Followers

Sunday, August 25, 2013

You're Really The One (Chapter 10)



The Side of Rich

                Masarap makaranas ng pagmamahal ng isang tao, lalo na kung ito ay inyong pinagsasaluhan, pinalalakas at pinapatibay. Iyong sa halos araw-araw ay nais mong siya pa rin ang kasama hanggang sa pang habambuhay kung maaari. Mas masarap ang pagmamahal kung sa taong mahal ka din mo ito ibabahagi. Masarap ang pagpapalitan ng pag-iibigan sa isa’t isa, mas madadama ang init ng pagsasama.

                Mula noong araw na naging kami ni Jam ay halos hindi ko na kayanin ang ligayang nadadama. Ligayang ni minsan ay hindi ko nadama kahit na noong naging kami ni Thea. Ligayang tunay. Mas naramdaman ko na ng buo kung ano ang pakiramdam ng pagmamahal at mas lalo ko pang ninamnam ang lahat kay Jam. Tila dinadala sa langit ang kaluwalhatian ng damdamin, nagtatalo ang kakaibang saya at sarap. Hanggang sa pinagsaluhan namin ang aming tunay na pag-iibigan noong gabi ng aming unang monthsary. Mas naging maalab, naging mapusok. Tila nasa giyera kami ng kaligayahan. Mula nang mangyari iyon ay alam ko na buong-buo na ang aming pagmamahalan. Sa init ng aming pagtatalik hanggang sa natamasan namin ang rurok ng kaligayahan ay dama ko ang aming masayang pagsasalo ng pag-ibig. Bago man sa amin ang lahat ngunit ito ang mas lalong nagpatatag sa amin ni Jam. Ginupo man ng antok pero may ngiti pa ring puminta sa amin bago tuluyang pumikit ang aming mga mata. Nagawa ko muna siyang halikan mula sa noo, pababa sa kanyang ilong hanggang sa umabot na ito sa kanyang mga labi. Niyakap ko siya ng mahigpit, pumikit at tuluyang nakatulog.

                Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa sikat ng haring araw. May ngiti agad na puminta sa aking mukha. Tinuran ko ang aking tingin sa kaliwa kung saan nakahiga si Jam sa aking braso. Napakapogi niya kahit tulog, napakakinis ng kanyang balat at mas lalo pang nagpatingkad sa kanyang kagwapuhan ang kaputian nito. Mas mapula ang kanyang mga labi. Gusto ko sana siyang gisingin ngunit pasin ko na mahimbing ang kanyang pag-tulog. Nangigigil ako sa kanya kaya hinalikan ko na lang ito ng dahan-dahan. Tinagalan ko ang pagdampi nito hanggang sa gumalaw ang kanyang mga labi. Ikinabigla ko iyon. Ini-angat ko ang aking ulo. Unti-unti siyang dumilat, ngumiti ito.

                “Ikaw ah? Nakikiramdam lang ako. Sa totoo lang kanina pa ako gising.” Tugon niya.

                “Jamrich ko talaga. Kagatin ko ‘yang labi mo eh.” Pangiti kong sambit.

                “Edi gawa.” Sambit niya sabay ang pagkagat ko sa kanyang ibabang labi. Ang lambot talaga ng kanyang mga labi. Ang sarap halik-halikan.

                “Oh ayan. Sabi mo gawa eh.”

                “Isa pa nga? Ang sarap eh?” May kilig na pagkakasambit niya.

                “Ah, inuuto mo ako ah? Halika kikilitiin kita!” Nilagay ko ang aking mga kamay sa kanyang baywang at kiniliti ito.

                Napatayo ito sa kakatawa. Pilit na tinatanggal ang aking kamay na kumikiliti sa kanya. Nang matanggal ay gagawin din niya sana ito sa akin ngunit naka-iwas agad ako. Tumayo ako sa kama at tumakbo palibot sa kanyang malaking kuwarto. Agad itong tumayo upang habulin ako. Naghabulan hanggang sa nahuli niya ako at kiniliti din sa baywang. Hubad pa kami noon ngunit hindi namin alintana dahil nasa kuwarto naman kami at wala namang makakakita. Muli naming pinagsaluhan ang halik. Makaraan lang ng ilang sandali ay kumatok si Yaya Thelma.

                “Sir, handa na po ang inyung almusal.”

                “Sige yaya bababa na kami. Salamat” Tugon ni Jam sa kanyang Yaya Thelma. “Halika na at magbihis.” Suyo niya.

                “Halikan na at magbihis?” Pabiro ko.

                “Ah, halikan pala ah? Oh heto.” Tinutok niya muli ang kanyang labi sa akin. Nagsimula muling gumalaw ito ngunit inilayo ko agad ito sa kanya.

                “Kumain na tayo Jamrich ko. Mukhang nasabik sa halik ah?” Tugon ko.

                “Nakakabitin ka naman eh.” Tumalikod si Jam. Sa pagtalikod niyang iyon ay dahan-dahan ko siyang niyakap, dinantay ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

                “Jamrich ko, ‘wag na magtampo. Ayaw kong nagtatampo ang pinakamamahal ko.” Malambing kong sambit sa kanya.

                Nagulat na lamang ako at biglang inilagay niya ang kanyang kamay sa magkabilaang baywang ko at kiniliti. Hindi ko kinaya ang kanyang ginagawa hanggang sa tawa na lang ako ng tawa.

                Isang napakasayang araw iyon sa amin ni Jam. Maka-ilang ulit din namin ginawa ang ganoong mga eksena habang nagtatagal pa ang aming pagsasama. Mas may init, may alab. Dahil sa bago lamang iyon sa aming pakiramdam ay hindi namin mapigil ang aming sarili. Mga batang nakadiskubre ng makabagong ligaya. Kung hindi sa kanila ay sa amin namin iyon pinagsaluhan. Doon kasi naman mas nadadama ang aming pagmamahalan. Sa bawat natatamasa namin ang rurok ng kaligayahan ay nararamdaman namin ang kakaibang pag-ibig.

                Hanggang sa magsimula ang unang semestre ng taon ay sabay kaming pumasok, kasama ang aming matalik na kaibigan na si Kyle. Kahit na mayroon kaming relasyon ni Jam ay hindi pa rin namin isinasantabi si Kyle, kahit sa mga sunud-sunod na alis namin ay hindi namin siya kinaliligtaan. Mahal din namin ang aming bestfriend at kahit na magkasintahan kami ng aking pinakamamahal na si Jam ay nagagawa pa din anmin gawin ang mga bagay noong kami ay magkaibigan pa lang. Ngayon ko lang naramdaman ang totoong kaligayahan, kaligayahan na iyong ginagawa base sa sambit ng aking isip at tugon ng aking puso. Hanggang sa tinanggap ko na ng lubusan ang aking pagiging alanganin. Sa tuwing lalabas kami ni Jam ay hindi na ako nahihiyang hawakan ang kanyang malambot na palad kahit nasa pampublikong lugar kami at si Jam ay nagpaparaya naman. Ano ba ang masama sa holding hands kumpara sa ibang mga tao na mas grabe pa sa holding hands ang pinapakita sa publiko? Kahit punahin man ng tao ay hindi namin iyon pinapansin. Alam namin na hindi pangkaraniwan sa ating bansa ang ganito ngunit ano ba ang aming kasalanan? Tanging pagpapakita lamang ng pagmamahal sa isa’t isa ang aming pinapakita. Kung minsan ay nakakarinig kami ng hindi maganda ay mayroon pa rin namanng karamihan na natutuwa sa amin. Ang sweet daw namin, nakakatuwa daw kami, at hindi daw nahihiya. May iba na bumibilib sa amin sa tuwing nakikita kami ni Jam sa ganoong akto ng mga taong nasa paligid namin. Kahit papaano ay hindi lahat ng tao ay hindi maiintindihan ang aming kalagayan. Mayroon at mayroon pa rin talagang mga tao na nakaka-appreciate at nakakaintindi.

                Tumagal ang aming relasyon, lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang ika-anim naming monthasry. Isang dinner date ang handog sa akin ni Jam. Isa iyon sa pinakasweet sa akin, lalo pa at kasabwat si Kyle sa pangagayri na iyon. Ang sabi lang noon sa akin n i Kyle ay may pupuntahan daw kaming mahalaga. Hindi pa nga sana ako sasama noon dahil natapat sa monthsary namin ni Jam ang petsa na iyon. Nakapagtext na ako noon kay Jam na hindi ko siya makakatagpo pero sa importanteng lakad na iyon ay si Jam din pala ang aming tatagpuin. Doon ulit sa Chinese Garden ang venue. Sa hindi ko malaman kung paanong pwede ang mag-dinner doon, pero isa iyon sa romantic na ginawa sa akin ni Jam. Mas natuwa pa ako habang kumakain kami ay tumugtog si Kyle ng awiting You Are My Song sa pamamagitan ng kanyang Violin. Malinis at napakaganda ng kanyang pagtugtog, malinis at tila isang simponya sa aming tainga. Doon ko nakita ang pagiging supportive ni Kyle sa aming relasyon ni Jam. Muli ito nagtapos sa mainit na pagtatagpo sa aking kuwarto, isang mapusok ang pakawala ng aming ginawa, mas maalab, may sensasyon, may tamang galaw, ritmo at kumpas hanggang sa pumakawala na ng katas ng kaligayahan ang aming galit na kargada. Kakaibang sarap talaga ang hatid ng ginagawa namin na iyon. Doon pa namin mas minahal ang isa’t isa.

                Sa tagal ng pagsasamahan na iyon ay hindi namin inaasahan na magkarron ng tampuhan ngunit hindi namin ito pinang-aabot pa ng bukas. Nagkaroon na kami ng mga away pero gusto ko pa rin iyon ma-ayos agad. Hindi naman iyon nawawala sa isang relasyon. Doon natin makikita ang katatagan ng bawat isa. Ngunit sadyang pahirap ng pahirap ang mga pagsubok na aming idinadanas. Una, kailangan namin i-balanse ang aming pag-aaral at ang relasyon namin. Pangalawa, madalas ang aming case study kaya madalas ko ding nabibigo si Jam kung siya ay nagyayaya na lumabas. Pangatlo naman ay hindi pa din alam ni Nanay at Tita ang lahat ng mayroon kami, lalo na ang aking totoong kulay. Minsan isang araw ay nagising ako sa malakas na pagtunog ng aking cellphone. Bumungad sa akin ang tawag ni Jam. Agad ko iyong sinagot.

                “Hello?”

                “Goodmorning Jamrich ko!” Masiglang sambit niya.

                “Oh ang saya yata ng gising ah? Bakit?”

                “May naaalala ka ba?” Tanong niya.

                “Naaalala? Wala? Ano ba iyon?” Pagtataka ko.

                “Ha? Hindi mo naaalala ang araw ngayon?”

                “Hindi. Ano bang meron ngayon?”

                Bigla niya itong pinatay. Nagulat ako sa mga pangyayari. Ano ba ang araw ngayon? Mukhang ordinaryo lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nais na ipahiwatig ni Jam sa araw na iyon. Minabuti kong maghilamos muna. Pagkatapos ay tinignan ko ang aking kalendaryo na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto. Malabo pa ang mata noon hanggang sa nahawakan ko ang aking bibig. Nagulat ako sa petsa na tumambad sa akin. Hindi ko alam na ang araw na iyon ang aming pang siyam na monthsary. Agad kong kinuha ang aking cellphone, tinawagan si Jam at inantay ang kanyang pagsagot subalit tanging ang pag ring lang ang aking naririnig. Hindi niya ito sinasagot. Marahil ay nagtampo sng aking Jamrich.

                “Bakit hindi ko na-alala ang araw na ito?” Tugon sa aking sarili habang inuuntog ko ang aking ulo sa aking kamay.

                Nais kong makita si Jam ngunit naalala ko na mayroon pala kaming case study. Pambihira naman! Nagkasabay-sabay ang araw na ito sa mga importanteng bagay. Kung pupuntahan ko si Jam, magagalit sa akin ang aking mga ka klase dahil ako ang inaasahan na manguna sa kaso na iyon. Kung dadalo naman ako sa aking case study ay magtatampo sa akin si Jam. Naka strike 1 na nga ako sa kanya. Pero baka maintindihan naman niya kung sasbihin ko na kailangan matapos ang aming case study dahil bukas ay ang deadline noon. Hindi sinasagot ni Jam ang aking tawag kaya naisipan ko na lang na itext ito.

                “Good mrning Jamrich ko. I’m so sori kanina. Hindi ko kasi na2lala na mnthsary natin. Uhm. . . Jamrich ku sori dn ndi kta msisipot today. We hve to finnish our case study to be submitted tommow. I’m very sori. . . Wag kna po mgtampu. I promise babawi ako . . HAPPY 9th MONTHSARY JAMRICH KO~! I LOVE YOU MUWAH~!”

                Magsesend pa lang ako nang bigalng nagtext sa akin ang isang notice.

                “Sorry you have an insufficient balance to continue this service. Please reload immediately.”

                Anak ng tokwa! Wala pa akong load! Malayo pa ang tindahan sa amin at kailangan ko ng pumunta sa bahay ng aking kaklase. Late na din ako. Ano bang kamalasan ang mayroon ako ngayon?

                Hindi lang isang beses na nangyari iyon. Naulit muli noong 11th monthsary namin. Ang dahilan muli ay ang aming case study. Naalala ko naman ang petsa na iyon kaya maaga pa lang ay nagsabi na ako sa kanya. Tumawag ako.

                “Good morning Jamrich ko. Happy monthsary!” Panimula ko.

                “Good morning din. Happy monthsary.” May katamlayan ang kanyang boses.

                “Oh, bakit ganyan ang Jamrich ko? May dinaramdam ka ba ngayon?”

                “Ah, wala wala. Buti naalala mo na monthsary natin ngayon.”

                “Oo naman. Eh kaso Jamrich ko. . .”

                “Anong kaso?” Agad niyang tanong sa akin.

                “May case study kami ngayon. Kailangan kong gawin iyon ngayon eh. Mahirap ang ibinigay sa aming case kaya..”

                “Case study na naman?” May diin ang kanyang pagsambit. “Lagi naman eh, lagi naman iyan ang rason mo.  Case study na nga noong nakaraan lang ngayon case study na naman ulit? Ano ba yan?”

                “Jamrich ko, i’m sorry kailangan talaga eh.” Paanas kong sambit.

                “So ano, mababalewala na naman ang 11th monthsary gaya ng pagbabalewala mo sa ating 9th monthsary? Ok lang sa akin Rich na gumawa ka ng ganyan. Pero i need your time din para makasama ka. Miminsan mo na lang ako sunduin. Magkikita lang tayo para ihatid mo ako tapos susunduin. Ni hindi na nga halos tayo nagtatabi sa kama. Kung magkatabi man tayo nasa isip mo pa din ‘yang case study ninyo?” Padiin niyang tugon.

                “Eh ano pa bang magagawa ko?!” Nainis na ako. Kung alam lang niya kasi ang kalagayan ko sa kursong kinuha ko. “Kasalanan ko ba na natatapat ang araw ng aming case study sa monthsaries natin?” Dagdag ko.

                “Pwede ka naman mag-excuse hindi ba? Maraming paraan kung gugustuhin mo Rich!”

                “Pero anong irarason ko? Dahil monthsary natin? Maaari bang rason iyon?”

“SO ano na naman ulit? Nganga na naman ako ulit? Ano na naman ang gagawin  ko? “

“Then do something na kapaki-pakinabang! Jam hindi kailanman napapagbigyan tayo!” May inis kong sinambit iyon.

“Ah ganoon pala? Oh edi huwag na lang natin i-celebrate ang ating monthsary, pati na din sa mga susunod pang monthsaries ay huwag na din natin ipagdiwang! Baka kasi CASE STUDY ninyo na naman sa date ng ating monthsary. Oh kaya sa dadating na anniversary natin ay CASE STUDY pa rin ang aatupagin mo! Puro na lang. . . . .”

“Could you please shut your mouth Jam?!” Nagagalit na ako. Nakakainis. Hindi ko ba alam kung talagang sinasagad niya ang aking pasensya.

                Agad niyang pinatay ang kanyang cellphone. Alam ko na inis na din siya. Hindi ko naman kasalanan na natatapat sa petsa ng aming case study ang aming monthsary ni Jam. Bakit hindi niya maunawaan. Dapat nga ay siya pa itong nakakaintindi sa akin dahil mas lamang siya sa akin pagdating sa pang-akademikong gawain. Hindi biro ang case study sa aking kursong Bachelor of Science in Nursing lalo pa at mabibigat na cases ang ibinibigay sa amin. Masisisi ba niya ako kung kailangan kong pag-aralan ng maigi ang aking gagawin? Sana naintindihan din niya. Estudyante lang naman din kami parehas. Kapag siya naman ang may gaiawin sa school ay binibigay ko ang kanyang oras upang gawin iyon. Pero bakit siyaganoon? San naisip din niya na kailangan ko din matapos ito para magraoon ako ng magandang marka, makagraduate at magkaroon kami ng masaganang buhay para sa aming kinabukasan.  

                Idinaan ko na lang ang lahat sa pag-aasikaso ng aming case study. Doon ko na lang inituaon ang lahat ng aking oras at para makalimot din sa inis na aking nadadama. Ngunit hindi matiis si Jam, nais ko siyang tawagan o itext. Hindi ako sanay na nagkakaroon kami ng ganitong tampuhan. Mahal na mahal ko si Jam ngunit may kailangan muna akong unahin bago ang lahat. Sana maintindihan din niya.

                Nagkaroon ako ng oras para tawagan siya. Agad ko siyang tinawagan. Hindi ko siya matiis. Sino ba ang kayang tiisin ang kanilang mahal hindi ba? Mas matatamihik at mapapalagay ang ating loob kung magiging maayos at matiwasay ang bawat isa sa amin. Alam ko na ganoon din ang nararamdaman ni Jam. Pagka-ring pa lang ay agad niya itong sinagot.

                “Hello Jamrich ko?” Pambungad ko.

                “Jamrich ko kamusta ka na? Okay ka lang po ba? May nangyari po ba sa iyong masama?” Sunud-sunod niyang mga tanong.

                “Ok lang ako Jamrich ko. Bakit ganyan ka po magtanong?”

                “Mabuti naman. Ang sama kasi ng panaginip ko Jamrich. Sana hindi iyon mangyari.”

                “Ikaw ba Jamrich ko? Ok ka lang ba?” Pag-aalala ko. “I’m sorry for what I did kanina. Hindi ko sinasadya na masigawan ka.”

                “I’m sorry din Jamrich ko. Dapat maintindihan ko ‘yung lagay mo. Hindi ko din sinasadya. Namimiss na kasi kita Jamrich ko kaya nagkakaganito ako.” Malumanay niyang sambit.

                “Kahit ikaw naman Jamrich ko namimiss na kita. Sobrang miss. Hayaan mo Jamrich ko I promise babawi ako sa iyo? Ano ba ang gusto mo?”

                “Jamrich ko, panatag na ako kung makikita lang kita, mamayakap at mahahalikan. I’m sorry talaga for what I did earlier.”

                “Jamrich ko hindi naman kita matitiis, mahal na mahal kita kaya kahit ano man ang nagawa mo sa akin ay mawawala iyon sa isang sorry mo lang.”

                “Maraming salamat Jamrich ko.”Tugon niya. “Namimiss na kita talaga. Pero I understand kung hindi ka talaga makakapunta ngayon. It’s for  your future naman ya. . . “

                “No, it’s for our future, Jamrich ko.” Pamutol ko sa kanya.

                “Jamrich naman eh, hihihihi.”

                “Ayan napapasmile ko na ba ang Jamrich ko?”

                “Oo na Jamrich ko. Ang corny mo talaga?”

                Sa wakas at nagkaroon na ako ng panatag na loob. Mabuti na lang at hindi din ako natiis ni Jam dahil kung sakali ay malulungkot ako ng sobra at isa pa ay pang  ika-11 na monthsary namin noon. Hindi man namin kasama ang isa’t isa pero nais ko sa kanya iparamdam na magkalayo man kami ay gusto kong maramdaman niya na espesyal pa rin ang araw na iyon. Sa pamamagitan ng maya’t mayang text ko sa kanya ay nagkaroon muli ng sigla sa akin. Miss ko na talaga ang Jamrich ko. Nagkaroon akong sikapin matapos ang aming case study, at sa awa ng Maykapal ay napagbigyan Niya ako sa hiling ko. Natapos namin agad ang aming case study, at may pagkakataon pa akong mabisita si Jam sa kanila. Mayayakap at mahahalikan ko na siya, makakapiling ulit kahit na sa maikling oras lamang. Sobrang miss ko na ang aking mahal na Jamrich ko. Gusto ko sana siyang sabihan ngunit mas maganda kung susurpresahin ko na lang siya.

                Bago ako magtungo ay tumungo muna ako sa isang kilalang bakeshop upang bumili ng Cake. At dahil espesyal sa amin ang araw na ito ay sumibat na din ako sa isang flower shop upang bumili ng red roses. Sana matuwa siya sa aking handog sa kanya. At dahil sa surpresa ito ay magandang tawagan ko ang kanyang Yaya Thelma para makasabwat ko. Mabuti na lang at nakuha ko ang kanyang number. Nang matawagan ko ito ay agad din niyang sinagot.

                “Hillow sir?” Pambungad niya.

                “Hi sa pinakamagandang kasambahay sa buhay ng aking mahal.” Panlalambing ko.

                “Naku sir naman, buto naman na aku sa inyung dalawa ni sir Jam ih. Uh bakit ka pu napatawag?”

                “Yaya Thema may surprise sana akong gagawin mamaya kay Jam. Maaari mo ba akong tulungan?”

                “Naku sir, wala dito si Sir Jam. Umalis po nagon may pupuntahan daw po.”

                “Ha?” Nagulat ako. “Saan daw po nagpunta?” Agad kong tanong.

                “Dili ko alam. Piro narinig ko mi imemeet daw?”

                Napaisip ako. May i-memeet si Jam? Ngunit sino? Hindi man lang sa akin nasambit ni Jam na mayroon siyang katagpuan. Nagpasalamat ako kay Yaya Thelma at pinatay ko na ang tawag. Agad kong tinawagan si Jam ngunit out of coverage area siya. Kinabahan ako. Sino kaya ang kanyang ka-meet? May importante ba silang pag-uusapan kaya sila magkikita? Maraming mga sumusulpot na tanong sa aking balintataw. Naka-ilang text na din ako ngunit hindi siya nagrereply. Mas lalo akong nangamba. May pag-alala ngunit may kaunting pagdududa. Oo dahil hindi ko sigurado kung sino ang katagpuan niya. Mas lalo pa iyon nangibabaw dahil hindi ko siya matawagan, ni mag reply ay wala. Ayaw ko sana ang ganitong pakiramdam ngunit hindi ko maiwasan.

                Malungkot akong naglalakad sa kahabaan ng daan sa Maynila nang may napansin ako sa isang restaurant. Isang eksena ng dalawang lalake ang kumakain. Sa aking napapansin ay masinsinan ang kanilang mga usapin kahit na hindi iyon naririnig gawa ng salamin na bintana ng restaurant. May kaunting tawanan, ngunit may mga akto sila na masinsinan silang nag-uusap na parang nagkakamabutihan ang dalawa. Mukhang masaya ang gannong eksena kung ganoon din kami ni Jam sa araw na iyon. Ngunit kumirot ang aking puso. Sa eksena na iyon ay sana ako na lang ‘yung lalake na kasama ng isang lalake. May sakit dahil sigurado na ako na si Jam iyon at may kausap siyang lalake. Nababalutan ang aking sarli ng panginginig. Halos muntikan ko ng mabitawan ang aking mga dala na ihahandog ko sana sa kanya. Sa monthsary pa namin niya ito nagawa? Ngunit paano? May nagawa ba ako para gawin niya iyon sa akin?

                Hindi ko na kaya. Niloloko lang ba ako ni Jam? Pinapaikot lang ba niya ako? Matapos ko siyang mahalin ay nagagawa pa niyang makipagkita sa mga lalake at doon makipagsaya? Akala ko ba naiintindihan niya ako sa aking sitwasyon kung bakit hindi ko magawang makipagkita sa kanya, na mabigyan siya ng oras upang makasama. Hindi ko na kinaya. Tumakbo ako palayo. Hindi ko na inintindi ang mga tao na makakabunguan ko dahil parang nawala ako sa aking sarli. Ang nais ko lang ay lumayo doon. Masakit, sobra.


                Ngunit isang iglap ang nangyari sa akin. Sa pagtakbo na iyon ay biglang naging puti lahat ng aking nakikita. Anong nangyayari sa akin at bakit naging ganito ang aking nakikita? Ni kahit ano sa paligid ay wala akong makita kahit tao o mga gusali. Isang pangyayari ang nagbago sa lahat. Pangyayari na kahit na hindi naman nais. Doon nagkaroon ng isang tanong pero parang sa kanya ay masakit iyon malaman. Sino si Jam?

No comments:

Post a Comment