Followers

Saturday, August 10, 2013

You're Really The One (Chapter 1)



CHAPTER 1: The Side of Rich
Naniniwala ba kayo sa isang pagmamahalang hindi masasabi sa mata, sa bibig, o sa isip kundi sa puso? Iyan ang kadalasang katanungan ng ibang mga tao. May mga nagsasabi ng kanilang opinyon na oo at may hindi. Magulo ayon naman sa iba. Kung ikaw ang tatanungin ano ba ang magiging opinyon mo? Isa pa sa mga tanong pag ibig ay ito ba ay dapat hinahanap o kaya naman ito ay kusang nararamdaman. Ano nga ba ang tunay na pagmamahal? Paano nga ba ito mararamdaman. Minsan ito nga ba ay totoo o saglitan lamang. Hindi natin masabi, ngunit nararamdaman.

Ngunit paano ko nga ba ito masasagot? Simula pa lang nang ako ay namulat ay ni isang tunay na pagpapalitan ng  pagsinta sa iba ay hindi ko pa nararamdaman at kung mayroon man, tanging ako lang ang nakakaramdam ng hindi alam ng kung sino man ang aking naiibigan.

Ako si Rich, tungo ako ng Cavite. Ako ay simple lamang, sa pagiging buhay probinsyano ay makikita sa akin ang hubog ng isang lalaking Pilipino. Moreno, matangos ang ilong, ang buhok ay hindi kasing diretso o ni sing kulot, tama lamang ang hubog ng pangangatawan, at may tangkad na 5’5 lamang. Maraming nagsasabi na ako daw ay gwapo, marahil sa aming angkan ay likas na nakikita iyon sa amin. Ang aking nanay ay may purong Kastila ang dugo habang ang aking tatay ay hati ang lahi. Kami ay nakatira lamang sa isang simplemg pamumuhay, na may simpleng angat sa buhay. Ang makakin ng 3 beses sa isang araw ay maituturing na naming malaking biyaya.  Ngunit kung ang inyong maitatanong ay masaya ba ang aking kinabibilangan na pamilya? Para sa akin ay hindi.

Pinanganak akong mayroong pag sumpa ng aking Lola na Nanay ng aking ama. Dahil noong araw ay hindi lubos matanggap ng aking lola ang pagbubuntis ng aking ina at ang anak niya na aking ama.
“Isimusumpa ko ‘yang nasa iyong sinapupunan Imelda! Iyan ang magdadala sa iyo ng kamalasan! Malas ka! At ikaw Ernesto, kung mas importante ang magandang buhay ay sumama ka sa amin ng iyong Daddy at itakwil mo ang walanghiyang babae na iyan!” Ang mga diyalogong binitawan ni Lola na hanggang ngayon ay hindi maitanggal sa isip ni nanay.

 Gawa ng labis na pagtatampo ng aking ama kay Lola ay lumayo sila hanggang sa Cavite napadpad. May magarang pamumuhay ang aking ama habang ang aking ina naman ay pawang simple lamang, ang may makain sa isang araw ay maayos na sa kanya kaya’t sanay na si Nanay sa naging buhay namin. Noong  una ay may sigla ang kanilang pagsasamahan, ngunit noong kinalaunan na palapit na ang ka buwanan ni Nanay, nagbago ang ihip ng hangin kay Tatay. Sa hindi matukoy na dahilan ay bigla itong naging lasenggero. Sa pang araw-araw na buhay ay laging makikita sa kanto, kasama ang mga kabarkadang nag iinuman. At nang maitanong ni Nanay ay kamintikan nang masaktan ni tatay na ito ang naging bunga ang pagsakit ng tiyan ni Nanay.

“Ernesto, ang tiyan ko masakit! Manganganak na ako!” Sigaw ni Nanay habang naiyak.

“Iyang bata na ‘yan! Iyang bata na iyan ang nagdala sa akin ng ganitong buhay! Kung hindi sa iyo at sa kanya, wala ako sa buhay na kinalalagyan ko ngayon!” Sigaw ni Tatay.

“Ngunit Ernesto heto at lalabas na! Tulungan mo ako!”

“Bahala kayo Imelda! Manganak ka diyan ng mag isa!” Sabay balibag sa pinto.

Mabuti na lamang at nakasilip si Aling Corazon upang maalalayan si Nanay.

“Imelda natuyuan ka na ng tubig! Mahiga ka muna at ako’y tatawag ng kumadrona sa bayan!” Pagmamalasakit na sabi ni Aling Corazon.

Nang makarating ang kumadrona ay walang patumpik na sinimulan ang pagpapa anak, hanggang sa ako ay nailuwal ni Nanay.

“Isang napaka lusog at gwapong lalaki Imelda. Isang biyaya bigay sa iyo.” At ako ay inabot ni Aling Corazon  kay Nanay.
“Papangalanan ko siyang Rich, Rich John.” At iyon ang simula ng aking unang paghinga sa makabago kong mundo.

Ngunit imbes na natuwa si tatay sa akin ay nagalit pa ito.

“Bakit nabuhay pa ‘yang bata na ‘yan?! Kamalasan lang ang dulot niyan! Ayaw na ayaw kong makita ang sanggol na iyan sa pamamahay ko!”

Masakit ito kung sa panahon na iyon ay may isip na ako at mararamdaman ko iyon. Ngunit isang sanggol pa lamang ako noon at walang muang sa lahat ng mga bagay. Tila na parang ako ang nagdala sa aking mga magulang ng pasakit na buhay.

Naikuwento sa akin ito ng aking Nanay noong ako ay apat na taon. Hindi ko alam kung bakit niya naikuwento ito ngunit ang sa aking isip ay baka gusto lamang na mailabas ni Nanay ang mga sakit na iyon sa akin na kahit alam niyang hindi ko pa ito maiintindihan. Ngunit sa paglaki ko ay mapapagtanto ko din at aking napagtanto nga ang kuwento na iyon.

Bata pa lamang ako ay araw-araw na akong nakakatamas ng hindi magang trato ng aking ama. Tatlong taon pa lamang ako noon ng naisabit ako ng aking Tatay sa puno ng mangga. Nakatali ang aking mga paa at patiwarik akong sinabit sa puno habang  pinagmumura sa harapan ng aking mukha .
“Putang ina mong bata ka! Hindi ka ba makaintindi na huwag mong pakikialaman ang mga gamit ko sa aparador! Malas ka! Kung hindi dahil sa iyo, hindi kami magiging ganito!” Pasigaw na sabi sa akin ni Tatay.
“Ernesto tama na! Walang kasalanan si Rich sa kung anong mayroon tayo. Nabuntis mo ako. Tanggapin na lamang natin”. Nagmamakaawang sabi ni Nanay.

“Hindi Imelda. Kaya pa sana kitang ipagtanggol kung hindi umusbong’yang bata na ‘yan sa sinapupunan mo. Dapat noong una pa lamang naisip ko na ipalaglag na lamang’yang walanghiyang bata na ‘yan!”
Biglang nasampal ni Nanay si Tatay.

“Ernesto anak mo siya! Maging tatay ka naman! Kasalanan nating dalawa ito at sa kung ginusto mo man o hindi ay nagbunga na! Inosenteng bata lamang si Rich para sisihin mo. Hindi pa niya alam ang buhay buhay....”

Hinawakan ni Tatay si Nanay sa leeg.

“At ikaw Imelda, hayaan mo ako kung ginaganito ko ang anak mo! Dahil sa batang ito, wala dapat tayo dito! Hindi tayo mapapalayas ni Mommy! Maganda sana ang ating buhay!” at binitiwang palayo ni Tatay si Nanay at sinimulan na akong paluin ng kawayan sa puwitan habang nakatiwarik.

Simula noon, puro pasakit na lamang ang laging bato sa akin ng aking tatay. Hindi ko alam noon bakit? Bakit ba galit na galit sa akin si tatay? Bakit? Sa hindi ko maisip na paraan. Araw-araw akong umiiyak dahil sa sakit na mga palo niya. Araw-araw kong naaamoy ang kanyang hininga na humahalimuyak  ng alak. Nagunit sa galit ng aking tatay ay siya namang kabaligtaran ng aking Nanay. Si Nanay lamang ang sandigan ko, sa tuwing ako ay may sugat gawa ng palo ng aking tatay ay ginagamot niya ito. Pagkatapos ay yayakapin at parating bigkas ay “ Huwag kang mag-alala anak. Hindi mo kasalanan ang lahat ng ito.” Si Nanay lamang ang nagpaparamdam ng pagmamahal ng isang magulang. Si Nanay ang laging pumupunas sa marumi kong mukha at puno lng luha. Siya ang kumikilos para sa akin sa mga araw na ako’y hindi makakilos gawa ng bugbog ng aking Tatay. Siya ang tumayong Ina at Ama para sa akin.

Limang taon na ako noon at mag-aaral na. Nakapaghanap si Nanay ng mapagkakakitaan para maitaguyod ang aking pag aaral. Sa kalahating araw na ginugugol niya ang sarili sa pagtatahi ng basahan at damit ay malaking tulong sa amin. At hindi nga lamang sa aming dalawa kundi pati sa tatay ko pagdating sa bisyo. Hindi makatanggi ang Nanay dahil baka ang Tatay ay manggulo pa sa tindahan kaya’t walang ibang paraan si Nanay kundi magbigay ng sapat.

Kindergaten ako, at sa paaralan ay lagi ako ang tahimik. Sinasali ako sa mga laro nila ngunit ako ay nahihiya. Ang tipid ko daw magsalita at kapag tatanungin lamang ng teacher ay saka lang ako magsasalita. Nakikita ko ang masasayang mukha nila na kinalaunan ay napapangiti na din ako. Sa pag uwian ko ay sinusundo ako ni Nanay bago siya tumungo sa tindahan. At ipinapakita ko ang tatak ng Star sa aking dalawang kamay, pati na din ang mga papel na may sulat na VG. Hindi ko alam ang ibig sabihin noon pero natutuwa ang Nanay kapag iyon ay nakikita.

“Ang talino ng anak ko! Masaya ba sa school?” Iyan ang laging tanong ni Nanay.

“Opo nay.” Matipid kong sagot.

Minsan naman may mga araw na napunta kami sa isang kaninan at bumibili ang Nanay ng pagkaing masarap. Dahil sa ako ay may pinapakitang papel na tinatawag na Test na ikinatutuwa ni Nanay kapag nakikita. Sa gannong paraan ko napapangiti si Nanay. Kaya’t habang nagkakaisip ako ng unti noon ay napapagtanto ko na ang VG ay very good, at kapag very good, natutuwa si Nanay. May spaghetti ako.

Kung ano ang tuwa ng Nanay ay siyang walang paki alam ang Tatay. Sa tuwing iiwanan ako sa bahay ay napang aabot kami ni Tatay. Pinapakita ko ang mga grade ko ngunit parang nakukulitan sa akin si Tatay. Nakasimangot. Isang araw nga na nasigawan niya ako at napalo pa.

“Eh ano yang papel na yan! Maibabalik ba niyan ang buhay ko?! Lumayas ka sa paningin ko at ano pa magawa sa iyong malas ka!” Sigaw sa akin ni Tatay at tinulak ako palayo.

Malas. Iyan ang tumatak sa aking isipan. Sa edad ko na ito ay hindi ko alam ano ang ibig sabihin ng malas at palaging naririnig ko yon kay Tatay. Isang araw naitanong ko iyon kay Nanay. Niyakap na lang ako at mahinang sabi niya sa akin “Anak, biyaya ka para sa akin. At sa kung anong paraan man ika’y tignan ng Tatay mo, para sa akin isa kang biyaya. Mahal na mahal kita Rich.” At naramdaman ko ang pagpatak ng luha ni Nanay. Hindi ko nalaman ang kahulugan noon. Pero bakit umiyak si nanay? Iyon ang tanong ko sa isip ko. Mukhang masama ata iyon. Akala ko noon ay mura iyon. Kaya hindi ko na lamang inalam.

Nakatapos na ako ng Kindergarten, ngunit dahil sa walang oras si Nanay dahil sa dami ng orders noong araw na iyon ay hindi siya nakadalo sa aking graduation. Sinabitan ako ng medal, 1st honor ako ayon sa nakalagay sa likod ng suot kong medal. Nang makauwi ay nandoon ang nanay, kakauwi lang din at nang makita ako ay mahigpit na yakap ang kanyang salubong.

“Anak ang galing galing mo! Natutuwa ako para sa iyo. At dahil diyan heto ang paborito mong spaghetti!” Masayang sabi ni nanay.

Ang saya noon ni nanay ngunit nang dumating si Tatay nag iba ang ihip ng hangin. Lasing na lasing ito. Ipinakita ni Nanay kay Tatay ang aking medal.

“Ernesto ang galing ng anak mo. 1st honor siya sa school? Hindi mo ba siya babatiin” Wika ni Nanay.

Kinuha ni Tatay ang medal. At tinanong si Nanay.

“Oh eh ano naman? Itong medal ginto ba ito? Maibebenta ba ito?” Tanong ni Tatay.

“Ernesto naman! Bakit ba ganyan ka na lang palagi? Bakit hindi mo ba maaapreciate ang anak mo?”

“Dahil malas ‘yan! Kung hindi ito naibebenta walang silbo ‘to” At binato sa akin ang medal. Tumama iyon sa aking ulo. Isang malakas na bato iyon na nagsanhi ng pagputok ng aking noo.

“RICH!” Lumapit sa akin si Nanay. Kumuha agad ng tuwalya at tinapal sa dumudugo kong noo.

“Ernesto hindi na tama! Ikaw ang hayop, ikaw ang walanghiya, ikaw ang malas!” Sigaw ni Nanay kay Tatay.

Sinampal ni Tatay ang Nanay ng malakas. Hindi na nanlaban ang Nanay kahit na mapapansin na nanginginig na ito.

“Kung heto lang ang dala ninyo sa akin puwes huwag na kayong magpakita. Lumayas kayo sa harapan ko.” Wika ni Tatay sabay tinuro ako.

“At ikaw, kailanman hindi kita maituturing kong anak! Malas ka. Oo Malas ka sa buhay ko! Tandaan mo ‘yan! Hindi na iyon magbabago! MALAS!” Dagdag niya.

Sa mukha at pananalita niya ay naramdaman ko ang galit niya. Wala ako magawa kundi umiyak. Bilang bata ay iyon na lamang ang magagawa ko. Umalis siya sa bahay. Naiwan kami ni Nanay sa loob.

“Anak tatawagin ko lang si Aling Corazon ng matulungan niya ako sa iyong sugat. Huwag mong tatanggalin ang tuwalya.”

Hindi magkandakumahog ang Nanay dahil sa taranta kung ano ang gagawin. Lumabas ng bahay at tinawag si Aling Corazon.

Napaka saklap ng buhay ko. Hindi ko alam bakit ganito ba ang napunta sa aking buhay? Hindi ba maaring kung ang ibang tao masuwerte pati kami din dapatay ganoon? Hindi ba puwedeng may buhay kami na laging sinasabi ni tatay na meron siya noon, na mayaman? Yaman ba ang sagot sa lahat para hindi ako mabugbog ni Tatay at hindi kami naghihirap nina Nanay? Pero paano? Saan at Kailan? At ang malaking tanong, magkakaroon pa nga ba ng ganoon?

Mga taon ang lumipas. At ganoon pa din ang buhay. Grade 2 na ako at nasana na ako sa sistema ng buhay. Ngunit ang pagpasok at pag uwi ay ako na lamang mag isa. Ang Nanay ay naging Full-time sa patahian habang ang tatay ay full-time din sa inuman. Sa araw-araw kong pagpasok ay may nadaanan akong isang malaking bahay. Napaganda nito sa aking paningin. Naglalakihan ang mga bintana at pinto, pati ang labas nito ay ma berde dahil sa mga tanim na mga halaman. Napansin ko din ang isang senaryo doon, isang batang lalaki at isang matang lalaki. Naglalaro sila, nagtatakbuhan at ang mahuli ay tatayain. Masaya sila na halos tawa na lang ang maririnig sa kanila. Tinatawag ng batang lalaki ang matandang lalaki ng “Daddy”. Doon ko naisip na mag-ama sila. Ang saya nila habang naghahabulan. Matapos ay may babaeng tumawag sa kanila.

“Anak! Daddy! Oh heto na ang mga bag ninyo. Nandyan na ang baon. Oh ingat kayo ha? Mahal na mahal ko kayo!” Wika ng babae.

“Sure mommy! I love you too! Halika na Daddy pasok na tayo!” Masiglang sabi ng bata.

Isa palang masayang pamilya ang nakatira sa magarang tahanan. Napayuko na lamang ako. Buti pa sila maganda ang bahay, maganda din ang samahan. Hindi tulad ko, nganga ang tatay na hindi tulad nung sa bata na nakakalaro niya ang Daddy niya. Pero ang inisip ko ay si Nanay. Kahit na ganoon ang buhay basta naiisip ko si nanay ay nawawala na. Tinuloy ko na ang aking paglalakad, gamit ang aking tsinelas na malapit nang mapigtas, at ang gusot at nangungutim kong uniporme. Malayo-layo pa ang lalakarin papunta ng paraalan.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng may sasakyang huminto sa gilid. Hindi ko alam ang aking gagawin. Nakaramdam lamang ako ng takot. Ang sabi kasi ng nanay ay mag ingat sa mga tao, lalo pa kung hindi kilala. Maari daw madakip ang mga nasa lebel ng aking edad.

“Tatakbo ba ako?” Sabi ko sa isipan.

Mabilis ako naglakad noon, hanggang sa may nagbukas ng bintana.

“Totoy!”

Kinabahan ako lalo. Dahil sa kaba ay napatakbo ako. Habang natakbo ay sinusundan ako ng sasakyan. Mas lalo pang bumilis ang aking takbo.  Ngunit isang pangyayari ang hindi ko makalimutan.

“TOTOY HUMINTO KA!” Sigaw ng Lalaki na nasa sasakyan na humahabol.

Napahinto ako, at isang humaharurot na truck ang dumaan. Humampas sa aking mukha ang malakas na hangin, patunay na malapit na ako sa truck na iyon. Napatayo lang ako at natulala. Bumaba ang lalaki at hinila ako pabalik. Nagulat na lamang ako nang makita ko siya.

“Mabuti na lang totoy at huminto ka, kundi nasagasaan ka ng truck na iyon.”

Siya yung lalaking nakita ko sa magarang bahay. Pero bakit niya ako sinusundan? Ano ang kailangan niya sa akin.

“Kaya kita hinintuan dahil sa nakita kitang naglalakad mag-isa papasok. Delikado ang maglakad ng mag-isa lalo na sa edad mo. Isasabay kita sa akin at ihahatid sa school mo.” Dagdag niya.

 “Sa. .salama. . mat p..po. . “ Nangangatog kong sagot.

“Oh huwag nang matakot. Halika at maihatid kita”.

Tumungo na kami sa sasakyan. Pagsakay ko ay kasama niya ang batang lalaki. Nakangiti siya nang aking madatnan. Ang ayos ng kanyang pananamit, maayos ang pagsuklay ng kanyang mga buhok, plastsado ang uniporme at makintab na parang bago ang kanyang sapatos. Para lamang kaming magkasing-edad sa kanyang ayos. Maputi ang balat, singkitin ang mga mata, at ang tingkad ng mga ngiti sa labi.

“Hello! Ako si Jam! Nice to meet you” Bati niya sa akin sabay abot ng kanyang kamay upang makipagkamay.

“Ako si Rich.” Tipid kong sabi at nakipag kamay ako.

Habang nasa byahe ay marami siyang mga tanong, ilan taon ako, san ako nakatira, nasaan ang mga magulang ko, pati yung mga ginagawa ko sa araw-araw ay tinatanong pa niya. Ang saya niyang tao, kada tingin ko mukha niya ay nakangiti, kasabay ding ka singkitan ng mga mata na halos napipikit na kapag siya ay mgumingiti. Mukang ang saya niya maging kaibigan. At sa tindig at itsura niya ay wala siyang tinanong na kung bakit ganito ang suot ko, o bakit ang dumi ko kaysa sa kanya, naatim pa niyang hawakan ang kamay ko. Noong nakipagkamay ako ang lambot at makinis ang kanyang palad. Talagang masasabi kong may kaya siya kumpara sa akin.

Nakarating na kami sa aking paaralan. Pababa na ako nang hinawakan ako ni Jam sa kamay.

“Rich heto para sa ‘yo oh? Sorry ah heto lang ang maibibigay ko. Heto lang kasi yung baon ko hehe.” Binigyan niya ako ng Lollipop.

“Ang layo pala ng nilalakad mo. Nakaka awa ka naman ang sipag mo. Oo nga pala, mamaya kung makakadaan ka sa bahay may ibibigay sana ako sa iyo. Sana makita kita mamaya ha?” Wika ng Daddy ni Jam.

Nang makababa ay tumungo na sila. Nakakatuwa ang mag ama na iyon. At nang makita ko ang hawak ko, isang lollipop na bigay sa akin ni Jam. Unang beses pa lang ako nabigyan ng ganoon ng isang bata na ka edad ko. Dali-dali kong binuksan ang lollipop at sinubo. Ang sarap! Dahil hindi ordinaryong lollipop na tig pipiso lamang yun sa aking pagkaka alam. Ang bait nila na napansin nila ako at isinabay, at sa pagkaka akala ko noon ay magiging masama ang pag sabay ko sa kanila. At siguro kung hindi nila ako tinawag ay nabunggo na din ako ng truck. Mabuti na lamang dahil kung nangyari yun, maaawa ako kay Nanay. Ayaw ko iwanan siya.

Habang papasok ng paaralan ay napaisip ako. “may ibibigay? Ano kaya ‘yun? Lollipop ba kaya ulit?” Hindi ko alam kung ano ba iyon. Pero parang nagagalak lang ako pumunta sa kanila.

Bakit ganoon? Sa nga hindi inaasahang mga pangyayari, sa araw-araw na lungkot ng buhay ko ay parang magiging masaya dahil sa kanila, lalo na si Jam. Para bang kapag nakikita ko yung masayang mukha niya ay parang ang saya niya maging kaibigan. Kaso maaari kaya na maging kaibigan ko siya dahil sa magkalayo ang estado ng buhay namin. Sana maging kaibigan ko siya. Sana...

6 comments:

  1. ang ganda ng panimula eric. hehhe


    batang npa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat po~! Keep on reviewing lang po ^_^

      Delete
  2. nakapangigigil na ama sya, buti na lng at may ina na nagtatanggol at nagtataguyod kay rich. nice start eric! keep it up!.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahehe Salamat po~! Keep reading lang po mga kuya ^_^

      Delete
  3. magsisimula plng ako mag basa brad..marathon ko to mmya..sna every week may update ha..lol

    ReplyDelete