rich po, mabait po sa akin iyon, iniingatan ako at lagi po akong pinaaalahanan. Madalas po kami nagkikita kahit po pag weekend madals po kami magkasama.” Paliwanag ko.

                “Maganda naman ba ang inyong samahan?” Si Mama.

                “Opo, siyempre bestfriends po kami and true friends.”

                “Mabuti kung ganoon. Besides napakabait ni Rich kahit naman sa amin ng Daddy mo. Hindi na din iyon nakakapagtaka dahil maganda ang pagpapalaki sa kanya ni Kumare at alam kong alaga talaga siya.”

                “Opo kahit po si Tita Imelda inaasikaso din po ako ‘nun. Anak na nga din po ang tawag niya sa akin eh.” Napangiti ako. Sa totoo lang kinikilig ako ngunit hindi maaaring ipahalata dahil hindi pa nila alam ang tunay na nag-uugnay sa amin, lalo na kay Rich.

                “Aba edi nakakatuwa! Kung ganoon ay naging maganda ang pakikitungo sa iyo ni Mare. Kaya naman bilang palit nain ay tutulungan natin sila hanggang sa maka-recover na si Rich.”

                Nalungkot ako. Naalala ko na naman si Rich. Namiss ko agad siya. Hindi ko na natiis ang aking sarili at napaluha na lamang ako. Nakita iyon ni Mama.
               
                “Oh Anak? Ba’t napaluha ka?” May pag-aalalang taning ni Mommy.

                Pinunasan ko ito agad. Humarap at ngumiti sa kanya.

                “Wala po Ma, Naalala ko lang po si Rich. Namimiss ko na po kasi eh.” Tumawa ako ng mahina ngunit hindi pa din tumitigil ang pagpatak ng aking luha.

                “Anak naiintindihan ka namin.” Si Daddy. “Anak may pag-uusapan lang tayo tungkol sa inyo ni Rich at may ikukwento din ako sa iyo. Huwag kang mag-alala after ng usapan ay maaari ka na ding bumalik sa hospital bukas.” Dagdag niya.

                Tungkol sa amin ni Rich? Hindi kaya... Alam na nga kaya nila? May biglang kaba ang aking nararamdaman ng mga sandaling iyon. Pero noong sinabi iyon ni Daddy ay nakangiti naman siya. Halata sa kanyang mukha kung siya ba ay galit o masaya kung kaya’t medyo kaba na lamang ang aking nadadama. Kung sakaling alam na nila ang aming estado ni Rich ay matatanggap ba kaya nila?

                Maya-maya lamang ay nasa bahay na kami. Agad kaming inasikaso ni Yaya Thelma at nakahanda ang aming hapunan sa hapag-kaninan.

                “Yaya Thanks pa pag-prepare ng foods ha? Kumain ka na ba?” Nakangiting pambungad na tanong niya kay Mommy.

                “Mamaya na pu Ma’am. Una na pu muna kayo. Mag aayus muna pu aku ng kuwarto ninyu.”

                “Oh sige basta after mo maglinis kumain ka na din ha?”

                Umupo na kami sa hapag kainan at doon na nagsimula ang usapan.

                “Anak, may namamagitan ba sa inyo ni Rich?” Diretsahang tanong ni Daddy.

                Kailangan ko na itong aminin. Hindi ko din kayang nagtatago sa aking mga magulang. Alam ko na mahal nila ako at tatanggapin din nila. Kung hindi man ay aking papaliwanagan sila upang maintindihan nila. Ipaglalaban ko pa din Rich lalo pa at kailangang kailangan niya ako ngayon. Itininigil ko ang aking pagkain, yumuko at nagsalita.

                “Opo, may relasyon po kami ni Rich.” Mahina kong sagot.

                “Anak, naintindihan kita.” May mahinahon na sambit ni Daddy.

                Bigla akong napatingin kay Daddy noong sinabi niya iyon. May ngiti sa kanyang mukha ang pumipinta na siyang ikinagaan ng aking kalooban.

                “Talaga po dad? Hi-hindi po kayo galit?” Gulat akong tanungin siya.

                “Oo naman anak. Besides ano bang masama sa pagmamahalan ninyo? Purke ba parehas kayong lalake?” Pagrarason ni Daddy.

                Hindi ko napigilan ang aking sarili kaya naman napatayo ako at napayakap sa kanya. May luhang bumabagsak sa aking mukha. Hindi iyon luha na galing sa sakit kundi luha na galing sa kasiyahan. Hindi ko inaasahan ang pagtanggap na iyon kay Daddy na akala ko ay hindi niya matatanggap. Noon ko pa nais na umamin ngunit nawawalan ako ng lakas ng loob upang ilahad ang aking pagkasino sa kanya. Mahirap ang magsabi ng katotohanan sa sarili lalo na kung hindi ka lubos na matatanggap at uunawain ng lubos. Subalit sa aking nadadama ngayon ay tila parang bula na lang nawala ang takot na bumabadya sa akin. Dhail sa kagalakan na aking nararamdaman ay niyakap ko ang aking daddy ng napakahigpit. Sa pagyakap na iyon ay ipapadama ko ang mainit na pasasalamat sa kanya. Hindi pala lahat ng magulang ay hindi matatanggap ang isang anak na katulad kong taliwas ang nararamdaman sa aking pagkasino. Hindi ko maisambit ang nais kong dabihin sa aking Daddy, luha na lamang ang aking pagpapakita ng mensahe ng kagalakan.

                “Anak, huwag ka na umiyak.” Hinawakan ni Daddy ang ulo ko matapos niya itong masambit.

                Isiniksik ko pa ang aking ulo sa kanyang mahigpit na pagyakap. Alam kong naiiyak din siya dahil sa may nararamdaman akong patak ng luha sa bandang balikat.

                “Eh ikaw naman din Daddy eh naiyak.” Sambit ko at tumawa. Tumawa na din siya nang marinig niya ang aking tawa.

                Isang mapagpalang gabi ang nangyari sa bahay, dahil doon ay mas maluwag na akong humihinga. Hindi bumabadya ang takot na baka sakaling malaman nila at hindi nila matanggap kung sino ako. Labis kong pasasalamatan ang Diyos dahil sa pagbigay Niya ng aking mga magulang. Nawa’y ganito rin sana ang ibang mga magulang sa mga anak na tulad ko, taliwas ang damdamin sa pagkatao. Sa totoong pangyayari kasi kadalasan sa mga tulad ko ang nakakatamasa ng hinanakit sa mga magulang, at ang malalang dulot pa noon ay ang pagkapariwara ng anak at napupunta sa mga bagay na hindi dapat ginagawa. Mayroon naming iba na sa hindi na kinakaya ang bugso ng takot ay tinatapos ang kanilang buhay.

                Isang magandang umaga ang aking nadama pagkagising. May ngiting nakapinta sa aking mukha na kay Rich ko lang naipapakita. Ngaunit ang ngiti na iyon ay iunti-unting nawala nang maalala ko si Rich. Kamusta na kaya siya habang mahimbing ang tulog niya sa ospital? Sisiguruhin ko na sa kanyang paggising ay naroon ako at nag aantay sa kanyang pagbalik. Yayapusin ko siya ng malaman niya na miss na miss ko na siya. Pumatak na naaman ulit ang aking luha. Agad ko naming pinunasan ang luha sa aking pisngi at ngumiti. Naniniwala ako na malapit na din mangyari iyon. Base sa text kagabi ni Tita Imelda ay napansin na nilang gumalaw ang daliri ni Rich sa kanang kamay. Nais ko sanang pumunta kahaponn ng ospital subalit hindi na kakayanin ng aking mga mata at baka makatulog ako habang nagmamaneho. Nagyong araw na ito ako pupunta. At dahil sa senyales na umaayos na ang lagay ni Rich ay aantayin ko ang kanyang paggising. Alam ko at dama ko na malapit na ulit kaming magkita. Sabik na sabik na ako sa kanyang pagdating.

                Maaga pa lang noon nginit nag-ayos na ako, ang mga dadalhin na kinakailangan sa ospital, pera pambili ng kinakailangan ni Rich at pangkain namin sa ospital, cellphone, pati na rin ang isang picture frame na naglalaman ng aming larawan. Nais ko sa kanyang ipakita iyon sa oras ng kanyang paggising. Sasama na din sina Daddy at Mommy upang bumisita rin kay Rich bago sila tumungo ulit sa Cavite.

Nasa living room kami nang nagsimulang maghayag ng kwento si Daddy.

                “Alam mo anak, back when I was your age, natatandaan ko pa ‘yung time na may kasintahan ako, pero sa kasamaang palad ay binawi din siya sa akin because of an accident.”

Ang tuwa ay napalitan ng pagyuko ni Daddy. Traffic naman noon at nakahinto kami. Tumingin ako kay Mommy at pati siya ay napayuko din. Sa itsura ni Mommy ay may alam siya sa kinukwento ni Daddy.

“Bestfriend namin siya ng Daddy mo Jam, and kinuha naming sa kanya ang pangalan mo.” Tugon ni Mommy.

“Jam din po ang panagalan niya? Pero bakit po iyon and ipinangalan niyo sa akin?” Nais kong malaman ang rason kung bakit pinangalan sa akin ang matalik na kaibigan nila. Siguro mahalaga ang tao na iyon sa kanila. Ngunit teka, may isa pang tanong ang sumulpot sa aking isipan. Ngunit sisiguruhin ko muna kung tama baa ng aking naiisip tungkol sa taong nililigawan ni Daddy.

“Anak, alam kong maiintindihan mo ito. Si Jam ay bestfriend ng Mommy mo, and that time I was like you when I met Jam and your Mom.” Nakayukong sinambit ni Daddy.

Tama nga ang aking naiisip. Nagunit hindi ko lubos akalain na ang aking Daddy ay isa ding tulad ko. Hindi ko ito alam at hindi ko naman napapansin iyon sa kanya. Nais ko pang mas malaman ang lahat. Patuloy ang pagsisiwalat ni Daddy sa kanyang buhay.

“Si Jam, ginawa niya ang lahat-lahat sa akin. Noong nalaman nina Mama at Papa na isa akong bading ay pinalayas nila ako sapagkat hindi nila lubos na matanggap. As we all know that your lolo is a former soldier and alam ko na it’s so much hard for him to accept me being a bisexual. But ang Tito jam mo ang nag aruga sa akin. Until suddenly years after I fell in love to him, pero it’s kinda awkward kasi ang alam ko straight si Tito Jam mo. Then one day nakilala ko si Mommy mo kasi pinakilala siya sa akin ni Tito Jam mo. Then nagkaroon kami ng inuman.” May ngiti sa mukha ni Daddy habang ikinukwento niya. Tila may naalala siyang isang bagay o naalala lang niya si Tito Jam. “Then that night umalis na si Mommy mo dahil may pasok siya. Graveyard shift siya kaya kami na lang ni Tito Jam mo ang natira. Noong umalis si Mommy mo bigla siyang yumuko. Tinanong ko siya kung bakit.”

“Oh Jam, ba’t ka napayuko? Kaya mo pa ba o baka nahihilo ka na?”

“Ok lang ako Randy.”

                “Pero may luhang natulo sa mukha mo. Nalulungkot ka ba?”
                “Randy bakit ganoon? Bakit hindi ko masabi sa taong mahal ko na mahal ko siya?”

                “Baka kasi natotorpe ka hehe.”

                “Sa totoo lang kaya ko naman, pero baka kasi hindi niya maintindihan.”

                “Hindi niya maintindihan? Maiintindihan ka noon. Kung ako sana ‘yun edi hindi ka mahihirapan ng ganyan.”

                “Paano kung ikaw ang mahal ko Randy?”

                “Ha? Hahahaha! Eh imposible. Hindi ba straight ka?”

                “Sabin a ng aba tatawanan mo lang ako.”

                “Akala ko nagjojoke lang siya noon anak Pero nadama ko ‘yung muli niyang pagluha. Tumingin siya sa akin noon tapos bigla akong niyakap. Sobrang higpit noon na parang ayaw na niya akong pakalawalan sa gapos ng kanyang bisig.” Pumukaw sa akin ang ngiti ni Daddy.

                “Talaga Daddy? And then?” Na curious ako. Hindi ko kasi inakalang may ganitong kwento sa buhay si Daddy. Nararamdaman ko ang bawat kwento niya tungkol sa kanila ni Tito Jam.

                “Tapos doon nagsimula ang relasyon namin. Almost 7 years ‘yun anak! Pero....” Yumuko si Daddy. Pansin ko ang pangigilagid ng luha sa kanyang mga mata. Tinakpan niya ng kanyang kamay ang mukha at hindi na nakapagsalita. Mukhang hindi maganda ang kasunod na bahagi.

                “Si Tito Jam mo naaksidente noong ika 7th Anniversary nila. Tulad ng nangyari kay Rich, car accident. Magkasama kami ng Daddy mo noon at sa hindi inaasahang pangyayari ay nakita namin si Tito Jam mo sa balita. Hindi kalayuan ang insidente sa tagpuan kaya’t tumakbo kami. Naabutan pa naming may malay si Jam noon. Pero hindi na niya kaya. Noong araw na iyon ibinilin sa akin ng Tito mo si Randy upang alagaan at ingatan.” Napaluha din si Mommy habang kinukwento ito.

                Agad akong kumuha ng bimpo upang pnasan ang mga luha nila. Nalungkot ako sa pangyayaring iyon. Sa tagal ng pagsasama nina Daddy at Tito Jam ay masasabi kong hindi biro ang relasyon an iyon. May pundasyon at my katayuan ang aming relasyon lalo pa sa mga tulad naming silahis. Napakasaklap ng panahon at minsan ko na din naitanong kung bakit may ganoong bagay na nangyayari.

                “Kaya anak, ingatan mo si Rich ng buong buhay mo. Alam anmin ang pinagdadaanan mong sakit ngdamdamin dahil dama kita. Masuwerte ka at nakaligtas si Rich at hindi kinitil ng insidente ang buhay niya. Anak susuportahan ka namin sapagkat ano baa ng masama sa nagmamahal, at alam kong may maganda na kayong nasimulan. Once na magkamalay siya, make the best out of your relationship. Ipakilala mo siya sa amin and we won’t hesitate to accept him and for what you have. Anak ka namin at hindi ka namin matitiis. Mahal na mahal ka namin.” Ang linya na ito mula kay Daddy ang nagpaluha sa akin, nagbigay ng lakas at kagalakan sa buhay. Dahil sa hindi ko mapigil na galak ay niyakap ko si Daddy ng sobrang higpit, higpit na noong bata ko lang nagagawa. Niyakap din niya ako ng sobrang higpit na ayaw na niya akong pakawalan.

                “Sa pagkakayakap mo anak nadadama ko ang yakap ng Tito mo.” Wika ni Daddy habang yakap.

Ang madadamdaming pagkakataon na ito ang babaunin ko habang ako’y nabubuhay. Hindi ba masarap sa pakiramdam ang matanggap ka ng magulang ayon sa iyong pagkasino? Sa araw na iyon doon ako nagkaroon ng lakas ng lob upang hawakan ang lahat-lahat sa akin at sa amin ni Rich. Mahal na mahal ko si Rich gaya ng pagmamahal ni Daddy kay Tito Jam. Tulad nila ay sisikapin kong magtatagal ang aming samahan ni Rich, sa lawak ng kanilang pinagsamahan ay nais kong higitan ang amin ni Rich. Nawa’y magising na siya. Nawa’y masamahan ko muli siya sa mga lugar na madalas naming puntahan, sa lugar na kung saan kami madalas kumakain, kayakap sa tuwing ang gabi ay malamig, sa tuwing ako’y madadapa ay may sasalo sa akin. Sobrang namimiss ko na siya.

                Tumungo ako ng kwarto, humiga at hindi pa din mawala ang aking pag-iisip kay Rich. Kamusta kaya siya sa mahimbing niyang tulog? Nais ko na talaga siyang magising at mayakap. Naiiyak na ako sa kakaantay sa kanya. Hanggang sa may kumatok sa aking pintuan. Tumayo ako sa aking kinahihigaan at bunuksan ang pinto.

Pagkabukas nito ay sumalubong ang isang maliwanag na sinag galling sa pinto. Teka at bakit ganoon? Nang may maaninag ako ay isang paraiso ang tumambad sa akin, puno ng mga nagluluntiang damo at mga naggagandahang kulay ng mga bulaklak. Sa hindi kalayuan ay may isang lalaking nakatayo, nakatingin sa akin at may ngiti na nakapinta sa kanyang labi. Sa hindi ko mapigilang bugso ng damdamin ay tumakbo ako palapit sa kanya habang siya ay nakaabang ang kanyang kamay upang saluhin ako ng yakap, hanggang sa kami ay nagtagpo at nagkayakapan. Hindi ko mapigilan ang aking luha habang nakayakap sa kanya. Inilapit niya ang kanyang ulo sa aking tainga at bumulong.

“Jamrich ko, babalik na ako. Antayin kita ha? Miss na miss na kita. Mahal na Mahal kita.”

Bigla ang luntiang damo at magagandang bulaklak ay naglaho, namiti ang buong paligid at unti-unting nawala ang lalaki na aking yakap. Bigla akong nakarinig ng malakas na katok. Doon ko napagtanto na nakatulog ako at pansin ko ang pagkayakap ko sa unan.

“Jam! Tumawag sa akin si Imelda, may malay na saw si Rich!” Bungad ni Mommy sa akin pagkabukas ng pinto.

Naalala ko bigla ang aking panaginip, ang isang linyang sinabi sa akin ng lalaking nakayakap ko doon:

“Jamrich ko babalik na ako, Antayin kita ha? Miss na miss na kita. Mahal na mahal kita”

Totoo nga! Iyon ang saktong sinabi sa akin ni Rich sa panaginip! At heto’t gising na daw siya! Agad akong nag ayos ng sarili. Sa sobrang taranta ko ay hindi na ako nakaligo, diretso bihis at dali-daling sumakay sa kotse kasama si Mommy ay Daddy. Ihinabilin namin kay Yaya Thelma ang lahat sa bahay at dumiretso na kami sa ospital. Rich mag-antay ka parating na ako. Miss na miss na kita.


               



                

1 comment:

  1. wow! nkaka excite aman ung mga eksena, sana hindi sya magkaroon ng amnesya. haizt!

    ReplyDelete