NOTE FROM THE AUTHOR: Ang kabanata na ito
ay itutuloy sa paglalahad ni Rich. Dito natin malalaman ang kanyang tunay na
saloobin. Muli maraming salamat po sa mga magagandang reviews. Susubukin ko ang
aking sarili upang makabuo ng mas magaganda pang mga kuwentong pag-ibig. Muli, maraming
salamat po sa uulitin.
The Side of
Rich
Ang buhay talaga ay sadyang
mapaglaro. Ang buhay ay hindi patas. Minsan may ninanais tayong gawin sa buhay
upang mapa-ayos ang ating kalagayan ngunit ang ninanais natin na iyon ay isa
din pala sa magmimitsa ng mas magulong daloy
ng ating pamumuhay. Minsan din ay
gumagawa tayo ng mga bagay na sa alam natin ay tama, subalit mayroon din pala
ang maaapektuhan at ang mas mahirap ay isa ka sa mga maghiihrap sa iyong maling
desisyon.
Oo, alam ko ang iniisip ninyo sa
akin. Alam ko na masyadong mabilis ang lahat, nagkaroon ng kasintahan ng wala
pang ilang buwan ang lumilipas, hindi ko binibigyang importansya ang aking mga
kaibigan o kung anu-ano pa ang mga umiikot sa inyong balintataw. Kung iniisip
ninyo na napakarami ang mali sa ginawa ko puwes oo, inaamin ko. Kahit ako sa
sarili ko ay aminado ako. Sa totoo lang, nagsisisi ako at hiniling na sana ay
hindi na nangyari ang lahat. Hindi lamang isa o dalawa kundi tatlo, isama na
natin ang kaibigan kong si Kyle. Ngayon ay hayaan ninyo akong magpaliwanag sa
inyo at sana ay may makaintindi sa aking ipapaliwanag. Hindi ko pinipilit ang
lahat na makinig sa akin ngunit ito po ang aking pagkakataon upang ilahad ang lahat-lahat.
Nawa’y makuha ko ang inyong atensiyon.
Noong malaman ko na mayroong
pagtingin sa akin si Jam ay hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Para
bang may nagtatalo sa aking kalooban. Oo, nahahalata ko ang kanyang mga kilos
sa tuwing magkasama kami. Sa totoo lang ay nakikiramdam ako sa kanya, ang bawat
tingin niya, mga paalala niya, pati ang kanyang mga kilos at galaw ay
napapansin ko. Inaamin ko, nahuhulog na din ako sa kanya. Paano ba namang
hindi? Nasa kanya na ang lahat, matalino, mabait, malambing, mapag-alala, halos
kulang na lang ang ibigay ko ang sarili ko sa kanya. Inaamin ko na posible
akong mahulog sa kanya. Ang akala ko noon na pang-kaibigan lang ang ang aking
nararamdaman ay hindi pala. Habang magkasama kami ng matagal ay napapagtanto ko
sa aking balintataw na kakaiba iyon at hindi iyon ang pakiramdam ng hanggang sa
kaibigan lang. Oo ipagtatapat ko na sa inyo, mahal ko din si Jam.
Ngunit may gumugulo sa akin,
iyon ay kung tama ba ang mahalin ko siya. Lalake ang tingin ko sa kaibigan ko,
matuwid na lalaki. Natatakot din akong umamin ng aking lihim na pagtingin dahil
baka mabigo lang din ako. At kahit na
magtapat ako ng pagmamahal ay hindi maaring maging kami talaga. Parehas kami ng
kasarian, lalake siya at lalake ako. Oo naiintindihan ko si Kyle sa kanyang
lagay, ngunit sa amin ni Jam? Sino ang tatayong babae sa amin at sinong
tatayong lalake? Mukhang imposible ang ganoong pagmamahal gayong parehas kaming
umaakto sa lugar ng pagkalalaki. Ngunit noong araw ng pag-amin ni Jam sa akin
ang kanyang tunay na nararamdaman sa akin ay hindi ko alam kung ano ang
gagawin. Pero may mali, mali ang aming magiging pagmamahalan kung sakali. Alam
kong hindi ito matatanggap ng aking mga kamag-anak. At isa pa ang gumugulo sa
akin, ang aking pagkatao. Hanggang ngayon ay gulung-gulo ako sa sarili. Ayaw ko
ang pagiging ganito ko. Oo inaamin ko, nasabihan ko na bading si Jam dahil
hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayaw ko na maging maging magkatulad kami ng
nararamdaman sa isa’t isa. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari sa anin kung
sakali. Alam ko na kung sakaling pagbigyan ko ang kanyang pagmamahal at maging
kami ay magiging usap-usapan ang tungkol sa amin, at ang ikinatatakot ko ay
kung ano ang sasabihin ng mga tao. Hindi sa ayaw ko dahil pinangangalagaan ko
ang aking pangalan ngunit gusto ko lang pag-ingatan ang aking matalik na
kaibigan, na oo mahal ko na din.
Akala ko na tama lang ang
pinasok ko sa isang relasyon. Oo inaamin ko na ginawa ko lang makipagkasintahan
kay Thea upang lumayo ang loob ni Jam sa akin, na mawala ang kanyang pagtingin
sa akin. Akala ko ay isa iyon sa magiging magandang paraan, ngunit ang totoo
niyan ay nasasaktan din ako sa tuwing nakikita kong malungkot siya kapag
nakikita niya kami ni Thea. Alam ko na nasasaktan siya dahil nababasa ko sa
kanyang mga mata. Minsan doon natin makikita ang totoong nararamdaman ng isang
tao, kung masaya, galit o malungkot. Pero ito na, nandito na ako. Kung iniisip
ninyo na parang panloloko na ang aking ginagawa kay Thea, oo inaamin ko. Maaari
ko din namang mahalin si Thea tulad ng pagmamahal niya sa akin, subalit kung
nakikita ko si Jam ay mas nangingibabaw ang nararamdaman ko sa kanya kumpara
kay Thea. Hanggang isang araw ay napagtanto ko sa aking sarili na mas mahal ko
si Jam, mahal ko siya ngunit paano ko sasbihin sa kanya gayong may girlfriend
na ako. Nahihirapan ako. Ang tanga ko dahil hindi ko pinag-isipan ang lahat. Nanaig
ang aking takot kaysa sa makinig sa talagang nais ng aking puso. Napagtanto ko
din na hindi lang si Thea ang niloloko ko, pati ang aking sarili ay ginagawa
kong dayain. Nasa huli talaga ang pagsisisi, na kung kailan huli na ang lahat
ay mapagtatanto ang tunay na nararamdaman, na mas mananaig talaga ang totoo.
Mga ilang buwan bago matapos ang
aming 4th year ay nagkakalabuan na kami ni Thea. Isang araw ay may
date kami, ika-anim na Monthsary namin iyon. Hindi tulad ng dati na
handang-handa ako, may sigla at may handog sa kanyang mga rosas at isang kahon
ng tsokolate. Lagpas sa oras na aming pinag-usapan ako dumating, mga tatlong
oras. Nakita ko sa kanya ang galit na anakapinta sa kanyang mukha.
“My God Rich you are late for
three hours?” Iritang sambit ni Thea.
“Babe I’m sorry pinag-antay kita
ng matagal.” Mahinang sambit ko.
“Babe ano bang nangyayari sa
iyo? Napapansin ko na hindi ka na ganoong ka sweet sa akin. Oo magkasama tayo
pero minsan may mga araw na hindi kita maramdaman bilang boyfriend ko. May
problema ba?” Tanong niya, may diin ang boses.
“Babe walang problema sa atin
okay.” Kinuha ko ang kanyang kamay, nilapit ko siya sa akin at niyakap. “I’ll
gonna be fine babe. I’m so sorry i took so long.” Dagdag ko.
Ngayon ko lang nakita si Thea na
ganoon. Mas natakot ako dahil alam kong masasaktan siya kung sasabihin ko ang
aking dinadalang hirap. Kung ipagtatapat ko sa kanya na mas mahal ko si Jam
kaysa sa kanya ay siguradong isang pako
ito na tutusok ng madiin sa kanyang puso. Oo inaamin ko na isang malaking
kawalan sa mga lalakeng katulad ko si Thea. Halos lahat ng mga katangian sa
pinapangarap kong babae ay nasa kanya na. Noong unang kita ko pa lang sa kanya
sa facebook, unang pagkikita namin ng personal at unang araw ng pagtapat niya
ng tunay na pagmamahal niya sa akin ay ramdam ko ang saya. Ngunit iyon ba ay
tunay na kaligayan o mabilisang kagalakan lang? Hindi ko na alam gagawin ko.
Hindi ko alam kung kanino lalapit. Kay Kyle sana pero alam ko na may tampo din
sakin ang aking kaibigan, at sigurado na mas papanigan niya si Jam dahil lagi
sila ang magkasama. At saka ganoon din naman, ako at ako pa din talaga ang talo
dahil kasalanan ko ang lahat na nangyari ang lahat ng ito. Pero hindi ko na
kaya, hindi na dapat maaaring ipagpatuloy ang panloloko na ito. Mahal ko si
Jam, at bilang taong nagmamahal ay dapat kong kaharapin ang lahat. Ako ang
naglagay ng gusot at mantsa sa lahat ng ito kaya dapat ako din ang maglinis at
mag-unat ng lahat ng ito.
Isang araw bago ang pagsapit ng
aming graduation ay nagpunta ako sa bahay nina Thea upang sunduin siya. Masaya
siyang lumabas ng gate. Isang napakagandang binibini ang tumambad sa akin,
hindi gaanong balot ang kanyang mukha ng make-up, nababalot ng natural niyang
ganda. Ang sama ko talaga. Pero para matapos na ang lahat ng ito ay ipagtatapat
ko na ang lahat sa kanya.
Pagkadating pa lang sa event ay
sinuyo ko siya sa isang kubo. Kaya ko ito tiwala lang. Subalit nalulungkot ako
dahil masasaktan ko siya. Hinga ng malalim Rich, ihanda ang iyong sarili sa
kung ano man ang mangyayari. Sana hindi niya awayin si Jam. Oo masakit itong
gagawin ko kaya sana makapagpigil si Thea na saktan siya. Sana ako na lang ang
awayin niya tual ako naman ang gumawa ng lahat ng ito. Pagkarating namin sa
kubo ay hinarap ko siya. Hawak ko ang kanyang kanang kamay.
“Anong ginagawa natin dito Rich?”
Waika ni Thea na may napakagandang ngiting nakapinta sa kanyang mukha.
Nanginginig ako, hindi ko alam
kong paano sisimulan. Heto ako at kaharap siya. Kakayanin ko ba ito? Naaawa
kasi ako sa kanya, na isang inosenteng nagmahal lamang ngunit biglang
masasaktan dahil sa isang rebelasyon na sigurado ay masakit tanggapin sa
kalooban. Nagagalit ako sa sarili ko kung bakit ko nagawa ang lahat ng ito.
Pero kailangan. Tumitig ako sa kanyang mga mata. Gusto ko na iparamdam sa kanya
na may gusto akong sabihin sa pamamagitan ng pagtitig.
“Bakit tinititigan mo ako ng
ganyan?” Tanong niya sa akin. Huminga siya ng malalim. Sana nakuha niya ang
aking pahiwatig. “Rich, may problema ba.” Sa wakas at nakuha niya ang aking
pahiwatig. Pumikit ako.
“Thea.” Muli kong binuksan ang
aking mga mata. Nakita ko ang kanyang mukha na may pagtataka.
“May gusto ka bang sabihin?”
Sambit niya, may pagtataka pa din.
“Thea may ipagtatapat ako.” Bumilis
ang kaba sa aking dibdib. Kaya ko kayang sabihin sa kanya?
“Rich...” Mahinang tugon niya. “ano
ang ipagtatapat mo?” Dagdag niya.
“Thea, I’m so sorry. Hindi ko na kaya.” Panimula ko.
Huminga ako ng malalim. “Thea hindi ko sinasadyang masaktan ka pero Thea I
think it is the time na sabihin ko ang totoo sa iyo.” Hindi ko na naiwasang maging emosyonal. Tumulo
ang aking luha. Yumuko si Thea.
“Rich napapansin kita nitong mga
nakaraang buwan. Nanlalamig ka na sa akin at ramdam ko iyon. Sa tuwing kasama
kita ay para lang lutang. Malalim ang iniisip mo. Gusto sana kita tanungin pero
minabuti ko na sa iyo manggaling.” Pagpapaliwanag ni Thea. Napapansin na pala
niya sa akin ang pagigiing ganun ko.
“Thea, ngayon ko lang na-realize
sa aking sarili na mali ang magkunwari ako sa totoo kong nararamdaman.”
Kaunting lakas ng loob na lang Rich, kailangan na niyang malaman ang lahat. “Thea
akala ko malulutas ang lahat ng ito kung magmamahal ako ng tulad mo, kahit
hindi ko sundin ang aking tunay na tibok ng aking puso.”
Sinapo niya ang kanyang ulo,
humihikbi.
“I knew it Rich. I really knew
it.” Patuloy pa din ang kanyang paghikbi. Hindi ko na din naiwasan ang umiyak.
May sakit sa kalooban ngunit nandito na ako. Dapat harapin ang dapat harapin.
“Thea hindi ko sinasadya.”
Matipid kong sabi. Hindi ko na alam paano ko itutuloy dagil nakikita ko sa
kanya ang sakit.
Pinunasan niya ang kanyang mga mga
mata. Huminga ito ng malalim. Tumingin siya sa akin. Huminga ulit ito ng malim.
“Rich tell me. Minahal mo ba ako or you are trying to love me para
makalimutan mo kung sino man ang mahal mo?” Piliniyang sinambit ito ng hindi
humihikbi, pero patuloy pa din ang pagtulo ng kanyang luha.
“Thea, sinubukan kong mahalin ka. I admit, oo niligawan kita para mawala ‘yung
pagmamahal ko sa kanya. Mali kasi ang pagmamahal na iyon gayong parehas kami ng
pagkatao. Ayaw ko na magmahalan kami. Pero Thea hindi ko na kaya pang itago. Oo
mahal ko pa din siya.” Lumabas na din ang lahat, ang matagal ng naipon sa bigat
sa akin.
Pumikit siya, pinakalma ang kanyang sarili. Dumilat ito, at ngumiti ito,
may pait ang ngiti na iyon.
“Rich naiintindihan ko.” Sambit niya. “Ayaw kong magalit sa iyo pero
masakit lang. Atleast you are brave enough to tell me the truth. Thank you Rich
for your honesty.” Sinapo niya muli ang kanyang ulo. Nilapitan ko ito. Hinimas
ko ang likod niya. Hindi ko maiwasan ang
mapaiyak din.
“Wala na akong masabi kundi sorry for all those things i did. Oo i tried
to be the best guy for you pero sabi talaga ng puso ko na mahal ko siya. I’m so
sorry.” Paulit-ulit ang paghingi ko ng tawad.
Akala ko na sasaktan niya ako, sasbihan ng masasakit at kung ano pa man
para maramdaman ko ang kanyang galit o sakit. Pero kakaiba ang kanyang
ipinakita sa akin, isang babae na tinanggap ang lahat. Nilapitan niya ako.
Niyakap muli. Nilapit niya ang kanyang labi sa aking tainga.
“Rich Thank you for everything. Sorry kung minahal din kita ng ganito.
Kasalanan ko din.” Mahinang tugon niya.
“Ako ang may kasalanan Thea, wala kang kasalanan.”
Umupo kami. Tumabi siya sa akin.
Pilit pa rin siyang ngumingiti.
“Okay lang Rich.” Tugon niya.
Naramdaman ko ang buong pagtanggap niya.
“Paanong okay ka? Masakit ‘yung
ginawa ko.”
“Oo masakit. Nandoon na tayo. Alangan
namang maging masaya ako.” Ngumiti pa ito. Ngayon ay hindi na alintana sa kanya
ang sakit. “Humanga ako sa iyong pagpapakatotoo.” Dagdag niya.
“Hindi ko na kasi alam kung saan
ko ilulugar ang aking sarili Thea.”
“Bakit kasi hindi mo sundin ‘yung
nararamdaman mo? Kung ano man ang tunay na tibok ng puso mo?” Mahinang tanong
niya.
“Kasi mali. Hindi ko
maintindihan Thea. Mahal ko siya pero Parehas kaming lalake. Hindi ko
maintindihan ang sarili ko.” Naluluha pa din ako. Pero mas nasasabi ko na dahil
nakikita ko na kay Thea ang pagtanggap.
“I knew it Rich.” Tugon niya. “Hulaan
ko Rich kung sino iyong lalake na sinasabi mo. Si Jam hindi ba?”
“Paano mo nalaman?” Gulat ako sa
kanyang sinambit. Napatayo ako. Paano?
“Minsan noong natulog ka sa
amin. Hindi mo alam na binabantayan kita sa couch. Nananaginip ka. Nasambit mo
ang pangalan ni Jam. Mahal na mahal mo siya.” Yumuko si Thea matapos niyang
sabihin.
“Paano?” Nagulat ako. Oo madalas
kong mapaniginipan si Jam na kasama ko, kayakap ko at katuwaan ko. “Kailan pa?”
Dagdag ko.
“Matagal na at hindi lang isang
beses nangyayari iyon. Madalas kapag sa amin ka natutulog. Oo Rich alam ko na, matagal
na.” Nakayuko pa din siya habang nagsasalita.
“Bakit hindi mo sa akin agad
sinabi?”
“Dahil gusto ko na sa iyo
manggaling ang lahat. Ngayon ay sinabi mo na sa akin ang totoo. Salamat at
makakahinga na din ako ng malalim. Nasagot na ang mga tanong sa aking isipan.” Tumingin
sa akin at ngumiti.
“Kung ganoon hindi ka nagagalit?”
Tanong ko.
Hinawakan niya ang aking
mgakamay.
“Bakit pa Rich? Para saan pa ba
ang galit ko? Kung hindi mo naman ako mahal ano pa ba ang ipaglalaban ko?” Nakangiti
pa din ito, pero halata pa din ang lungkot sa kanyang mga mata. “Hindi ako
magagalit sa iyo. Natutuwa pa nga ako kasi naging totoo ka. Kahit na alam ko na
masakit, pero lalabas at lalabas talaga ang lahat pagdating ng huli. Huwa ka
mag-alala, hindi ako nandidiri sa iyo dahil ganyan ka.” Dagdag niya. Nakita ko
ang kanyang pag-unawa sa akin.
Niyakap ko siya ng mahigpit.
Naiyak ako, mas grabe ang pagluha ng aking mga mata. Talagang ang suwerte ko
kay Thea. Naawa ako dahil alam ko masakit ang lahat sa kanya. Pero nagawa pa
rin niya akong unawain. Tumigin ako muli sa kanya
“Maraming salamat Thea.” Maluha –luha akong
nagpapasalamat.
“Mahal kita Rich. Kahit ang
sarili kong kaligayahan ay kaya kong ipagpalit para sa ikasasaya mo.” Nakangiti
siya sa akin. Ngumiti din ako. “So shall
we be friends na lang? Malay mo mas magtagal tayo if we just become friends
instead?” Inilahad niya ang kanyang kamay. Tinanggap ko iyon.
“Oo naman!” Mahigpit kong
hinawakan iyon. Naramdaman ko ang sobrang pagmamahal niya.
“So paano na ‘yan Rich?
Sasabihin mo ba sa kanya na mahal mo siya?” Tanong niya.
Umupo kami. Sa kanya ako nagsabi ng aking nararamdaman. Alam ko na
tanggap na naman niya kaya sa kanya ako nagbukas. Sinimulan ko ang pag-kuwento
sa eksenang umamin ng pagmamahal si Jam, hanggang sa nanlamig ako sa kanya.
Pati na din ang araw na napagtanto ko na mas mahal ko si Jam.
“Then mag confess ka na. Tulad ng ginawa mo sa akin na nagsabi ka ng
tunay mong nararamdaman ay gawin mo din ang magtapat sa kanya.” Si Thea,
nagpayo.
“Pero paano? Nasaktan ko din siya.”
“Face your consequence Rich. Paano matatapos ang lahat kung hindi mo sa
kanya sasbihin hindi ba?” Tinapik niya ang aking balikat. “Kung mahal mo siya
sabihin mo. Huwag mong itago pa. Gusto mo pa bang maulit muli ang ganitong
setup? Dagdag niya.
Mas lumakas ang aking loob. Mas nabuhayan ako. Natapos na ang lahat, baon
ang saya ngunit may lungkot para kay Thea. Nagyakapan kami muli. May ngiti na
muli sa kanyang mukha. Isang matatag na babae si Thea. Kung iba lang siguro
siyang babae ay siguradong mas naging magulo pa ang lahat. Tama siya, dapat
hindi ko napatagalin ang lahat. Aamin na ako kay Jam.
Tinungo na namin ang lugar ng pagdadausan ng aming graduation. Lahat ay
masaya. Ngunit hindi ko magawang ngumiti. Tinapik muli ako ni Thea.
“Smile na.” Tugon niya. “Ga-graduate na
tayo. Iiwanan mo na lang ba ako na may lungkot sa iyong mukha?” Dagdag niya.
Ngumiti ako, gusto ko ipakita sa kanya
ang ngiti na nais niya.
“Actually makikipagbreak na din ako sa
iyo.”
Nagulat ako. Nanlaki ang aking mga mata
sa kanyang sinambit.
“Pupunta na kasi kami sa States ng
Family ko. Pumirma na si Mama at Papa ng resignation letter
sa kanilang work. Kukunin na kasi kami
ng Tito ko. Mukhang doon na ako makakapagsimula ulit.”
Nangibabaw ang lungkot. Pero ngumiti pa
rin siya sa akin. “Sabi lang ng destiny na hindi talaga tayo ang para sa isa’t
isa. Baka malay mo kay pala ng kaibigan mo.” Tumawa ito.
“Sana nga. Pero pinanghihinaan
ako ng loob.” Tugon ko.
“Sige ka gagawin kong lalake si
Jam, magpapaligaw ako sa kanya.” Nagbiro siya. Tumawa kaming dalawa.
Nagsimula na ang programa.
Nakita ko si Jam sa unahan kasama si Kyle. Gusto sila noon lapitan pero may
kung anong kaba sa akin. Parang hindi ko kakayahin ang paglapit ko kay Jam. Sa
tuwing titingin ako sa kanya ay mas tumitibok pa ang aking puso. Hindi ko
maintindihan pero ieto ang totoo kong nararamdaman. Ayaw kong dayain ang aking
sarili. Natapos na ako kay Thea, at ngayon ay kay Jam naman ang aking aayusin.
Natapos na ang programa. May mga
umuwing may luha sa kanilang mga pisngi habang may mga masasaya din kahit paano.
Lumaipt sa akin si Thea upang magpaalam. Nagmamadali na sila. Tanging ang
sambit na lang niya sa akin ay “Magpakatotoo ka sa nararamdaman mo.” Nakakatuwa
si Thea kahit sa kabila ng lahat ay natanggap niya agad. Maya-maya lamang ay
may kumalabit sa akin. Si Jam.
Nasaksihan ninyo ang aking
pagyakap at paghingi ng tawad ka kanya. Ngayon ay marahil alam na ninyo kung
bakit. Lumayo ako sa kanya matapos kong yumakap sa kanya. Wala akong maihaharap
sa kanyang mukha. Nasaktan ko siya. Ngunit nakikita ko na sa kanya ang
pagtanggap. Mukhang nakayanan na niya ang lahat. Paano na ako ngayon aamin kung
naka usad na siya? Pero mahal ko siya. Oo, mahal ko si Jam. Tinungo ko ang
kotse. Sumunod sina Nanay at Tita.
“Rich may problema pa?” Tanong
sa akin ni Nanay.
“Hindi ko na kaya nay. Nadala
lang po ng emosyon.”
“Hay ang Pamangkin ko talaga?
Iyakin ka lang? Sabagay natural ‘yan sa graduation.” Si Tita.
“Oh congratulations anak! We are
really proud of you!” Isang mahigpit na yakap ang handog ni Nanay. “Hidi mo
alam kung paano mo ako napasaya!” Dagdag niya. May masayang emosyon ito. May
pag-iyak sa kanyang mga mata.
Naramdaman ko ang aking tagumpay dahil sa pinakita sa akin ni Nanay. Sa
wakas at natapos ko din ang highschool. Ngayon ay malapit ko na maabot ang
anking mga pangarap. Gusto ko tulungan si Nanay kagap nakapagtapos na ako.
Gusto ko siyang pagawan ng bahay at negosyo apra may pagkakakitaan siya.
Malapit na din namin makamit ang masaganang buhay. Nagpasalamat din ako kay
Tita sa lahat ng tulong niya upang umangat kami ni Nanay. Kung hindi dahil sa
kanya ay wala din ako sa aking kinatatayuan.
Umuwi na din kami. Nagkaroon lang ng salu-salo at nagpahinga na din agad.
Halos hating gabi na noon kaya hindi na kumain sa labas. Tinungo ko ang aking
kuwarto. Doon ko inilabas ang emosyon na nararamdaman ko. Gusto kong ibuhos
lahat-lahat. Lalo pang bumuhos ang aking luha nang magtext sa akin si Jam. Hindi
ako agad nakasagot. Sana hindi na umabot sa ganitong eksena ang lahat. Hanggang
sa tumawag na siya. Agad ko itong sinagot.
“Hello
Rich.” Pambingad ko.
“Jam?” Sagot ko. Hindi ko
mapigilang ang aking emosyon.
“May problema ba?” Tanong niya
“Jam I’m so sorry.” Patuloy pa din
ang aking paghikbi.
“Hindi kita maintindihan Rich.
Para saan ba ‘yung sorry mo?”
“Jam Mahal kita!” Umagos ang
aking luha. Mas ninerbiyos ako. Mas may tensiyon. Nanginginig ang aking kamay.
Sana kayanin ko pa ang aking pag-amin sa kanya.
Hindi na siya nagsalita. Mas
kinakabahan ako.
“Jam?”
“Rich totoo ba ang aking
narinig?” Sambit niya. Garalgal ang kanyang boses.
“Jam totoo, Mahal na mahal kita. Hindi ko na
kaya pang ilihim ang lahat.”
“Rich bakit ngayon mo lang sa
akin sinasabi ang lahat? Bakit hindi noon? Rich nai-ayos ko na ang aking buhay.
Tinanggap ko na sa aking sarili na wala na akong dapat i-asa sa iyo. Hindi ba
may Thea ka? Sabihin mo ngayon sa akin? Ginamit mo lang ba si Thea? Ha?” May
diin ang kanyang boses.
“Jam patawarin mo ako. Hindi ko
sinabi sa iyo noon. Natatakot ako at naisip ko na mali ang magmahal ng tulad
natin dahil lalake tayo. Pero hindi ko pala kaya. Mas mananaig pa din ang tunay
na tibok ng aking puso, at ikaw iyon Jam. Iakw ang mahal ko. Oo ginamit ko si
Thea kung iyon ang iniisip mo. Pero mayos na kami ni Thea. Nagtapas na ako.
Aalis na siya sa bansa. Nakipaghiwalay na ako sa kanya.” Puno pa din ang mukha
ko ng luha.
Binaba niya ang kanyang
cellphone. Mas lalo pa akong umiyak. Nasaktan ko ng labis si Jam. Ang sama ko.
Pinagsisihan ko ang lahat. Ngunit mukhang huli na ang lahat. Masakit ang aking
nagawa sa kanya. Tinawagan ko si Kyle. Ngunit busy ang phone niya. Napayuko ako.
Pati ba naman si Kyle ay hindi ko matawagan. Isang malaking pagdurusa ito.
Nagising na lang ako
kinaumagahan. May lungkot ang aking mukha. Nakatulog pala ako sa kakaiyak.
Kinuha ko ang aking cellphone upang tingnan ang oras. May message ako, galing
kay Kyle. Agad ko iyong binasa.
“G0odm0rning Rich. OMG ha? Kn0ws
ko na ang laHat! My gawD kA ah? iSanG nakakAluRkeY iTey! 2mawaG sa AkiN si JaM
kagAbi at UmaMin Ka DaW na MahAl Mo diN siYa? ToToo ba iTey?”
Tinawagan ko si Kyle. Sa wakas
at na-contact ko din siya. Agad kong sinagot. Nagpaliwanag ako sa kanya. Tulad
din ni thea ay naintindihan niya ang lahat. Hindi ako nabibigo sa pagiging
maintindihin ng mga taong makakapitan ko. Nagpasya kaming magkita-kita sa
luneta.
Mga hapon na noong nakarating
ako. Nauna ako sa kanila kaya minabuti kong itext si Kyle. On the way na daw
sila. Tinext ko si Jam ngunit hindi naman siya nag rereply. Alam ko na
magkasama sila ngunit maganda pa din na itext ko siya. Mas kinakabahan ako. Paano
ako haharap sa kanya? Ano ang mga sasabihin ko sa kanya?
Mga ilang sandali pa ay dumating
na si Kyle, kasama si Jam. May kaba akong nararamdaman. Para bang sasabog ako
sa nerbiyos. Maya-maya lamang ay nasa harapan ko na sila.
“Hey Rich! Kamusta naman?”
Tiningnan ako ni Kyle mula ulo hanggang paa. “Aba mukhang bihis na bihis ampeg?
I like your outfit.” Dagdag pa nito.
“Tumahimik ka nga diyan Kyle.
Nakakamiss ka pala.” Tugon ko.
“Ayy marunong ka din pala makaramdam
ng pagkamiss? Halika nga dito.” Lumapit ito at niyakap ako. Nilapit ang kanyang
labi sa aking tainga, bumulong ito. “Welcome sa pederasyon ni Madam Shokie.”
“Kakalbuhin talaga kita!”
Paibiro ko. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya. “Ayan power hug para sa
nakakahawang si Kyle” Dagdag
“Aber? At ako pa ngayon ang may
disease? Grabe ka naman? Kung sa bagay ay epidemya na ang mga paminta at bading
ngayon. Kaya ang hirap makatagpo ng poging straigh eh! Hay!”
Namiss ko ang biruan namin na
iyon ni Kyle. Namiss ko talaga siya na halos may luha sa aking mata.
Matapos ng iyon ay hinila ako ni
Jam. Kinabahan ako. Tulad ng dati ay sa braso na naman niya ako hinila. Naiwan
si Kyle sa kanyang kinatatayuan., nakangiti.
“Halika doon tayo sa Chinese
Garden. Mag-usap tayo.” Si Jam. May diin
ang kanyang pagkakasabi.
Nagtungo kaming dalawa sa Garden.
Doon ay naghanap kami ng lugar kung saan kami mag-uusap. Heto na siguro ang
magiging hatol para sa amin. Mahal ko si Jam. Sa pagkakataong ito ay sasabihin
ko na ang lahat. Sasabihin ko sa kanya na mahal na mahal ko siya. Handa na
akong kaharapin ang lahat. Magiging maganda ba ang aming usapan? May mai-aayos
pa ba ang lahat o tuluyan na akong mabibigo sa kanya. May pag-asa pa ba ako o
dahil sa galit niya sa akin ay hindi na posible pang maging kami? Kinakabahan
ako. Pero mukhang ito na ang panahon para harapin ang lahat ng ito, kahit
masakit man o hindi.
Kht anong pgkukunwari o pigil s nraramdman ntin, ito ay lalabas at lalabas n kusa dhl d n kyang pgilan p ang tunay n nraramdaman. Mas mabuti s tao ang ngpapakatotoo s knyang tunay n nraramdman upang tyo ay mging mlaya at msaya kung anumang buhay meron tyo.
ReplyDelete