The Side of Jam
Nais ko pang makilala si Rich.
Gusto ko siya maging kaibigan. Pupunta kaya siya sa amin? Dadaan kaya siya?
Sana dumaan siya at makikipagkaibigan ako sa kanya. Masaya siguro siyang maging
kaibigan. Sana talaga makapunta siya. . . Sana. . .
Naihatid na ako ni Daddy sa paaralan. Tumungo na
ito ang kaniyang opisina habang ako ay patungo na sa aming room. Sa paglalakad
na iyon ay hindi ko malimutan ang pangyayari kanina. Mabuti na lamang at nakita
ko iyon kung hindi ay baka nasagasaan na siya ng rumaragasang truck. Ngunit mas
maasaya pa din ako dahil nakakilala ako ng isang bata na maaari kong maging
kaibigan. Natutuwa ako sa kanya, sa kanyang mga ngaiti na kahit matipid iyon ay
ang cute pa din ng mga ngiti na iyon. Mahiyain ngunit nakaramdam ako ng gaan ng
loob sa kanya. Siguro dahil sa nag-iisa lamang din akong anak at minsan lamang
nakakalaro ay sabik din ako sa paglalaro at magkaroon ng isang kalaro. Hindi ko
nga alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako masundan nila Mommy at
Daddy. Naisip ko na lamang na siguro ay masyado sila nagiging abala sa kanilang
mga trabaho. Hindi ko pa din makalimutan ang lahat ng pangyayari kanina
hanggang sa natungo ko na ang aming room. Naupo na ako at nakinig.
Mga ilang oras lamang ay uwian na namin. Gaya ng
dati ay mas gumaganda pa ang aking performance sa paaralan. Hindi ako
napapalyang makakuha ng matataas na marka, karamihan pa nga ay perfect.
Maraming mga guro ang natutuwa sa akin. Sa edad ko na iyon ay ramdam ko na ang
kanilang paghanga at pagsuporta sa akin. Makaraan lamang ng ilang minuto ay
nakita ko si Mommy na nag-aantay sa waiting shed ng entrance ng paaralan.
“Good noon my dear.” Pambungad na bati ni Mommy at
isang halik sa pisngi ang kanyang idinampi sa aking pisngi. “Halika na at uuwi
na tayo. Balita ko ay may bibisita daw sa bahay.” Dagdag pa niya.
Bibisita sa bahay? Bigla kong naalala si Rich na
pinapapunta ni Daddy sa bahay. Hindi ako nagkakamaling siya ang bisita na
tinutukoy ni Mommy pero gusto ko muna siguruhin kung si Rich nga ang kanyang
tinutukoy.
“Mommy si Jam po ba ‘yung sinasabi mong dadating sa
house natin?” Tanong ko.
“Yes Anak. Ang sabi ni Daddy mo sa akin ay pupunta
daw si Jam sa atin. Kinuwento niya ang lahat ng nangyari. Thank God hindi
nabangga si Rich. You are a hero anak!” Pangiting sabi ni Mommy habang
tinutungo namin ang kotse sa parking lot sa tapat ng paaralan.
“Thanks Mom! Oh I already remembered Mommy! May
ibibigay pala ako kay Rich!” Naalala ko ang bilin ni Daddy na ibibigay ko iyong
luma kong tsinelas. Naawa kasi si Daddy sa hitsura ng tsinelas ni Rich na
kulang na lang ay mahati na sa kalahati ang bawat pares ng tsinelas. Kahit ako
ay nakadama ng awa sa kanya. Sa paghatid namin sa kanya sa paaralan ay napagtanto
ko na malayo pala ang nilalakad niya mula sa kanila hanggang sa Bayan.
“Oh yeah anak, naalala ko din pala na sinabi din sa
akin ni Daddy mo iyon. Halika na at makauwi na. Im sure you are tired and
hungry.” Tugon sa akin ni Mommy.
Nakasakay na kami sa kotse. Tinungo ang daan
papunta sa amin habang nagpapatugtog ng mga medyo lumang kanta si Mommy. Puro
Whitney Houston at kung anu-ano pang mga kantang birit. Natatawa nga ako kapag
kumakanta si Mommy ng ganoon. Maganda ang boses ni Mommy pero natatawa ako
dahil kailangan pa ba niya na mapapikit at ramdamin ang pag kanta nito. Mabuti
nga at hindi kami nababangga sa tuwing bibirit ito ng pagka-over sa birit!
Paborito niyang kantahin ang “I Will Always Love You” ni Whitney Houston na
dahil pa paulit-ulit na pagpapautgtog noon ay kabisado ko na ang awitin.
Pinapakinggan ang pagkanta ni Mommy hanggang kapag nasa pinakahuling Chorus na
ay tatakpan ko na ang aking mga tainga.
“And I....ih I will always...LOVE YOU! Ohh hooh!”
Hindi naman masama ngunit nabibingi na ako sa part
na iyon! Kapag ginagawa ko iyon ay natatawa si Mommy. Siguro ay nakahalata na
sa akin ng pagkairita.
“Ha ha ha! Ang galing ni Mommy mo ano? Natatawa
talaga ako sa iyo sa tuwing kakantahin ko ‘yung last part you always cover your
ears. Naiinis ka na ba?” Pangiting sambit ni Mommy.
“It’s okay Mommy. Don’t worry i will get use to
it.” Sagot ko na lamang kay Mommy at nag-Thumbs up sign na lamang.
Nakarating na kami sa aming bahay. Dali-dali kong
tinungo ang kuwarto at hinanap ang kaing lumang tsinelas na ibibigay ko kay
Rich. Excited ako noon at sa kauna-unahang pagkakataon ay may makakalaro na ako
sa loob ng bahay. Sa lahat ng mga bata na nakikilala ko ay kakaiba ang
naramdaman ko kay Rich. Hindi ko man siya nakikilala ng lubos pero hindi tulad
ng kung anong nararamdaman ko sa iba kong mga nakilala kaysa sa nararamdaman ko
sa kanya. Sa edad kong walong taon ay dahil lang siguro sa sabik akong
magkaroon ng kaibigan at kalaro. Sa wakas at nakita ko na din ang aking
tsinelas. Ngunit sa cabinet na iyon ay nakita ko ang aking kumang stuff toy na
nkabalot sa plastic bag. Kinuha ko din iyon at pinagmasdan.
“My first Mickey Mouse stuff toy.” Mahina kong
sambit.
Ang kauna-unahang stuff toys na binigay sa akin ni
Mommy at Daddy. Naalala ko pa noong ika-apat na mkaarawan ko ay sinorpresa nila
ako dala ang isang malaking kahon. Natuwa ako sapagkat sa tingin ko pa lang ay
malaki ang laman ng regalong iyon. Agad-agad kong binuksan, tumambad sa akin
ang napakalaking stuff toys na ito. Mahilig ako kay Mickey Mouse kaya simula
noon ay ganoon ang kanilang nireregalo. Hindi lamang puro stuff toys kundi
mayroong relo, baso, kahit ang sapin ng aking kama at kumot ay si Mickey Mouse
pa din. Napaisip ako kung isasama ko ba iyon sa ibibigay ko kay Rich. Hindi ko
na din kasi iyon sapagkat lahat ng mga luma kong gamit ay napalitan na ng mga
bago. Mabilis lamang ako nag-isip at napagdesisyunan ko na ibigay na lamang sa
kanya kaysa baka habambuhay iyon nakatago.
Ini-ayos ko muna iyon at itinabi sa gilid ng aking
kuwarto para kapag dumating si Rich ay ibibigay ko na lamang iyon sa kanya.
Tinungo ko ang kusina kung saan abala si Mommy sa paghahanda ng aming
tanghalian. Wala kaming katulong sa bahay dahil sa pang gabi naman si Mommy sa
kanyang trabaho habang pang umaga naman si Daddy. Ang sipag ng aking mga
magulang. Kahit na pagod sa trabaho ay nakakaya pa din nilang hawakan ang
kanilang responsibilidad bilang mga magulang sa akin. Pero kung tutuusin mas
mahirap ang responsibilidad ni Mommy. Nanay sa umaga habang Boss sa gabi. Hindi
ko nga alam kung natutulog pa ba siya pero Hindi halata sa kanyang magandang
mukha ang pagiging stress. Tinawag niya ako habang abala sa kanyang niluluto.
“Anak could you check for Rich? Baka nasa labas na
iyon at nahihiya lang. It’s already one
o’clock in the afternoon.” Wika sa akin
ni Mommy.
Lumabas ako sa aming bahay, tinutungo ko ang daan
papalabas sa kalye. Pagdating ko sa aming gate ay naaninag ko ang isang batang
nakatalikod. Nalagpasan na niya ang aming bahay at tuloy pa din siya sa
paglalakad. Kilala ko ang bata na iyon at sigurado ako na siya iyon. Para
makasiguro ay tinawag ko na lamang ang batang iyon.
“Rich!”
Alam ko na siya iyon. Kahit na unang beses ko pa
lang siya nakita kanina ay namumukhaan ko ang kanyang likod, ang kulay ng
kanyang shorts at bag, at tama nga ako ng isinigaw na pangalan dahil lumingon
ito. Si Rich nga ang batang iyon. Agad ko siyang nilapitan. Hindi ko alam
ngunit nagagalak akong makita siya. Sa kagalakan na iyon ay hinila ko na ang
kanyang kamay. Dama ko ang mainit na braso nito dahil siguro sa matinding sikat
ng araw. Buti kaya niyang maglakad sa ganoong sikat ng araw. Hindi ba siya
nasasaktan? Kung sabagay ay moreno siya habang ako ay tisoy. Pero noong
mahawakan ko siya ay kung ano na lang ang naramdaman ko na hindi ko
maipaliwanag, lalo pa noong makita ko ang kanyang mala-anghel na mukha. Bakit
ganito ang pakiramdam? Kung anong galak ang aking naramdaman na ni minsan ay
hindi ko naramdaman sa mga batang katulad niya. Bata lang ako na hindi alam
kung ano ba ang pakiramdam na iyon. Baka dahil sa nahanap ko na ang magiging
matalik kong kaibigan.
“Dali! Halika pasok ka sa amin!.” Masaya kong tugon
habang hila ko ang kanyang kamay papasok sa aming bahay.
Nakapasok na kami sa aming bahay. Hindi ko alam
kung ano ba ang una naming gagawin. Maglalaro ba, mag kukuwentuhan ba, o kaya
baka nagugutom siya o nauuhaw. Tinungo ko ang kusina ngunit wala na doon si
Mommy. Baka nasa itaas ito kaya tumungo ako paitaas ng bahay. Hila ko pa din
ang kamay ni Rich. Ipapakilala ko siya kay Mommy. Pagka-akyat namin ay nakita
ko si Mommy sa kanyang kuwarto. Ipinakilala ko si Rich sa kanya.
“Mommy this is Rich. Nakilala po namin ni Daddy kanina habang
naglalakad.” Pangiting tugon ko kay Mommy.
“Oh yes dear, the one that your Dadddy told me. Nice to meet you
Rich.” Inilahad ang kamay nito kay Rich at inabot ito upang makipagkamay.
“Ngayon lang nagpapasok si Jam ng kanyang kaibigan dito. Welcome ka dito
anytime Rich since you are my son’s friend.” Dagdag pa niya.
Natuwa ako sa tufon ni Mommy. Kaibigan na agad ang kanyang naisabit
imbes na kalaro lamang. Dahil doon ay tinanggap ko na maging kaibigan siya.
Sabagay gusto ko din naman iyon. Nais ko na maging matalik na kaibigan ngunit
parang ang bilis lang kung sa ganoong paraan agad.
“Oh Jam ayan ah? Friends na tayo heheh” Masayang sambit ko.
“Oo, salamat.” Matipid niyang sabi.
“Ang tipid mo magsalita. Ganyan ka ba? Dapat happy ka! Dapat madami ka
sinasabi.” Pabiro ko sa kanya pero iyon naman talaga ang totoo. Ang tipid niya
magsalita.
Ang saya lang kung iisipn na sa kauna-unahang pagkakataon ay may
kaibigan ako. Oo marami akong mga kalaro ngunit iba itong nararamdaman ko kay
Rich. Parang espesyal siya sa lahat ng mga kalaro ko. Tama nga si Mommy,
kaibigan. Hindi ko maipaliwanag itong nararamdaman ko. Bakit kaya ganito? Sa
tuwing nakikita ko siyang ngumingiti ay napapangiti din ako? Iba ang hatid ng
mga ngiti na iyon. Gayun pa man ay inisip ko na lang na baka natural lamang
iyon sa mga magkakaibigan. Marami akong mga pinakita sa kanya, mga litrato nong
sanggol pa lamang ako. Naglaro din kami sa kuwarto. Ibang saya talaga ang hatid
sa akin ni Rich noon. Kung dati ay ako lang mag-isa ang naglalaro sa bahay,
ngayon ay mas masaya dahil may kalaro ako. Ganito pala ang pakiramdam, ang may
kaibigan.
Mabilis dumaan ang oras. Uuwi na si Rich. Kunbg kanina ay masaya ako,
ngayon ay lumungkot ako. Hindi ko din alam. Siguro dahil sa pagkasabik kong
magkaroon ng kaibigan ay mahirap sa akin iyon. Iba lang kasi ang nararamdaman
ko sa kaibigan ko na iyon. Sa hindi ko maipaliwanag na bagay ay hinila ko ang
kanyang braso noong papalayo na siya. Ewan ko ba bakit gannon na lamang ako
kung makahila sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Mabuti na almang ay
naalala ko na mayroon pala ako ibibigay sa kanya. Kamuntikan ko na makalimutan
iyon.
“Wait Rich! I have something to give you.” Wika ko.
Tumakbo ako paitaas. Dali-dali kong tinungo ang aking kuwarto hanggang
sa marating ko iyon. Kinuha ko kaagad ang plastic na naglalaman ng mga damit,
isang pares ng tsinelas at ang aking kauna-unahang stuff toys. Desidido na
akong ibigay iyon sa kanya. Tumungo na ako agad paibaba. Tumakbo ako at agad ko
siya muling nilapitan.
“Since i have many clothes and toys, i will give you some of those. I
do hope you like it!” Nakangiting sambit ko sa kanya.
Binuksan niya ang plastic. Nagulat na lamang ako sa kanyang reaksyon.
Kinuha niya ang dalawang stuff toys at niyakap niya ito. Ang saya-saya niya at
ngayon ko lang siya nakita na ganoon kasaya. Ang nangingibabaw na ngiti niya
ang nagpangiti din sa akin. Kakaibang saya na naman ang aking naramdaman. Naku
po hindi ko na talaga alam kung ano ba ang saya na ito! Basta masaya lang ako
sa kanya.
Tumungo na din ito sa labas, tumungo na papunta sa Bayan. Nakakalungkot
ang kanyang paglisan sa bahay ngunit napangiti pa din ako. Kahit papaano ay may
baon ako sa kanya, at ikinatuwa ko pa na sa dalawang stuff toys ko pa siya
natuwa. Naging maganda ang buong araw ko noon. Ngayon ay masasabi ko na
nakahanap na ako ng taong magpapasaya sa akin, si Rich. Magpapasaya? Oo marahil
sa kasama ko siya kanina ay iba ang aking saya. Napansin iyon ni Mommy.
“You look very happy today huh Jam?” Tanong sa akin ni Mommy.
“Yes Mommy! May friend na ako!” Nagagalak kong sambit.
“I never see you like this before. Ang saya-saya mo talaga ngayon! Oh
well let us eat our dinner already. Mommy has to go later for work. Antayin
lang natin si Daddy.”
Dumating na si Daddy. Sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Mga ilang
sagli pa lamang ay may narinig kaming mga sirena.
“Mga pulis ata iyon.” Wika ni Daddy.
Sinilip niya ang bintana. Nang humina ang sirena ay tumungo na ulit
siya sa hapag-kainan.
“Papunta sa Bayan ang mga sasakyan. Bakit kaya?”
“Naku mukhang may pangyayari sigurong hindi maganda. Hayaan mo
makakasagap tayo ng balita. Mamaya tatawagan ko si Mareng Alou.” Wika ni Mommy.
Natapos na kaming kumain. Narinig na naman muli namin ang sirena.
Mukhang pabalik na ito.
“Mommy tanungin mo na kay Mareng Alou kung ano ba ang sinadya ng pulis
kung sa Bayan man iyon galing.” Wika ni Daddy.
Lumapit si Mommy sa telepono. Nag-dial ito at nag-antay sa sagot.
Maya-maya lamang ay nagsalita na ito.
“Hello?... Oo mare....Ano?.... nakakatakot naman!... Kawawa naman. . .
. Teka anong sinabi mo? Bata? Lalaki ba ito?. . . . Alam mo ang pangalan ng
bata?. . . Hindi maaari. . . Sige. . . . Oo kilala ko, kaibigan siya ng anak
ko. . . Oo mare sige. . . Ok sige salamat mare Bye.” Iyon ang narinig kong mga
salita kay Mommy.
Ibinaba na niya ang telepono. Humugot ito ng malalim na hininga.
Lumapit sa akin.
“Jam, could you go upstairs and go to your room. Mag-uusap lang kami
ni Daddy.” Sambit niya sa akin.
Tumungo na ako sa taas. Humiga na ako sa kama. Sa mga diyalogo kanina
ni Mommy ay naalala ko ang sinabi niya na kaibigan ko. Alam ko na si Rich ang
kanyang tinutukoy. Kinabahan ako. May pulis kanina na dumaan. Ang alam ko ay
kapag may pulis, may disgrasya. Naku po huwag naman po sana! Baka nadisgrasya
ang aking kaibigan. Sa takot ko ay idinaan ko sa pagdadasal.
“Lord, please keep my friend in your good hands. Ingatan niyo po aiya.
He is my only friend who made me happy. Amen.”
Uminga ako ng malalim. Muli akong humiga at natulog. Pero kinakabahan
ako. Bakit ganito ang aking pakiramdam? Sana nasa maayos na kalagayan si Rich.
Kinaumagahan ay tinugo ko agad ang labas ng bahay. Tinungo ko ang
gate. Baka makita ko si Rich na dumaan. Sa ganoong paraan ko malalaman kung
maayos lang siya. Hindi ako binigo ng
tadhana. Sakto ang pagkakakita ko sa kanya, ngunit nilagpasan lamang niya ang
gate. Agad ko siyang nilapitan.
“Rich”
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay niyakap ko ito. Baka dahil
siguro sa pag-aalala ko sa kanya. Akala ko kasi napahamak na ang kaibigan ko.
Mahigpit ko siyang niyakap. Hindi ko alam ngunit iba ang kaba ko sa dibdib.
Nang makita ko siya ay parang tulala itong naglalakad kanina. Mayproblema kaya
siya. Tatanungin ko na sana siya nang may humawak sa aking kamay. Mahigpit ang
pagkakahawak nito sa akin. Si Mommy.
Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Hinila ako pabalik. May
puwersa ito at tila inilalayo ako kay Rich. Sa hindi ko alam na dahilan kung
bakit. Hindi ko naman maisip dahil kahapon lang ay napakasaya namin at ngayon
ay parang napalitan ng hindi maganda. Hindi ko alam. Dahil sa pagkasabik ko
noon sa kaibigan ko ay pumapasag ko, ngunit hindi ko kaya si Mommy. Umiyak na
ako noon ngunit hindi siya nagpatinag. Isinara niya ang pinto at pinaupo ako sa
sofa. Huminga siya ng malalim, malungkot ang mukha.
“Anak we are so sorry kung ganito kami ngayon sa iyo. Anak it’s seems
like hindi ka safe to be friends with Rich. Hindi namin gusto ‘to but gusto ka
lang namin pag-ingatan.” Malumanay na wika ni Mommy.
“But how come Mommy? Bakit po?” Garalgal kong tanong.
“Rich is not the one who we wanted you to be friends with. Baka
mapahamak ka sa kanya and ayaw namin na mangyari iyon sa iyo. Please Jam anak
makinig ka sa amin.” Pinunasan ni Mommy ang aking luha. “There are many kids
there na maari mong maging friends, not only Rich. We may not say na you are in
a safe hands when you are still be friends with Rich. Ayaw ka lang namin
mapunta sa masamang bagay.” Dagdag pa niya.
Tuluyang inilalayo nila sa akin si Rich, sa hindi nila masabing rason
ay nag-iisip ko kung bakit kaya. Tinungo ko ang kuwarto ng umiiyak,
humahagulgol. Kung kailan ako nakahanap ng kaibigan ay biglang bawi agad nito
sa akin. Napakabilis ng mga pangyayari, sa kabila ng masasayang kaganapan ay
napalitan agad ng mapait na kinabukasan. Hindi ako tumigil sa kakaiyak. Hindi
ko ba malaman pero para sa akin, isang malaki ang paglayo ng aking mga magulang
kay Rich.
Mula noon ay iba na muli ang takbo ng aking buhay, pinagbigyan pansin
ko na lamang ang aking pag-aaral. Tinutok ko ang sarili sa ibang mga bagay
kaysa sa paghahanap muli ng kaibigan. Ninananis ko pa din na si Rich ang maging
kaibigan ko. May mga batang lumalapit sa akin ngunit tikom na lamang ang aking
bibig pagdating doon. Hindi ko ba alam sa edad kong walong taon ay parang ang
seryoso ko na sa pagkakaroon ng kaibigan. Marahil ay hindi ko ramdam ang kung ano
ang narandaman ko noon kay Rich. Sa araw-araw na pag gising ay sumisilip ako sa
bintana, umaasang makita ko siya. Pero simula noong araw na iyon ay hindi ko na
muli siya nakikitang magkalad. Walang ibang daan papunta sa kanyang paraalan
kundi sa daan sa tapat namin, ngunit sa araw-araw kong pag-aabang ay bigo akong
makita siya. Iyon pa ang lalong ikinalungkot ko. Kinalimutan na ba niya ako?
Taon din ang lumipas, Grade 5 na ako noong natanggap ko sa aking
sarili na wala na si Rich. Sa tagal ko na lagi siyang iniisip ay nanawa na ako.
Napagtanto ko din na bata lang kami noon at sa tagal ng panahon ay siguradong
nakalimutan na niya ako. Hindi na talaga siya dumadaan sa kalye sa tapat namin.
Marahil maaring lumipat na siya ng ibang paaralan. Tinatanong ko si Mommy kung
bakit nila ako nilalayo kay Rich ngunit tikom pa din ang kanilang bibig.
Hanggang sa tinigil ko na lamang malaman iyon, pagod na ako sa kakatanong pero
hindi sinasagot. Naisip ko na lang na iniingatan lang nila ako. Pero sa anong
dahilan? May malaki bang kasalanan si Rich para ilayo ako? Mula noon ay
ihininto ko na lang ang pag-iisip ng kung anu-ano kay Rich. Mukhang wala na
namang saysay ang isipin pa siya. Siguro ay nakalimutan na niya ako. Iyon na
lamang ang inilagay ko sa aking isip, kinalimutan na niya ako.
Panahon ang lumipas at ako ay nasa Highschool na. Sa hindi inaasahan
na panahon ay gumimbal sa akin ang isang pagtatagpong iyon. Pagtatagpo na hindi
ko lubos maisip, hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon. May saya
ngunit may tampo. Paano ko nga ba siya ulit haharapin sa tagal na mga panahong
lumipas?
Ang chap.3 at chap.4 ay iisang kganapan lng sa 2 POV. Kay Jam at k Rich. Ang haba ng POV. Pg-aralan mo n lng cguro i-intertwine Ung part ng cmula umpisa ng chap.3 at chap.4 hangang umuwi c Rich dala ung mga regalong bnigay ni Jam. Tpos, Cmulan mo ang pov ni Jam s part na dumating n ang daddy nya at ngdidinner n cla. Advice ko lng un. Napuna ko na may typographical error n konti at may word n nwala at maling gmit ng salita. Although, d nman nkaapekto s kabuuan ng storya. Pero mganda ng mai-plish pa!
ReplyDeleteHmmm ok po ipopolish ko na lang po sa susunod na mga kabanata. . .
Delete