The Side of Jam
Hindi ko inaasahan ang kaganapang iyon. Hindi naman talaga sapagkat
hindi ko din alam na nasa iisang lugar lang din pala ang ginagalawan namin, at
isa pa ay nataong kaklase ko pa siya. Talaga bang nanandya ang tadhana para
pagtagpuin kami? Sa tagal ng panahong nawala siya heto ngayon at nakikita ko sa
aking harapan.
Unang araw ng klase noon at tahimik akong nagmamasid. Manilan-ilan pa
lang kami noon nang may dalawang mag-aaral ang pumasok. Sa un ay hindi ko
pinansin, ngunit may kakaiba akong nararamdaman sa isa sa mga mag-aaral na
pumasok. Tinignan ko sila. Ngunit napatitig na ako ng husto nang napaharap sa
akin ang isang binatilyo. Matangos ang ilong, makinis ang morenong balat,
matingkad ang ngiti, mapupula ang mga labi at my katangkaran. Ang kanyang
kasama naman ay chinito, guwapo kung tutuusin kaya lang naging panggulo sa
kanyang kaguwapuhan ang suot nitong headband na may malaking ribbon. Alam ko na
ang pagkatao nito. Muli kong tinitigan ang kasama nitong binatilyo. Kilala ko
siya, ngunit hindi ako sigurado. Hanggang sa napako din ang kanyang tingin.
Hindi na ako maaring magkamali!
Si Rich!
Hindi ko alam kung paano ko siya tatawagin, ngunit alam ko na siya
iyon. Napatayo ako. Lalapitan ko na sana siya ngunit tinawag niya ang aking
pangalan.
“Jam, ikaw ba ‘yan?”
Hindi ko na napigil ang aking sarili. Namiss ko ang kaibigan ko.
Niyakap ko siya ng pagkahigpit. Hindi na inalintana kung makikita iyon ng aking
mga classmates. Si Rich ang pinakaunang kaibigan ko na hindi ko malilimutan
kahit isang araw lang kami nagkakilala. Ang tampo ko ay tuluyang nawala,
tanging nangingibabaw ang saya sa aking puso. Tinapik niya ang aking likod, mas
naramdaman ko ang saya. Pagkatanggal ng aking pagyakap ay tumitig ito sa akin,
kakaibang titig ang naramdaman ko sa kanyang mga mata. Nababasa ko na namiss
din niya ako. Sa tagal ng panahong hindi kami nagkasama ay natutuwa pa rin ako
na naaalala pa rin niya ako. Kung tutuusin sa matagal na panahon na iyon ay
maaari na niya akong makalimutan, ngunit hindi. Naramdaman ko ang pagiging
tunay na kaibigan niya sa akin.
Marami kaming napagkuwentuhan, naipakilala na din niya sa akin si Kyle
na kasama niya. Maraming pagbabago kay Rich, palabiro na siya at masigla na
hindi tulad noong bata pa kami. Mahilig na siya magbiro kahit na minsan tuwing
may exam ay nagagawa pa nito magpatawa sa klase. Ibang pagkatao na ang
nababalot kay Rich. Nalaman ko na din ang kabuuan ng kuwento tungkol sa kanya.
Nagulat ako sa pangyayari na iyon. Nakapatay pala ang kanyang tatay at sila ang
sumasalo sa ginawa nito kaya naisipan nila na tumungo ng Maynila at tumira sa
kanyang Tita. Ngayon naisiwalat sa akin ang lahat, at naintindihan ko na kung
bakit inilalayo ako nina Mommy at Daddy kay Rich. Ngunit napagtanto ko na hindi
kasalanan ni Rich sa kung ano man ang ginawa ng Tatay niya kahit sinisisi daw
siya ng kanyang Tatay. Pagkauwi ko ay ipinaliwanag ko kay Mommy at Daddy ang
lahat. Sa una ay nabigla sila sa aking binalita, ngunit noong masisinsinan
namin pinag-usapan ang lahat ay napalitan ng awa ang kanilang hindi magandang
imahe kay Rich. Napagtanto din nila na biktima lang din si Rich sa mga
pangyayari. Natakot lamang sila dahil gusto lang nila akong pag-ingatan dahil
sa aking murang eded noon at naiintindihan ko naman din sila. Simula noon ay
maluwang na sa kanila ang pakikipagkaibigan ko kay Rich, pati na din kay Kyle.
Mga taon ang lumipas, naging mas close kami sa isa’t isa. Sa section
na min ay kaming tatlo lang ang magkakatropa, kahit sa mga school projects.
Kapag sa mga contests naman ay supportado nila ako. Minsan pa nga ay gumawa si
Kyle ng banner para sa akin noong sumali ako sa Regional Science Quiz Bee.
Noong mga pahanon na iyon ay may crush sa akin si Kyle ngunit hanggang sa kaibigan
lang talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Ngunit sa hindi ko maintindihan sa
aking sarili ay kakaiba ang nararamdaman ko kay Rich kumpara kay Kyle. Habang
tumatagal ang aming pagsasama ay nakakaramdam ako ng kakaibang pagmamahal sa
aking kaibigan. Pagmamahal nga ba ito? Hindi maaari, kaibigan ko siya at dahil
parehas kami ng kasarian ay pinilit kong tanggalin sa aking isipan na hindi ko
maaaring mahalin si Rich. Second year kami noong maramdaman ko iyon.
Simula noon ay hindi ko na matanggal ang paningin ko kay Rich. Kung
ang dating yakap at tapik niya sa akin ay wala lang sa akin, ngayon ay
bumubilis ang tibok ng aking puso. Sa tuwing maglalaro kami ng basketball at
dumidikit sa akin ang pawisan niyang katawan ay nawawala ako sa aking sarili
kaya naaagawan niya ako ng bola. Kapag kakain kaming tatlo ay kaming dalawa ang
magkatabi. Minsan nagbiro si Kyle sa aming dalawa.
“Kayo na naman magkatabi? Ay ano ba ako dito? P.A. lang ang beauty ko?
Naku ha Napapansin ko lang isa sa inyo ay mukhang susunod sa yapak ko!” Si Kyle
na nagbiro.
“Naku Kyle, Kung isa man sa amin manging katulad mo, sigurado
maiitsta-puwera ang kagandahan mo.” Banat ni Rich.
“Aba, at nagbabalak ka ba? Naku, sabi ko na nga ba naaamoy na kit
gurl! Umamin ka!”
“Adik! Manahimik ka na nga lang. ‘Yung hotdog mo nilalangaw na.”
Tinuro niya ang pagkain ni Kyle. “Teka, pansin ko lang talaga sa ‘yo ang
madalas mong ulam. Kahapon longganisa, tapos noong nakaraan Cheesedogs, ngayon
hotdog naman?” Dagdag pa niya.
“Eh ano naman? Masarap eh. Juicy na, tender pa!” Nagtawanan na lang
kami.
“Naku, pansin ko din na lagi kayong magkatabi.” Banat ni Kyle, lumiit
ang mga mata nito. “Teka, ‘wag niyo sabihing? OMG! Mahabaging bathala ng
pag-ibig huwag mong sabihin na may relasyon ang dalawang ito! OMG talaga
O-M-G!” Lumabas na naman ang pagka OA ni Kyle.
Tumawa na lang kami ni Rich. Pero sa totoo lang sana maaari iyon para
sa amin. Wala na akong hahanapin kay Rich, matalino, mabait, may sense of
humor, masipag at malambing. Mukhang hindi ko na matatanggal ang nararamdaman
ko. Ngunit ayaw ko na magbago ang pagtingin sa akin ni Rich. Kung aamin ako
baka lumayo siya sa akin. Ngunit hindi ko na kaya, hindi ko na maitago ang
lahat sa kanya. Kung maiipon pa ito sa akin ay ako din ang mahihirapan.
Natapos na aming 3rd year highschool. Tulad ng dati ay kami
pa din nina Rich at Kyle ang nakatanggap ng pinakamataas na parangal sa aming
section. Labis na ikinatuwa ng aming mga magulang ang natamasa naming tagumpay.
Nandoon din ang aming mga magulang na mga magkakilala na simula ng recognition
namin noong 1st year kami. Mas kinilala pa nila ang isa’t isa dahil
nagyon lang muli sila nagkita-kita. Masayang isipin na pati ang aming mga
magulang ay magkakasundo din.
Isang pagdiriwang ang handog namin sa aming tatlo. Sa aming bahay kami
nagsalo-salo. Mas nagkaroon pa ng magandang samahan sina Mommy, ang Nanay at
Tita ni Jam, Pati na din ang Mommie ni Kyle. Inimbitahan na din namin sa bahay
ang ibang mga kaklase, kasama na ang bagong crush ni Kyle, si Steven. Dahil
dito ay hindi mapakali ang aming kaibigan sa kinauupuan namin.
“Hoy bruha!” Hinampas ni Kyle ang balikat ko. “Hindi mo naman ako
ininform! Dapat sinabi mo agad sa akin na dadating si Steven. Kakalbuhin kita
dyan eh!” Dagdag niya.
“Ha ha ha! Oh mag-ayos ka na. Nasa left side ‘yung banyo. Dali na
habang hindi ka pa niya nakikita.” Tugon ko sa kanya.
“Makapag-imbita kasi ‘to eh? Dapat sinabi mo sa akin na pati siya
invited. Hindi ko tuloy nadala ang make-up kit ko pati ‘yung gown at Stilletoes
ko.” Nayayamot na tugon ni Kyle.
“Hala Kyle? JS prom lang? Eto naman ang gwapo mo nga diyan sa maong
mong pantalon at V-neck mong shirt.” Pangiting sabi ni Rich.
“Ayy talaga?” Ngumiti sa amin. Mga ilang segundo din un nang mapalitan
ng pag-iinarte niya. “Eeee! Gusto ko maganda, MA-GAN-DA!” Dagdag pa nito.
“Naku bahala ka na nga! Nandoon daw ang CR.” Tinuro ni Rich ang daan
papunta sa CR. Tinungo ni Kyle ang daan na iyon dala ang kanyang shoulder bag.
Natawa kami ni Rich.
Mukhang ito na ang pagkakataong umamin ako sa aking nararamdaman.
Hindi ko na kaya pang itago ang lahat sa kanya. Ngunit hindi ko alam kung
papaano simulan ang lahat, kung paano ko ilalahad ang lahat sa kanya.
Kinakabahan ako ngunit kailangan ko na talagang sabihin sa kanya ito.
Abala siya sa pagkukwento sa akin nang magsalita ako.
“Uhm Rich, Pwede ba tayo magpunta sa kuwarto ko?” bulong ko sa kanya.
“Bakit Jam? Hindi ka ba kumportable dito sa baba?” Tanong niya akin.
“Uhm kasi. . . . uam” Nauutal ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin.
Nanlalamig ang mga palad ko sa kaba.
Hinila niya ang aking kamay. “Halika na nga, saan ba ang kwarto mo?”
“Doon sa itaas. Uhm may sasabihin lang sana ako.” Mahina kong tugon.
Tinungo namin ang aking kuwarto. Kinakabahan ako sa magiging usapan
namin. Ngunit maganda na sabihin ko ito agad. Hindi ko na kaya pang maglihim. Oo
mahirap pero kung ito lang ang paraan para mawala ang bigat na nararamdaman ko
ay gagawin ko ito. Sinara ko ang pinto. Umupo siya sa kama ko, nakatingin sa
akin habang papalapit ako sa kanya.
“Mukhang seryoso ang ating amgiging usapan. May kinalaman ba ako sa
pag-uusapan?” Nakatingin siya sa akin, parang may pagtataka sa kanyang mukha.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko na talaga kaya. Sasabog na ang aking
damdamin. Heto kami ngayon sa isang kuwarto. Umupo sko sa tabi niya. Tinitigan
ko siya, may kung ano ang titig na aking ginawa.
“Oh kung makatitig ka wagas. Teka, mukhang nababsa ko sa mata mo na
hindi ka okay. May problema ba?” Tugon ni Rich. Hinawakan niya ang aking palad.
Lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko na talaga ito kaya! Parang
puputok na ang aking damdamin. Napapikit ako, pinapakalma ko ang aking sarili,
lalo pa at malapit ang kanyang mukha sa akin. Kung hindi ko mapipigilan ang
aking sarili ay tiyak na maitatama ko ang aking labi sa labi niya. Pinisil niya
ang mga palad kong hawak niya.
“Bakit ang lamig ng mga palad mo?” Tanong niya sa akin. “At bakit
nakapikit ka? May kung ano ka bang....”
“Rich, mahal kita.” Nanginginig kong sambit. Sa wakas at nasabi ko
din, pero nananatili pa din ang aking kaba sa dibdib. Dumilat ako at nakita ko
ang reaksyon niya. Nakakunot ang kanyang noo.
“Alam ko naman ‘yun. Syempre bilang mag bestfriends kailangan mayroong
pagmamahal sa isa’t isa.” Hindi niya nakuha ang pinangangahulugan ko.
“Rich... Hi..higit p-..pa sa kaibigan ang nararamdaman ko sa iyo.” Nauutal
akong sabihin sa kanya. Mas lalong tumindi ang aking kaba.
Natulala siya. Inilayo niya ang kanyang pala. Ilang sandali pa ay
tinungo niya ang pinto papalabas ng aking kuwarto. Dali-dali konng hinawakan
ang kanyang braso.
“Rich please let me explain. Im. . .”
“Jam, please!” Sigaw niya. Nahinto ako sa paghila ng kanyang braso. “Hindi
ko alam bakit? Bakit ako? Hindi tayo puwede? At ano ito Jam, bading ka?” Dagdag
pa nito.
Bading. Isang mabigat na salita sa akin iyon. Tumulo ang aking luha.
Tinanggal niya ang pagkakahawak ng kamay ko sa braso niya. Hahabulin ko siya
nang hinawakan ni Kyle ang aking kamay. Nakikinig pala siya sa amin. Nasa
bandang pintuan siya siguro.
“Jam huwag na.” Mahinahon na tugon ni Kyle. “Nagulat lang iyon sa
rebelasyon na ito, kahit ako ay. . .” Huminga ito ng malalim “kahit ako ay
nagulat din. Halika at pag-usapan na muna natin ito.” Dagdag niya.
“Pero si Rich, kailangan ko siya habulin. Kailangan ko i-explain ang
lahat.” Nagpupumilit ako ngunit hawak ni Kyle ang aking braso.
“Walang epekto ang pagpapaliwanag mo sa ngayon Jam dahil hindi siya
makikinig.” Hinawakan niya ako sa balikat at tinungo namin ang aking kuwarto.
Akala ko ay mapapabuti ang lahat. Mas nakaramdam ako ng sakit. Patuloy
ang pag-agos ng aking mga luha. Binuhos ko ang lahat kay Kyle, lahat ng sakit
na iyon. Umupos kami sa kama at ihinarap niya ako sa kanya. Nakikita ko sa
kanyang mukha ang pag-iintindi sa akin. Alam ko na may alam siya sa kalagayan
ng isang tulad ko. Alam ko na malaki ang matutulong niya sa akin. Inilahad niya
ang palad niya sa akin.
“Oh heto Jam, hawakan mo iyan, pisilin mo. Diyan mo ilabas ang sakit
na nararamdaman mo.” Tugon niya.
“Hindi na kailangan Kyle. Naguguluhan ako sa sarili ko.” Humikbi ako. “Bakit
ganoon Kyle. Hindi ko sinasadyang mahulog ng ganoon kay Rich. Gusto ko lang
sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman dahil mabigat na. Hindi ko naman
naisip na ganoto ang magiging consequence ng lahat.” Dagdag ko pa.
Tinapik ni Kyle ang aking likod. Nagpaubaya na lang akong gawin niya
iyon sa akin.
“Alam mo kasi Jam, una sa lahat mabilis ang pangyayari. Sinabi mo sa
kanya agad ngunit hindi mo ba naisip kung ano ang magiging reaksyon niya? Pangalawa,
bakit kailangan mo ipunin ‘yan? Kung hindi mo kayang sabihin sa kanya ang lahat
mayroon ka naman isa pang kaibigan dito.” Napatingin ako sa kanya. Oo nga kung
hindi ko masabi kay Rich, maaari ko naman ilahad iyon kay Kyle. Yumuko ako
dahil sa pagkahiya ko sa kanya. “At heto pa. Napapansin na din kita. Nitong mga
nakaraang buwan ay kakaiba ang tingin mo kay Rich. Lagi mo siyang sinasamahan
sa kung saan siya pupunta. Minsan pa nga may mga lakad koyo na hindi ako kasama
pero okay lang ‘yun sa akin. Oo Jam, matagal ko na nahahalata sa iyo pero gusto
ko na sa iyo manggaling iyon.” Paliwanag niya sa akin.
“Kyle, hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko. Bakit ganito Jam?
Hindi ko matanggap eh. Oo may pagmamahal ako kay Rich subalit ayaw ko din na
maramdaman ito. Alam ko naman na hindi katanggap-tanggap iyon sa kanya...”
Sinapo ko ang aking ulo. “Hindi ko na maintindihan Kyle. Umaakto naman ako sa
lalaking kilos, lahat ng kilos ko ay panlalaki, ngunit heto lang ang mali sa
akin. Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Nahihirapan na ako
Kyle.” Garalgal kong paliwanag.
“Jam friend, hindi natin kasalanan na makaramdam ng ganyan sa tao,
kahit pa sa kalahi natin. Hindi kasalanan ang magmahal. Huwag mong isipin na
isang mali ang isang pagmamahal dahil ito ang magpapalaya sa atin. Isang
magandang gawin ay tanggapin mo sa sarili mo ang iyong pagkasino, tanggapin mo
ng buo. Malay mo sa ganyang paaran mo mai-express ang tunay mong nararamdaman.
Hindi ‘yung tinatago mo ang tunay mong nararamdaman. Tama ang ginawa mong pag
amin ngunit hindi dapat tayo magpapadalos dalos dahil hindi natin alam ang
magiging resulta. Hindi madali ang magladlad. Kahit ako noong kabataan ko ay
hindi din ako tanggap ng aking mga magulang. Ngunit pinakita ko sa kanila na
ang isang tulad ko ay makakatulong din kahit na ganito ako, kahit na bakla ako.
Nagsikap ako upang patunayan sa kanila na kahit ganito ako, maipagmamalaki din
nila ako.” Paliwanag ni Kyle. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mukha. “Jam kahit
ano pa man ikaw, tanggap kita. Ano ba naman ang ating pagkakaibigan kung sa
ganitong rason lang ay magpapaapekto tayo. Alam mo natutuwa nga ako sa inyo ni
Rich dahil tinanggap ninyo ang tulad ko na maging kaibigan. Isa sa mga
ipinapasalamat sa inyo na tanggapin ako.” Naluluha na din si Kyle. Ramdam ko
ang kanyang mga sinasabi.
“Salamat Kyle. Buti na lang at nandyan ka para sa akin, para sa amin
ni Rich. Pero Kyle bakit kanina noong sinabihan niya akong bading ay masakit sa
akin iyon? Hindi ko kasi nakikita ang sarili ko sa ganoon eh. Lalake ako sa
paningin ninyo, pero purke’t mahal ko ang kapwa kong lalake bading na agad?” Masakit
sa akin ang masabihan na bading. Ibinuhos ko ang aking luha.
“Silahis ang tawag sa katulad mo Jam.” Diretsong sambit niya. “Bisexual,
paminta. May mga klase kasi ng homosexual sa mundo, at sa klase na iyon ay sa
Bisexual part ka nabibilang. Sila ‘yung mga tao na nagkakagusto sa babae and at
the same time sa lalake. Hindi halata sa kanila ang kanilang tunay na
pagkasino, hindi agad mapupuna ng mga tao. Wala sa kilos nila ang tunay na
pagkatao nila, minsan pa nga ay hindi talaga mapapansin. Subalit nahahalata din
‘yan minsan, lalo pa kung pilit mo itong tinatago sa sarili ngunit napupuna na
ito ng mga tao. Hindi katulad namin na mga beki o toboy na showy kami at
pinapakita namin ang gusto namin. Tulad ko na nagpapakababae so I cinsidered
myself as gay. Tinanggap ko ng buo ang pagiging ganito ko. Tignan mo ako
ngayon, masayang gumagalaw sa paarang nais ko at hindi nagtatago.” Isang
paliwanag sa akin ni Kyle.
Silahis. Doon ako nabibilang. Bago sa aking pandinig at sa aking
isipan. Na curious ako lalo pa sa sinabi ni Kyle na kabilang ako sa mga ganoong
oriyentasyon. Nahimasamasan ako dahil sa tulong ni Kyle. Hindi niya ako
pinabayaan noong gabi na iyon. Doon ko nakita ang kaibahan ni Kyle, ang Kyle na
hindi mapagbiro at may pang-unawa. Parang isang biyaya ang magkaroon ng tulad
niya. Napayuko ako dahil sa mga sinabi niya na hindi namin siya sinasaba ni
Rich sa mga lakad namin minsan. Siguro nga nakakatampo iyon. Kung sa akin din
naman gawin iyon ay magtatampo din ako. Niyakap so siya matapos ang lahat. Mag
hahating gabi na noon at nag-aaya na ang kanyang mammie na umuwi. Sumunod ako
sa kanya. Pagbaba ko ay hindi ko na nakita pa si Rich, apti na din ang kanyang
Nanay. Nagtanong ako kay Mommy.
“Mommy kanina pa po ba naka-alis sina Rich.”
“Oo anak, pagod na daw kasi si Rich at gusto na niyang magpahinga.
Hindi naman matiis ng Nanay niya kaya mga alas nuwebe pa lang ay umalis na
sila.” Sagot sa akin ni Mommy.
Lumapit ako muli kay Kyle. Hinawakan ko ang kanyang mga palad at
binigyan ko siya ng ngiti.
“Salamat Kyle kanina ah? Sana magka-ayos kami ni Rich.” Bulong ko sa
kanya. Ayaw kong marinig iyon ni Mommy at ng iba pa.
“Okay lang ‘yun. Ikaw pa eh dating crush kita. Sayang.Pero okay lang ‘yan
may Steven pa naman ako.” Pabiro ni Kyle. “Oh siya mauna na kami. See you soon!” Pamamaalam nito sa akin.
Nagtapos ang pagdiriwang na may ngiti sa bawat mukha ng mga dumalo.
Mabuti pa sila masaya. Tumungo ako sa aking kwarto, doon ko inilabas lahat ng
sakit. Bumaha sa aking mukha ang luha. Masakit pala ang magmahal ng tulad niya,
na akala ko ay maiintindihan niya. Hindi ko naman kasalanan na mahulog sa aking
kaibigan subalit iyon ang sinisigaw ng aking damdamin. Kinuha ko ang aking
cellphone at tinawagan ko siya. Nagriring ito ngunit hindi niya sinasagot,
hanggang sa nag-out of civerage area ang tinatawagan ko. Nalungkot ako. Hindi ako
mapakali noon kaya tinext ko na lang siya.
“Rich I’m sori for wht i hve dne earlier. . . Sori kng nabigla kta sa
lhat ng mga cnbi ko. . . Please rply and gve me a chnce to explain. I’m sori.”
Nanginginig akong magtype. Naisend ko ang aking text. Maya-maya lamang ay may
reply sa akin. Kinuha ko agad ang aking cellpone at nagbabakasakaling si Rich
na ang nagrelpy. Ngnunit nainis pa ako imbes na napapahinga na ako.
“Your Unlimited text promo is already Expied. Please reload to
continue your service. Thank you.”
Expired na ako. Nakakainis talaga. Akala ko siya na ang nagtext.
Inilagay ko sa ibabaw ng aking noo ang cellphone. Magdamag akong hindi
nakatulog kakaisip sa nangyari kanina. Ano ang gagawin ko? Paano kung tuluyang
magalit sa akin si Rich? Paano ako haharap sa kanya? Maraming mga tanong sa
isipan ko. Hanggang sa sumikat na ang araw ngunit hindi pa din ako nakakatulog.
Hindi ako maubusan ng luha. Dahil bakasyon noon ay natulog na lamang ako.
Papikit na ako nang tumutunog ang aking Cellphone. May tumatawag sa akin. Sino
kaya iyon? Pagtingin ko ay si Rich. Napatayo ako sa kinahihigaan ko. Agad ko
itong sinagot ng walang kagatol-gatol. Gusto ko magsalita ngunit walang boses
na lumalabas sa akin. Siguro dahilsa kaba ko ay hindi ako makapagsalita ng
maayos. Tumugon siya.
“Hello Jam?”
“Ri-rich?”
“Kamusta ka na?” Casual ang kanyang pagtanong. Humugot ako ng hininga.
Akala ko pagalit niya akong kakausapin. Tumugon ako.
“O-okay lang. He-t-to. . . “
“I’m sorry for what I did kagabi.” Hindi na ako nakapagsalita dahil
humirit na ito. “Hindi ko sinasadya. Nagulat lang ako sa isiniwalat mo sa akin.”
Dagdag pa niya.
“O-okay lang. Natatakot kasi ako baka galit ka eh?” Nanlulumo kong sagot.
Naiiyak pa din ako. Naalala ko na anaman ang nangyari kahapon.
“Oh huwag ka na po umiyak ha? Naiintindihan kita Jam sa nararamdaman
mo. Ngunit Jam ayoko sa saktan ka ulit pero gusto ko lang magsabi sa iyo ng
totoo.” Hirit niya. Huminga ito ng malalim, dinig ko iyon sa cellphone. “Hindi tayo
maaaring magmahalan. Parehas tao ng kasarian. I’m so sorry to dissapoint you
Jam pero I’m not the type of person na magmamahal sa iyo bilang kasintahan mo,
kung iyon nga ang nais mo. Gusto kong sabihin sa iyo straight to the point ang
lahat dahil ayaw ko na umasa ka lang sa wala. Hindi purke’t ayaw ko sa pagkatao
mo pero ‘yung pagmamahal mo ang nais kong iwasan. Hindi kaso sa akin kung ano
ka. Kaibigan kita Jam. Simula noong bata pa tayo hanggang ngayon ay matalik
kitang kaibigan. Gusto ko maging maayos ang lahat sa atin dahil sayang ang
pinagsamahan natin. Pati si Kyle ay naargrabyado.” Paliwanag niya.
Bumagtas ang aking luha sa magkabilaang pisngi. Hindi ko maitago ang pagiging emosyonal
sa aking mga narinig. Masakit ngunit isa iyon sa mga dapat kong tanggapin, ang
hindi umasa sa pagmamahal ni Rich. Hindi na muli ako makapagsalita, hindi ko na
alam ang isasagot ko. Ngunit kailangan kong sumagot. Huminga ako ng malalim.
Kinausap ko siya.
“I’m sorry din Rich sa mga nagawa ko. From now on magbabago na ako.
Hindi na kita bibiglain. Kukumbinsihin ko ang aking sarili na hindi na dapat
ako umasa sa iyong pagmamahal. Kaibigan kita, matalik na kaibigan. Iyon ang
dapat na isaksak ko sa aking isipan.” Iyon ang aking nasabi.
Mabigat man sa akin ngaunit kailangan tanggapin ang lahat. Hindi kami
puwede ni Rich. Kailan kong irespeto iyon. Kailangan kong tanggapin sa aking
sarili na hindi kailanman mangyayari na mahuhulog din ang loob ni Rich sa akin.
Tama siya, lalake siya at babae ang kanyang hanap. Natapos ang aming usapan sa
pagpapatawad at pagakkaroon ng kaunting kuwentuhan. Ngunit nang matapos iyon ay
umagos muli ang aking luha. Parang ang OA ko lang ngunit kung alam niyo lang
ang sakit ng unang pagmamahal. At isa pa, gulo na ang isipan sa kung ano ba
ako.
Nang maalala ko ang sinabi ni Kyle sa pagiging bisexual ay na curious
ako. Isang araw ay nag-search ako tungkol sa mga bisexuals, at tumambad sa akin
ang mga katotohanan ng aking pagkasino. Dito nga ako nabibilang. Ngayon ay
naiintindihan ko na ang lahat. Ang kailanagn ko na alng gawin ay tanggapin iyon
ng maluwang sa akin. Hanggang sa mga buwan ang lumipas ay agad ko itong
natanggap dahil sa tulong ni Kyle na madalas ang pagpunta sa bahay. Marami siyang
mga sinabi sa aking tungkol doon. Dahil sa takot pa akong malaman ng aking mga
magulang kung sino ako ay sa kuwarto kami nagkukuwantuhan. Naibahagi ko sa
kanya ang mapait kong karanasan noong bata pa ako, noong may ginawa sa akin ang
aking pinsan na si Kuya Ren. Ngayon ko napagtanto na mayroong epekto ang
pangyayari na iyon sa akin. Masakit sa akin iyon. Sana kung alam ko lang iyon
ay hindi na ako pumayag sa ipapagawa niya sa akin. Sana sinumbong ko siya kay Mommy
at Daddy. Ngunit heto na at nangyari na. Hindi ko na maibabalik ang nakaraan.
Naawa sa akin si Kyle. Kahit siya din noong bata pa siya ay halos araw-arawin
siya ng kanyang tiyo kapag lasing. Marami daw ang ipinapagawa nito sa kanya.
Inilahad niya pati ang mga masasakit na pangtyayari, ngunit hindi alintana sa
kanya ang lungkot. Para daw sa kanya isa na lang iyong nakaraan na dapat hindi
na binabalikan. Pero minsan daw ay napapaniginipan pa din niya ito. Nagdadasal
na lamang siya upang makatulog ng mahimbing. Unti-unti akong nabuhayan.
Napakalaki ang tulong ni Kyle sa akin. Kung sa madalas na pagpunta ni Kyle ay
siyang pag-dalang na bubisita sa amin, kaya minsan kami ang dumadalaw sa
kanila. Ngunit madalas na sinasabi sa amin ng Nanay ni Rich na wala daw siya,
lumabas at kasama ito. Napa-isip kami ni Kyle kung sino kaya.
“Naku Jam ha? Ma knows ko lang me bagong circle of friends ‘yang si Rich
maihahampas ko ang 3-inch heels ko sa kanya! Madals na lang waley ang ate mo
kapag napunta tayo dito. May rampa na ampeg? Hindi man lang ako inimbitahan?
Kaloka na talaga. Oh baka may. . .”
“Ang daldal ah?” Tinapal ko ang kinakain kong tinapay sa bibig niya.
Nahinto ito. Imbes na idura ang tinapay ay kinain pa niya ng buo. Natawa ako sa
ginawa niya na iyon.
“Buti pa ang echoserang paminta na’to naaalala akong pakainin. Sige pa
Jam subuan mo pa ako ng nota este tinapay mo dali!” Pabiro pa nitong tugon.
Madalas ang hindi pag-sama sa amin ni Rich. Kapag nagtetext sa amin ay
laging sinasabing may pinupuntahan daw siya. Ngunit saan kaya? Wala kaming
ideya ni Kyle kung saan. Mukhang may bagong pinagkaka abalahan si Rich.
Nagtampo na kami ni Kyle sa hindi pasipot sa mga planong lakad namin. Mas
naging close kami ni Kyle, halos sa araw-araw ay hindi kumpleto kung wala man
sa aming dalawa ang magtetext o tatawag. Mas mabigyan ko ng atensiyon si Kyle
kaysa kay Rich pero nangingibabaw pa din ang nararamdaman ko sa kanya.
Natapos na ang bakasyon. Nakapag-enroll na kami muli ni Kyle. Niyaya
namin si Rich pero nauna na daw itong nag-enroll. Mas lalo pang nangibabaw ang
pagkatampo namin sa kanya.
“Waley na!” Malakas na sambit ni Kyle sa akin. “Wasang na!” Dagdag pa
nito.
“Oo nga eh.” Singhal ko.
“Oh ngayon ganyan ba ang nanaisin mong maging boyfriend mo? ‘Yung
pagiging kaibigan pa nga lang wasang na ang beauty to teh, lalo pa siguro kung
maging perfect two kayo, ay correction, pekpek two pala. Ha Ha Ha!” Banat ni
Kyle na parang nang-aasar pa.
“Naku tigilan mo ako Kyle, Hindi ko na ipipilit. Tanggap ko na. Kung wala naman marami pa diyan.” Depensa ko.
“Madami nga. Oo napakadami. Sila ba ‘yung mga napapadaan lang ‘tas
hindi ka papansinin? ‘Tas kahit na ngumanga ka pa sa kanila wala! Ano ang
mapapala natin?” Sabay kindat sa akin. Alam ko ang hudyat niya.
“NGANGA!” Sabay naming sambit at tumawa.
Dumatin na ang araw ng pasukan. Isang bagay ang aming nalaman tungkol
kay Rich na tuluyan kong ikinawalan ng pag-asa. Mas lalo pang sumabog ang aking
emosyon. Mas masakit at hindi ko na alam kung kakayanin ko pa. Pati si Kyle ay
nagulat sa isisiwalat ni Rich. Sino si Thea sa buhay niya? Ano ang magiging
papel niya sa buhay ni Rich? Isang rebelasyon muli ang nais kong iyakan.
Npakasakit tlga ng ang isang pagkaibigan na wagas ay kyang sirain ng isang rebelasyon. Kung ako cguro ang lalake at mgtapat ang bestfriend ko ng pgmamahal na higit p s magkaibgan ay hndi ko xa tatalikuran bagkus, xa ay aking uunawain at ipauunawa ko s knya n hangang pgkakaibgan lng ang kya kong ibgay at iyon ang ayokong mwala sa amin. Hndi ko bibiglain ang pag-iwas sa knya dhl alam kong msakit un pra s knya. Uunti-untiin ko hangang maibaling nya sa iba ang pgmamahal nya skin. Ska ako manliligaw ng babae sa panahong tangap na nya! Maaaring mahal na din ni Rich si Jam kya lng in denial pa xa sa pgkasino nya sa kanyang sarili.
ReplyDeletesalamat po sa inyong opinyon tito. :) Kahit papaano ay nadama ko na din sa wakas ang magkaroon ng isang komento na tulad nito :)
DeleteThanx sa update! nice story brad ric! Heheh pakipot pa tong c Rich ih..wapo wapo ni Jam..lol bibigay dn yan! abang nlng sa next chapter..! interesting tong c Thea..
ReplyDeleteHmm konting polish nlng pwede na to panlaban..lol medyo nabawasan na ung typo error and wrong choice of word..pag husayan mo pa brad..may mararating ka! Eheheh