Followers

Tuesday, May 13, 2014

You're Really The One (Chapter 12)





NOTICE OF THE AUTHOR: Ang kabanata na ito ay ang pagpapatuloy na naudlot na POV ni Jam sa kabanata 11. Sa lahat ng mga mambabasa ng storyang ito, maraming salamat sa supporta at sa mga magagandang comments and suggestions. Muli nating matutunghayan ang pinagdadaanan at ang masakit na pangyayari sa buhay ng ating mga bida.

The Side of Jam

                Sa araw ng aming ika-11 na monthsary nangyari ang pinakanakakasaklap na eksena sa aming buhay ni Rich. Napakasakit para sa akin na makita ang taong mahal na mahal mo na makikita mo na lamang na nakahandusay sa gitna ng isang kalye, duguan at walang malay. Labis ko iyong pinagdudusahan subalit iniisip ko kung bakit hindi siya nagsasabi, ni magtext o tumawag man lang na maaga ang tapos ng kanyang gawain? Sinundan ba niya ako sa pagkikita namin ni Caloy? Ngunit paano niya naman malalaman ang koneksyon namin ni Caloy? Hindi, hindi din maaaring ganoon ang mangyari. Naguguluhan na talaga ang aking utak sa kakaisip kung papaano nangyari ang lahat. Mas dapat ko munang isipin ang kondisyon ngayon ni Rich. Nawa’y pagbigyan ako ng Maykapal sa aking hiling na magkaroon pa ng pagkakataon na maduktungan ang kanyang buhay. Paano na ako kung mawawala siya? Paano na ang aming mga pangarap na matagal na naming binubuo? Paano ang magiging bukas ng aking buhay kung mawawala si Rich sa tabi ko? Binabalot ako ng takot at pag-aalala.

                Kami ay nakarating agad sa emergency room ng ospital at agad na idinala si Rich sa isang silid. Bakas sa kanyang katawan ang disgrasyang hindi nais ng ibang tao na makita. Nangangamba ako dahil sa maraming dugo ang nawala sa kanya. Bago pumasok ang doktor ay hinila ko ito.

                “Dok, please gawin po ninyo ang lahat para po mabuhay siya! Nagmamaka-awa po ako sa inyo!” Pighati kong wika.
               
                “Sir we will do what we must have done. Maniwala lang tayo.” Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa dalawa kong braso. Matapos noon ay tinungo na niya ang kwarto.

                “Calm down Jam. Halika maupo muna tayo.” SI Caloy habang inaalalayan ako papunta sa upuan sa gilid.

                Umupo kami ngunit hindi pa din maalis sa akin ang kaba at takot na nadadama. Sa isang iglap lamang ay hindi ko inaasahan ang ganitong pangyayari. Hindi ako handa sa ganitong eksena sapagkat tiwala ako sa seguridad ng bawat isa sa amin. Subalit mailap talaga ang disgrasya, hindi natin maaaring sabihin na ito’y dadatin o papalapit na. Minsan mabibigla na lang tayo na may isang araw na titingin ka sa isang eksena ang aksidente, subalit imbes na ang inaasahan mo na ibang tao ay isang taong iyong kakilala pala ang nadisgrasya, at ang mas masakit pa nito ay siya ang taong minamahal mo ng buo mong buhay.  Hindi ko maiwasan ang mag-isip at umiyak. Hindi ko alintana kung madaming tao ang titingin sa akin at kung basa ang aking suot dahil sa luha at sa mantsa ng dugo na galing kay Rich. Sa pag-iyak kong iyon ay saksi si Caloy sa bigat na aking dama.

                “Jam, be strong. I don’t know if he’s or friend or rather boyfriend or whoever may that guy be but you stay strong. Nandoon na sa loob ang mga doktor and if we believe then Rich can be saved.”

                “But, I’m so afraid Caloy. He’s my only love, and hindi ko alam ang aking gagawin kung mawawala siya sa akin. Sa dami ng panahon ng aming pinagsamahan, sa pagmamahalan namin, sa lahat. Hindi ako papayag na mawala ang lahat ng iyon dahil natatakot ako. Oh Diyos ko nawa’y tulungan ninyo kami.”

                “Then if you love him, if you want to see him alive, then you just belive in yourself. I’m sure that Rich love you than you love him the most. Lalaban siya para mabuhay kasi alam niya na mayroong tao na dapat niyang balikan at mahalin. Just stay calm and offer a prayer from God. He will help us.” Panunuyo ni Caloy upang gumaan ang aking pakiramdam.

                Mabuti na lamang at nandito si Caloy upang bigyan ako ng ikagaan ng aking loob. Iniiwasan ko ang mag-alala dahil naniwala ako sa sinabi ni Caloy na lalaban din si Rich upang mabuhay. Alam ko na mahal na mahal ako ni Rich at hindi siya basta susuko an lamang agad. Sa totoo lang ako ang may kasalanan ng lahat. Kung iniintindi ko lang ang kanyang mga ginagawa imbes na makinig ako sa aking sariling kagustuhan ay hindi siya maaantala sa kanyang gawain sa kanyang kurso. Siguro kung naging maintindihin lang ako ay hindi na siya mag-aalala sa akin at madaliin ang lahat. Pakiramdam ko na naging makasarili ako at mukhang sa pagkakamali kong iyon ay heto na ata ang naging bunga ng lahat.

                “Are you alright Jam?” Tanong sa akin ni Caloy.

                “Maybe I’ll go at the chapel.” Mahina kong wika. “Caloy pasensya na ha?” Dagdag ko.

                “I understand. Kung ako man ang nasa iyong kalagayan ay hindi din ako mapapanatag na nakaupo lamang at nais ko din na may magawa. Subalit hindi natin alam kung ano ang maaring gawin, kung kaya’t tayo’y mag-alay na lamang ng isang pagdarasal sa nasa itaas. Samahan kita magdasal.” Isang paanyaya ni Caloy sa akin.

                “Sige Caloy salamat.” Huminga ako ng malalim.

                Sa pagtungo namin papunta sa isang chapel sa ospital ay patuloy ang pag-alalay sa akin ni Caloy. Hindi alintana sa kanya ang mga nangyari noon na dapat ay galit siya sa akin, pero sa nakikita ko sa kanya ay puno ang pagkatao niya ng pagpapakumbaba at pagpapatawad. Kung ako ang tatanungin ay napakasuwerte ng kasintahan niya at nagkaroon ng lalaking katulad ni Caloy. Hindi sila nalalayo ng katangian ni Rich at sa totoo lang ay nakikita ko kay Caloy ang pagkatao niya.

                Hindi pa din natigil ang pagbuhos ng masaganang luha sa aking namamagang mga mata dahil sa labis na pag-iyak. Iyon na lamang ang aking magagawa upang mailabas ang labis na lungkot na nadadama. Nang magtungo kami sa chapel ay sinimulan namin ang magdasal. Mataimtim kong ipinagkaloob si Rich sa Maykapal at nawa na maduktungan ang kanyang buhay. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kakayanin kung sakali siya ay lilisan sa aking piling. Hindi iyon maaring mangyari sa ngayon! May mga pangarap pa kami na tutuparin! Ang aming pangarap na sabay makatapos ng pag-aaral, na pagka graduate ay haharapin namin ang lahat ng mga taong nagmamahal sa amin kasama na ang aming mga magulang, na magkakaroon pa kami ng sariling tirahan at magkakaroon ng panghabambuhay na pagsasama sa iisang silong ng aming pinapangarap na buhay! Ipinagdasal ko si Rich na lubos akong humahagulgol habang iwiniwika ang aking dasal.

                “Diyos ko... Nawa ang panahon sa amin ni Rich ay hindi maramot para kami ay paghiwalayin... Alam ko na sa bawat araw ng aming pagmamahalan ay isa po kayo sa saksi at gumagabay sa amin, na nainiwala ako na sa araw-araw ng aming pagsasama ay kayo ang nangunguna sa lahat. Mahal na mahal ko po ang taong iyon Panginoon... hi-hindi ko kayang nakikita siyang nahihirapan ngayon at alam ko Panginoon na hindi mo po hahayaang masaktan ng ganoon si Rich....”

                Hindi ko maituloy ang pagdadasal dahil nanguna na sa akin ang labis na pag-iyak. Humahagulgol ako at iniyuko ang aking ulo habang nararamdaman ko ang pagdaloy ng aking mga luha na bumabaybay sa aking pisngi. Labis na kirot ang aking dama noong panahon na iyon. Dama ko ang paglapit ni Caloy sa akin at ang banayad niyang paghihimas sa aking likod.

                “Jam kaya mo ‘yan, at nainiwala ako sa kapangyarihan ng pagdarasal. I’m sure He listens to you so continue your prayer. Here use my handkerchief. Kanina ka pa naiyak.”

                Kinuha ko ang inihalad na panyo ni Caloy sa akin. Pinunas ko iyon sa aking mukha na hindi pa din matigil ang pagbagsak ng luha na galing sa aking namamagang mata. Tila halos nanakit na ito at nadadama ko ang unti-unting pagpikit ng mga ito. Muli kong itinuloy ang pagdarasal, na sa pamamagitan ng ito ay makahingi ng malaking tulong sa Maykapal. Nang matapos ako ay matiyagang nag-aantay si Caloy sa gilid ko. Muli niya akong inalalayan pabalik sa upuan malapit sa kwarto kung saan dinala si Rich. Nang makarating ay nakita ko ang kanyang ina at tita na nakapuo at labis din ang pag-iyak.

                “Tita...” Tawag ko sa mama ni Rich.

                “Jam...! A-anong nangyari? S-si Rich... Anon...”

                Niyakap ko si Tita Imelda. Sa pagyakap kong madiin ay ramdam ko ang kanyang paghagulgaol sa aking balikat. Hindi ko din maiwasan ang pag-iyak habang magkayakap kami sa isa’t isa.

                “Jam anong nangyari...? Nalaman na lang namin sa balita ang tungkol dito. Nang malaman namin ay dali-dali kaming nagtungo dito..” Humahagulgol na wika ni Tita Imelda.

                “Tita hindi ko din po inaasahan ang pangyayari... Ni hindi ko po alam na maaga siyang matatapos sa kanyang case study at sa hindi kalayuan sa lugar na nandoon kami ng aking kaibigan ay nasulyapan ko ang isang kaguluhan sa labas. Nang tumungo po ako at sumulip ay hindi ko po kinaya ang nakita ko... S-si Ri-rich po ang duguang nakahandusay sa daanan.. Nasagasaan po siya..” nailagay ko ang aking mga palad sa aking mga mata.

 Naramdaman ko ang biglang pagyakap ni Tita Imelda sa akin, na alam ko na pareho lang ang aming nararamdaman. Pero mas nakakasiguado akong mas masakit iyong sa kanyang parte. Alam naman natin na ang ina ang unang mag-aalala sa anak, na halos kilala ang kilos at galaw nito, na alam ang paboritong pagkain at ang tipo ng damit na susuotin ng kanyang anak. Nakikita kay Rich ang magandang pag-aalaga ni Tita Imelda sa kanya kung kaya’t labis din siyang nasasaktan sa pangyayari.  Sino ba ang inang matitiis na nasasaktan ang anak? Pero hindi lang basta sakit na galos o sugat lamang ang nangyari kundi ang isang aksidenteng hindi inaasahan kung kaya’t ang nagmamahal na ina ni Rich makikita ang sobrang kalungkutan. Sa yakap ni Tita ay dama ang ganoong mga pakiramdam. Minsan sa telenovela lamang natin nasasaksihan ang mag ganito ngunit kapag nangyari na sa tunay na buhay ay hindi din pala nalalayo ang mga eksena, pero mas natural at totoo.

Habang yakap-yakap sa akin si Tita Imelda ay lumapit ang Tita ni Rich. Pilit na himasmasin si ang Nanay ni Rich.

“Pinsan huwag muna tayong mawwalan ng pag-asa. Habang undergo pa si Rich sa operating room ay magtiwala lang tayo. Huwag tayo bibitiw sa pag-asa at manalig lamang tayo.”

“Ngunit hindi ko ito inaasahan... Sinong ina ang makakalma kung ganoon ang mangyayari sa kanyang anak? Pinsan hindi ko kakayaning mawala ang kaisa-isa kong anak!” yumuyugyog ang balikat ni Tita sa kakaiyak habang nagsasalita.

Umupo kami at makailang minuto saka ko napansin ang kamay ni Tita Imelda na nakahawak sa akin. Maya-maya lamang ay tumingin ito sa akin. Naluluhang tumugon siya at may isiniwalat siya sa akin na aking ikinabigla.

“Jam, alam ko na may pinagsamahan kayo ni Rich at oo, alam ko na mayroon kayong relasyon sa isa’t-isa.”

Sa hindi ko maisip na gagawin ay napayuko na lamang ako. Kabado sa aking nadinig. Alam na pala ni Tita ang tungkol sa amin ni Rich. Ngaunit ito ba ay sinabi ni Rich kay Tita? Pero kung sakali man magsasalita si Rich ay ipapaalam niya ito sa akin. May tanong sa aking isipan na kung papaano nalaman ni tita ang lahat.

                “Tumingin ka sa akin Jam, mayroon pa akong nais sabihin.” Dagdag pa ni Tita.

                Unti-unti kong tinuron ang aking ulo hanggang sa magkatapat kami ng paningin. Nagpagaan sa aking loob ang ngiting sumibol sa kanyang mukha. Ano ang ibig sabihin ng mga ngiting iyon? Kung anong ginhawa sa pakiram na makita ang ngiting iyon. Humugot siya ng hininga at tumuloy ito sa pananalita.

                “Alam ko na mahal ka ng aking anak gayon man na hindi niya ito ipinararating sa akin. Simula noong dumating ka sa kanyang buhay ay napuno ng sigla si Rich. Ikinatutuwa ko ang kanyang mga kuwento at madalas na ang pangalan mo ang kanyang sinasambit. Minsan na itong nadulas sa pagsasalita na mahal ka daw niya. Nang maitanong ko na mahal mo si jam? Sumagot ito an mahal ka niya bialng isang bestfriend. Subalit bilang isang ina ay may kakaiba akong nararamdaman sa kanya.”

                Inilagay niya ang isa pang kamay sa hawak niyang kanang kamay. Muli itong nagsalita.

                “Isang araw noong naglinis ako ng kwarto ni Rich ay aksidente kong nabangga ang isang maliit na kahon. Nagtataka nga ako at wala sa pagkaka-kandado ang kahon na lagi kong nakikitang naka-lock iyon sa tuwing matatanaw ko habang naglilinis ng kwarto niya. Tumambad sa akin ang iyong Love Letter sa kanya. Puno ng sulating pagmamahal ang nakasaad doon. Noong una ay nagulat ako at may kung anong kirot sa aking puso. Hindi sa hindi ko matanggap ang inyong relasyon ngunit nalungkot lamang ako dahil para akong napagtataguan ni Rich. Maiintindihan ko siya na kung ano man ang kanyang pagkatao, kahit na bading siya ay tatanggapin at mamahalin ko siya. Hindi iyon hadlang sa akin bilang magulang at sa katunayan ay isa siya sa maipagmamalaki ko sa lahat ng tao dahil mabait at may patutunguhan na magandang buhay si Rich. Nag-aantay na lamang ako ng unang hudyat sa kanya na magsalita at umamin pero baka natatakot siya sa akin.”

                Pinisil niya na parang minamasahe ang aking kamay. Sa pag-uusap naming iyon ay mas gumagaan ang aking loob. Nagpatuloy siya.

                “Kaya Jam, sa pag-gising ng aking anak ay ikaw na ang bahala sa kanya. Mahalin mo ang anak ko gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Huwag mo siyang pababayan ha? Tanggap ko kayo bilang magkatuwang sa buhay at hindi ako tututol hangga’t kayo ay nasa mabuting kalagayan at hawak ang limitasyon ng inyong mga kamay.” Napaluha niyang sambit.

                Tumagos iyon ng sobra sa aking puso. Isang tuwa ang nadadama ko dahil sa pag-tanggap ni Tita Imelda sa amin. Nakakagalak! Hindi ko inaasahan ang ganoong pagtanggap ng isang magulang ng aking minamahal. Mahirap para sa karamihan ang makuha ang pagtanggap ng mga magulang ng tulad nating nagmamahal sa parehas nating ka-uri. Imbes na pagtanggap ang inaasahan ay nauuwi kadalasan ito sa isang magulong eksena. Ngunit ibahin ang nangyari sa araw na ito. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha, luhang ligaya ang laman ng bawat patak. Pinunasan ito ni Tita Imelda gamit ang kanyang malambot na palad, tinapik ang aking pisngi at niyakap, mas madiin ang kanyang pagkakayakap na madadama ang pagmamahal sa yakap na iyon. Humihikbi ako habang yakap ni Tita dahil hindi ko matiis ang maiyak sa tuwa.

                “Kaya huwag tayong mawawalan ng pag-asa Anak, mahal tayo ni Rich at sigurado akong lalaban siya. Nandito alng ang Tita para sa inyo.” Dagdag pa nitong wika.

                “Ti-tita, maraming maraming salamat po...! hindi ko po inaasahan ang kaganapang ito...! Salamat at naiintindihan mo...!” garalgal kong sambit.

                “Tahan na. Ang mabuti pa ay magpakatatag tayo. Halika anak at dumantay ka sa aking balikat.”

                Napakasarap sa pakiramdam ang marinig sa isang ina ng iyong minamahal ang sabihan kang ‘anak’. Sa yakap na iyon ay naramdaman ko ang kanyang pagiging ina sa akin, ang mabangong halumuyak at malambot na bisig ni Tita Imelda. Napakasarap talaga.

                Naging panatag na aking loob, kasama si Tita Imelda, ang Tita ni Jam at si Caloy na kung kanina na siya ang nag-aalala sa akin ay ako naman ang may pag-aalala sa kanya. Alas nuwebe na ng gabi noon at matagal na niya akong sinasamahan. Nahihiya na ako ngunit nagpapasalamat ako dahil nandyan siya upang alalayan ako. Tila sa kabila ng lahat ng pangyayari kay Rich ay mukhang naghuhudyat ang lahat sa pagiging maayos ko sa ibang tao, kay Caloy at lalo na kay Tita Imelda na hindi ko lubos maisip ang kanyang pag-tanggap sa akin bilang katuwang ng kanyang anak. Nakaramdam ako ng pag-aalala kay Caloy kaya nilapitan ko ito habang abala ito sa kakatext.

                “Uhm.. Caloy..” Tugon ko.

                “Oh Jam. Ano iyon?” Tinungo niya ang kanyang tingin sa akin.

                “Nag-aalala ako sa iyo.. Hindi ka ba hinahanap ng Girlfriend mo?” Tanong ko sa kanya. Sa totoo lang ay iniisip ko na baka nag-aalala na ang kanyang girlfriend. Mukhang nakaka-abala na ako kay Caloy.

                “Well I just texted her a while ago and she said she understood. She is shock sa nangyari and she hopes for the better condition of Rich.” Paliwanag niya.

                “Nakakatuwa naman... Pakisabi kamo maraming salamat sa concern...“ Tugon ko.

                “By the way kanina ang dami palang reporter sa labas na nakasaksi sa aksidente ni Rich. Kaya nalaman ng Nanay ni Rich ang lahat pati din si Jen napanuod ang balita. Base sa news nalaman daw na Rich ang pangalan ng biktima dahil napansin nila ang isang cake na tumapon sa kalsada. Naka-indicate sa cake na ‘yun ay eto.” Ipinakita sa akin ang isang litrato sa kanyang cellphone na galing sa facebook.

                Napaluha ako sa aking nakita. Nakasulat sa cake na iyon ang isang pagbati ng “Happy 11th Monthsary JamRich ko” at may “Love, Rich mo” sa ibaba. Medyo nabura na ang sulat subalit mapapansin pa din ang sulat. Madami na ang likes na ito dahil galing ang litrato sa isang pahina ng sikat na programang pamamalita. Nabasa ko ang isang comment doon: “Naku ang saklap ng nangyari:( Kawawa naman ‘yung loveone niya monthsary pa nila ngayon..” at marami pang iba. Mukhang hindi niya sa akin sinasabi ang kanyang handog marahil baka susurpresahin niya ako. At mukhang nanggaling na ito sa bahay subalit nasa bandang San Lazaro ang aming tahanan, o hindi kaya ay sa SM siya maaring bumili muna siya ng Cake bago mangyari ang aksidente. Malay ko na kung papano! Masyado akong naguguluhan! Naiiyak na naman ako pero huminga ako ng malalim at pinilit ang hindi ko pag-iyak. Masakit na ang aking mata at nais ako maipakita kay Rich na nagiging matatag ako para sa kanyang paggising. Alam ko na kapag makikita akong ganto ay malulungkot iyon at isa pa ay nag-aalala na din si Tita Imelda sa akin. Kung kaya’t marapat lang na magkaroon ako ng lakas at paniniwala na makakaya ni Rich ang pagsubok na ito. Tama, isang pagsubok lang ito para sa aming katatagan, at hindi ako susuko lalo pa nagyon na dumarami ang nakaka-alam at nakakatanggap ng aming pagmamahalan ni Rich. Sa pag-gising ni niya ay haharapin kong may ngiti ang aking mukha at nais ko iyon sa kanya ipakita pagbukas pa lang ng kanyang mga mata.

                Hindi ako mapakali na uupo lamang. Panay ang silip ko sa maliit na salamin sa pinto ng kuwarto kung saan nandoon si Rich subalit bigo akong makita ang kabuuan ng nangyayari. Taklob ito ng tela at tanging ang mga kamay na nag-aabutan lamang ng mga aparato ang aking naaaninag. Abalang-abala sila ay masinsinan ang kanilang pagpapagaling kay Rich base sa aking palagay. Hindi magiging ganoon ang maaaninag kong takbo ng kanilang ginagawa kung hindi nila ginagampanan ng maayos ang kanilang trabaho. Nagunit sa pag-aabala na iyon ay nakakaramdam ako ng matinding kaba. Hindi ko din maiwasan ang palakad-lakad sa hallway ng ospital at mga ilang minuto ay titingin ulit sa maliit na salamin sa pinto. Lalong bumibilis ang tibok ng aking puso.

                Makailang oras ang lumipas at saktong ala una na ng madaling araw nang lumabas sa kuwarto ang isang naka face mask at balut na balot ang katawan nga damit na animo’y gawa sa plastic na light blue at naka net din ang ulo nito. Tinanggal niya ang face mask na nakakubli sa kanyang mukha at nakilala namin na siya ang Doktor kanina n aking kinausap. Nagkaroon ako ng kabog sa dibdib. Matagumpay kaya sila sa kanilang operasyon kay Cire? Nais kong malaman, nais kong makita na si Rich!

                Nagsilapitan kami kahit si Caloy ay lumapit din upang makasagap ng balita.

                “Dok... kamusta ang anak ko? Ako ang kanyang Ina... Dok ang anak ko ho ba maayos na? Okay na po ba? Napaa...” Maraming tanong si Tita Imelda. Tanda iyon ng sobrang pag-aalala sa anak.

                “Kumalma lang po tayo Ma’am.” Sambit ng Doktor.

                “Dok ano na po ang lagay ni Rich?” nag-aalala kong sambit. Hawak ko ang kanyang braso nang matanong ko siya.

                “We have good news and bad news..”

                Diyos ko, Mas lalong dumadagundong ang aking puso. Mayroong dalawang kondisyon ang maari naming marinig tungkol sa lagay ni Rich.

                “Good news, he survived.”

                Lahat kami ay nakahinga ng matiwasay. Labis ang tamis ng aming ngi nang madinig namin ang linyang iyon! Kita sa bawat mata nina Tata Imelda, Tita ni Rich, pati si Caloy ay nakangiting tumingin sa akin.

                “However here’s the bad news. Sa ngayon po ay wala siyang malay and we may not say if magigising siya kaagad. Nagkaroon siya ng major injury sa kanyang ulo, at napinsala ang kanyang parte ng utak. His temporal lobe the nearst part na maaring naapekuhan sa kanyang utak. Sa ngayon ay hindi pa natin masasabi ang iba pang mga cases. Itinahi namin ang napinsala sa kanyang ulo and napakalaki ng damage doon. Kailangan po niya ngaon ng madaming dugo. Dahil sa patuloy na bleeding ng kanyang ulo ay halos mawalan na ito ng dugo. We need at least 20 to 25 bags for him or depende sa kailangan ng pasyente. Sa ngayon ay ililipat natin si Rich sa Intensive Care Unit para mabantayan siya.”

                Ang mga ngiti na nakasibol sa aming mukha ay napalitan ng pagpatak ng luha. Sa pagkakarinig na iyon ay nabibingi ang aming paligid ng aming hikbi ni Tita Imelda. Bakit ganoon? Oo sabihin nating buhay si Rich pero sa kanyang kalagayan ay para siyang patay. Akala ko ay makakausap namin siya mga ilang oras matapos ang kanyang operasyon. Ngunit kailangan pa namin ang hindi katiyakan niyang pagmulat muli.

                Nagbigay na lamang ng isang positibong salita ang doktor at nang matapos ay inilabas na nila si Rich sa kuwarto upang ilipat sa ICU. Nang mailabas ay nakita ko ang taong pinakamamahal ko. Isang namumutla at mayroong benda sa ulunan ang nakita kong Rich pagkalabas ng kuwarto. Napaiyak ako habang kasabay ko ang mga nurses na nagtutulak sa kamang pinaghihigaan niya. Yumuyugyog ang aking balikat at hindi maawat ang paghikbi. Sa nakikita ko ay nakakpanghina siyang tignan. Isang Rich na hindi ko inaasahan na magkakaganoon, na sa aksidente mababago ang kanyang buhay.

                Hinawakan ko ang kanyang kamay at nahabag ako nang mahipo ko iyon. Mainit ang kanyang palad at dama ko ang malakas na pintig ng pulso nito sa kanyang kamay.

                “Jamrich ko... Huwag kang susuko ha? Nandito kami ni Tita Imelda para sa’yo... Aantayin ka naming magising..” Iyakin kong wika habang nakahawak sa kanyang kamay.

                Mga ilang saglit ng aking pagiiyak ay papasok na pala kami sa ICU. Hindi muna kami pinapasok ng bantay doon dahil kailanagn muna namin magsuot ng hospital gown, hairnet at face mask upang makaiwas sa sakit na maaring makuha sa loob. Sa paghinto sa amin na iyon ay nabitawan ko ang kamay ni Rich. Nakita kong iniayos muli ang lagay noon sa gilid ng kanyang katawan.

                “Sir, Ma’am, kailangan niyo po muna suotin ito before po kayo ma-allow pumasok. It’s for safety premisses.” Paliwanag ng isang nurse na nagbabantay. “Dito na lang po kayo magbihis.” At itinuro niya ang kuwarto.

                Nang makapagpalit ay pinayagan na kaming pumasok sa kuwarto kung saan nandoon si Rich. Nang makapasok doon ay isang nakak-awang Rich ang aming nasaksihan. Sa kanyang paligid ay maraming aparato ang kumokonekta sa kanya, at tanging ang isang malaking tangke ng oxygen ang nagbibigay sa kanya ng hangin upang makahinga ng maayos.

                “Anak... Nandito na kami...” Pangunang wika ni Tita pagpasok sa kuwarto.

                “Jamrich ko...” Iyon na lamang ang aking naiwika.

                Lubos ang sobrang kalungkutan ang bumabalot sa kuwartong iyon. Tanging ang tunog ng aparato at ang aming paghikbi ang maririnig doon, kasabay ang tunog ng pump ng oxygen ni Rich. Iyon ang pinakamasaklap naaraw sa aking buhay. Sa mga panahon na iyon ay iniisip ko na sana ako na lang ang nasa kanyang kalagayan, na sana ako na lang ang nakahiga at sa akin nakakonekta lahat ng aparato na nasa kanya. Kailangan ko si Rich sa aking buhay subalit sa panahon na ito mas ako ang kanyang kinakailangan.

                Hinawakan muli ako sa kamay ni Tita Imelda habang nakatingin siya kay Rich.

                “Anak... nandito si Jam oh? Anak alam ko na ang lahat... Pero hindi nagagalit si Nanay... Alam ko na mahal na mahal mo si Jam at mahal na mahal ka niya... Kaya siya nandito oh? Nandito kaming dalawa para sa iyo anak.... Gumising ka na agad h-ha?” Paghihikbi ni Tita.

                Hinihimas ko ang kanyang likuhan upang mahimasmasan siya. Napagpagaan ng loob ko ang mga sambit na iyon. Ramdam na ramdam ko ang tunay na ligaya ng pagtanggap ng tao sa akin, sa pamamagitan ng mga linyang iyon ay nagkakaroon ako ng lakas upang panindigan ang aming sinimulan ni Rich. Lumapit din ako at kinausap siya.

                “Jamrich ko... Nandito na si Nanay at ako... Mahal na mahal ka namin.... Huwag ka magpapatagal sa pagkakatulog mo ha? Mamimiss ka namin Jamrich ko...Babantayan ka namin at aalagaan ni Tita hanggang sa manumbalik ang iyong malay... Mahal na mahal kita Rich... Mahal na mahal ka namin...” Hindi ko maiwasan ang maging emosyonal.

                Ang ma-emosyong pangyayari na iyon ay isa sa hindi ko makakalimutang yugto ng aking buhay. Sino ba naman ang hindi magiging tulad ko kung mangyari din sa bawat may kasintahan ang nangyaring ito? Mas makikita at mararamdan natin ang halaga ng tao kung kailan may mangyayari pa na hindi maganda. Aminado ako na oo, naiinis ako sa kanya at nagtatampo dahil lagi siyang abala sa kanyang gawain para sa kanyang course. Hindi ko siya minsan iniimik na kahit maka-ilang tawag at text ay hindi ko pinapansin dahil nangingibabaw sa akin ang tampo. Minsan pa nga ay nagagawa ko siyang saktan sa aking mga salita na ngayon ko lang iyon naisip. Oo ganoon ako kasi sa totoo lang ay hinahanap ko siya sa aking tabi, na sana tulad ng dati ay parati siyang nasa tabi ko sa buong magdamag. Oo masama nga ang aking ginawa ngunit hindi naman siguro masama ang mamiss ang taong hindi mo nakakasama ng halos ilang buwan at laging abala. Pero mali pa din ako. Dapat iniintindi ko siya noon pa lang at hindi ngayon na kung kailan huli na at may nangyari na. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Minsan dapat na natin maisip ang mga bagay bago may mangyaring masama pero sa tunay na buhay ay talagang mayroon ay mayroon pa din tayong mga bagay na ating pagsisisihan sa huli. Nagsisi man ako ngunit hindi pa iyon sapat upang mapabuti ang lagay ni Rich sa kanyang kinahihigaan. Noong mga oras na iyon ay nagtext sa akin si Caloy. Uuwi na raw siya at baka nag-aalala na daw ang kanyang girlfriend. Huwag na raw akong lumabas at magpahinga na. Nag-paalam na din siya sa Tita ni Rich na nasa labas din. Dalawa lang ang maaring makapasok sa kuwarto kaya kami lang ni Tita Imelda ang nandito. Pinuntahan ko ang Tita ni Rich na hindi ko pa nakikilala. Nang matagpuan ay sinuyo ko na siya naman ang pumasok.

                “Kayo na ho ang pumasok para ho matingnan niyo din po si Rich.” Pag-galang kong panunuyo.

                “Salamat Jam ha? Kung wala ka baka matagal pang naidala si Rich sa ospital. Siya nga pala ako ang kanyang Tita Rose. Huwag kang mahihiya sa akin at sa amin ng Tita Imelda mo. Nagyon ay maari mo na din akong maging tiyahin dahil mahal ka ng aking pamangkin.” May ngiti na sumibol sa kanyang mga labi ngunit halata sa kanyang mga mata ang pagluha nito.

                “Salamat po tita...” Pagtugon ko sa kanya.

                “Jam huwag tayo mawalan ng pag-asa ha? Hayaan mo kapag natapos na ang lahat ng ito pangako babawi ako sa pamangkin ko. Kailangan kasama ka namin ha?” May kaunting sigla ang pagwika ni Tita Rose. Tumango na lang ako at ngumiti na siya sabay ang pagtungo niya sa palitan ng damit bago pumasok sa ICU.

                Kinabukasan ng iyon ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Inasikaso ko ang dapat kong asikasuhin para sa pangagailangan ni Rich. Una ay nilakad ko ang dugo na kailangan ni Rich. Napakaraming dugo ang nawala sa kanya kaya iyon ang una kong inasikaso. Ma kabutihang palad ay Type O ang kanyang blood type kung kaya’t napakadali lang hanapan ng donor. Mabuti na lang din ay magkaparehas ng dugo si Kyle at Rich kaya siya ang kinuha kong donor. Takot pa nga ito noong una ngunit nang bigla niyang naisip ang kalagayan ni Rich ay pinalakas niya ang kanyang loob.

                “Para lang kay Rich, para sa tunay kong kaibigan, inilalaan ang aking bloody beki!” may tono ng kabaklaan ang pagkakasambit niya.

                “Kahit saan ka talaga ilagay patawa ka pa din eh?” Ngumingiti na din ako. “tapos pag tutusukan ka na ng karayom sisigaw-sigaw ka diyan.” Dagdag ko.

                “Etong bruhang ito nagpapalakas na nga ng loob tatakutin pa ako eh.” Tumayo iyo at pa-arteng lalabas. “Sige aalis na alng ako babush!” Dagdag ko.

                “Sandali lang please magpadonate ka na!” Agad kong hinarang ang pintuan. Ngunit natawa na lang ito.

                “Haha! Oh edi ano ngayon? Naku kung hindi ko lang kayo love na love nakow, baback out ako ditey!” Tumingin ito sa isang nurse at napasigaw. “Ayyyy!”

                 Aba at napatitig ito sa nurse na iyon. Mukhang nakadali na naman ng mapagnanasahan ang aming matalik na kaibigan. Sanay na kami. Tumigin ito sa akin at itinaas ang kanyang hinlalaki at may mahinang tumugon sa akin.

                “Best ok na ako. Pak na pak!”

                At ang naglalading si Kyle ay iniwanan ko na. Hindi pa ako nakakalayo ay nadinig ko ang sigaw nito sa hindi kalayuan.

                “Arawwwwch!”

                Napaka-arte talaga ng bruhang iyon. Sa kahit saan at kahit na kailan, kahit na nakakadama na ng lungkot basta kasama si Kyle ay napapalitan ng saya ang aking lungkot.

                Ilang araw na lumipas habang abala sa pag-aasikaso ko kay Rich ay hindi ko inaasahan ang pagpunta ni Mommy at Daddy sa ospital. Tumungo pala sila dito sa Maynila! May lungkot sa kanilang mukha at balot na balot  ang kanilang hitsura ng pag-aalala. Niyakap ko sila upang maiparamdam ko na maayos ang aking lagay.

                “We really miss you Jam!” Wika ni Mommy habang yakap ako. Si Daddy ay hawak naman ang aking ulo.

                “Mom paano po kayo nakarating dito?” Tanong ko.

                “I called our house here, sabi ni yaya Thelma na busy ka sa hospital. Naaksidente daw si Rich.” May pag-aalala ang tunog ng kanyang wika.

                Yumuko ako. Batid ko sa aking pagyuko ay malaman nila na hindi okay si Rich. Ayaw ko magsalita dahil baka umiyak ako.

                “Anak I understand. Oo nga pala anak mamaya umuwi ka muna kahit saglit. May gusto lang kaming klaruhin. Tungkol sa inyo ni Rich.” Si Daddy, may kaunting pagseseryoso ang pagsambit na iyon sa akin.

                Ano kaya ang aming pag-uusapan. Tungkol sa amin ni Rich? Hindi kaya? Naku ngunit papaano kung sakali nga? Binalot ako ng kaba. Ngunit pansin ko na hindi nagagalit si papa base sa kanyang aksyon ngunit seryoso ang kanyang pananalita. Hindi ko maintindihan ngunit kailangan ko na lang maghanda.


ITUTULOY...

2 comments:

  1. Hndi kya sa anniversary na magigising si Rich? Sana nman wlang amnesia.

    ReplyDelete
  2. sisimulan ko pa lng basahin :D hehehe

    ReplyDelete