NOTE FROM THE AUTHOR: Ang chapter na ito ay
iikot pa din sa ating bida na si Jam. Patuloy nating subaybayan ang kanyang
unang pag-ibig sa kanyang matalik na kaibigan, si Rich. Muli maraming salamat
po sa mga magagandang reviews. Sa inyo lang po kaming mga Writers humuhugot ng
lakas at inspirasyon upang magpatuloy sa pagsusulat. Subaybayan na natin ang
kuwentong pag-ibig ni Jam.
The Side of
Jam
Ilang buwan
ang lumipas at magsisimula na din ang klase. Sa ilan buwan na iyon ay tanging
si Kyle lang ang madalas kong kasama. Nakakapagtampo lang si Rich dahil minsan
lang siya sumipot sa amimg mga lakad , at kung minsan ay sinasabi niya na
tutuloy siya pero nganga kami ni Kyle sa huli. Napapaisip ako kung bakit.
Mayroon na ba siya na bagong mga barkada bukod sa amin, o siguro dahil sa
pag-amin ko na may pagmamahal ako sa kanya ay umiiwas siya? Simula noong gabi
na ipinagtapat ko sa kanya ang aking nararamdaman, napapansin ko ang hindi
pagsama niya sa amin ni Kyle. Kung nagulat lang siya sa kanyang nalaman, alam
ko na hindi aabot sa ganito ang sistema. Parang kasalanan ko pa na nangyari iyon.
Kung tumahimik na lamang ako at hindi ko na lang sinabi ang totoo, siguro
hanggang sa mga panahon na ito ay masaya kaming magkakasama. Pero huli na, heto
na. Dapat kong kaharapin ang bunga ng aking ginawa. Pilit kong tinatanggap sa
aking sarili na wala na talagang pag-asa sa kanya. Paano ba naman magkakaroon
ng ganoon sa amin, lalake siya at lalake din ako. Hindi kami maaaring maging
kami. Babae ang kanyang hanap hindi kapwa lalake. Nakakapnlumo, nakakalungkot
at may galit sa sarili sapagkat hindi ko ninais na maging ganito ngunit ito ang
aking nararamdaman, ito ang bugso ng aking damdamin, ito ang totoong sambit ng
aking puso. Hindi ko pa din maiwasang malungkot. Sa tulong ni Kyle ay naiibsan
ko sang kalungkutan na iyon. Siya ang aking naging takbuhan kung mayroon akong
nararamdamang kirot sa aking puso, mga tanong patungkol sa aking tunay na
pagkatao pati na din sa mga lakad ay hindi niya ako tinatanggihan. Naging
parang kapatid na ang turing ko sa kanya, nadama ko ang kakaibang bahagi ng
kanyang pagkatao. Mula noong hindi namin nakakasama si Rich ay sa amin umiikot
ang mundo.
Araw na ng
unang klase. Tulad ng dati ay mabusisi naming hinahanap ang aming section
ngunit hindi na kami hirap pa sa paghahanap sapagkat marami na ang nakakakilala
sa amin. Kadalasan ay puro babae ang lumalapit sa akin upang tanungin at ituro
kung saan ang aming magiging room.
“Grabe ang power ng pa-mensung mo ha Jam. Hindi nila knows na same lang
din tayo ng taste.” Pang-asar ni Kyle.
“Ang hilig mo talaga mang-asar.” Singhal ko.
“Ay sorry naman akala ko bebenta sa iyo.” Tugon niya. “Teka, nasaan na
kaya si Rich? Gusto kong sakalin ‘yung bruha na iyon.” Dagdag niya.
Maya-maya
lamang ay may napansin kami ni Kyle. Sa paningin namin ay bago lang siyang
estudyante sa campus. Maganda ito, makinis ang balat, maganda ang pagkakabagsak
ng kanyang buhok, ang mga ngiti ng labi ay kayang pumukaw ng mga lalake, at sa
tindig nito ay maaaring mapabilang sa isa sa mga kandidato ng Campus Idol na
gaganapin sa kalagitnaan ng taon. Napatitig ako sa kanya.
“Aba-aba! Sino naman ‘yang gurlash
na itey?” Hirit ni Kyle. Nagkatitigan kaming dalawa.
“Anong sabi ng ganda mo ngayon Kyle? Mukhang may magtataob na ng iyong
kagandahan.” Pangisi kong tusong. Inirapan niya ako ng mata sabay ang
pagtalikod.
“Halika na nga at magsisimula na ako mag-make up! Takot naman ako sa
beauty niya. Lamang ‘yan ng kalahating paligo sa akin.” Daldal ni Kyle habang papalayo.
Nakatitig pa
din ako sa kanya nang maya-maya lamang ay may lumapit sa kanyang lalaki. Mas
lalo ko pa silang tinitigan. Para akong nanonood ng isang teen romance na
pelikula. Ang eksena ay nasa corridor ng campus, maraming tao ang nagdadaan,parang
mayroon silang sariling mundo. Hinawakan ni lalake ang kamay ni babae sabay
halik sa kaliwang pisngi nito. Dahan-dahan namang niyakap ni Babae si lalake. Hindi
alintana sa kanila ang ibang mga estudyante na nakakapuna na sa ginagawa nila.
Lalo pa naging mas romantic ang eksena, inabutan niya ng tatlong red roses ang
babae. Hindi napigilan ang kilig ng babae sa ginawa ng lalake. Tinanggap niya
ito at niyakap muli si Lalake, mas mahigpit at mas madadama ang saya sa
pagkakayakap ng baabe sa lalake. Nagtagpo ang kanilang mga mata, narinig ko ang
palitan ng kanilang dayalogo.
“Mahal na mahal kita.” Tugon ng
lalake sa babae habang nakatitig siya kay babae.
“Mahal na mahal din kita.”
Kinikilig na sagot ni Babae.
Tumalikod
ako, nakita ko si Kyle sa aking likod. Sapo niya ang bibig at nanlalaki ang
kanyang mga mata. Mukhang nasaksihan din niya ang eksena na iyon. Tumingin siya
sa akin ngunit ganoon pa din ang mga mata niya sa akin, nanlalaki.
“Sampalin mo nga ako Jam! Totoo
ba ‘yung nakita ko?” Gulat pa din si Kyle. Yumuko ako.
“Kyle halika na, tumungo na lang
tayo sa room.” Hinila ko si Kyle. Tinungo na namin ang daan papunta sa aming
room.
Hindi ko
kinaya ang aking nakita. May girlfriend na pala si Rich. Hindi ko alam pero
masakit talaga sa akin ang makita sila sa ganoong eksena. Gusto kong pigilan
ang nararamdaman kong sakit subalit hindi na kaya ng aking emosyon. Tinungo ko
ang banyo, doon ko inilabas ang aking luha na tila nauudlot na umagos sa aking
mukha. Ramdam ko na sumunod sa akin si Kyle.
“Oh akala ko ba sa room tayo
pupunta? So dito pala ang room natin. May isang malaking salamin at apat na
cubicles na umaalingasaw sa pagkapanghe.” Tumigil siya nang luymingon sa akin.
“Umiiyak ka?” Dagdag niya.
“Hindi ko alam Kyle pero bakit
may kirot sa puso ko? Pilit ko naman tinatanggap sa sarili ko na wala akong
dapat asahan sa kanya. Dapat tanggap ko din ang pagkakaroon niya ng
girlfriend.” Mahinang tugon ko sa kanya. Bumabagtas pa din ang aking luha.
“Pero ang totoo niyan Jam hindi
mo tanggap ng buo. Grabe ka sa lagay na ‘yan hindi pa kayo nung tao, how much
more kaya kung....”
“Kyle please, ayaw kong isipin na magiging kami. Kailangan kong tanggapin
ang lahat. Hindi maaaring maging kami ni Rich. Hindi na dapat ako umasa.”
Hinawakan niya ang likod ko. Tumingin ako sa kanya. “Sige ilabas mo lang
‘yan.” Huminga siya ng malalim. “Mahal mo talaga siya ano?” Dagdag niya.
“Hindi ko alam Kyle. Pinipilit kong mawala ‘yung pagmamahal ko sa kanya
pero bakit ganoon?” tugon ko sa kanya.
“Kasi friend hindi mo dapat pinipilit, tinatanggap iyan ng bukal sa loob
mo.”
“Paano? Hindi ko alam kung saan ako magsisimula?”
“Ayan kasi ang mahirap sa nagmamahal, kahit hindi panagiging kayo ay may
sakit na agad na mararamdaman.” Singhal niya. “Oh ilang galon ba ang pupunuin
mo ng luha diyan? Tamang-tama walang laman ‘tong container. Pupunuin mo ba o
titigil ka na diyan dahil malapit na mag-start ang class natin.” Dagdag niya.
Pinunasan ko
ang aking luha, huminga ako ng malalim. Hindi dapat ako umarte ng ganito sapagkat
wala akong mairarason kung bakit dapat ako umiyak. Hindi naman kami ni Rich
para magmukmok, ni hindi naman talaga kahit kailan. Hindi rason na dahil sa
pagkakaibigan namin kaya ako ganito, baka sabin niya na mababaw ako. Ganito ba
talaga ang nagmamahal? Kahit hindi kayo ng tao ay umaarte na parang may
relasyon? Inayos ko ang sarili ko. Hindi puwede ang ganito.Wala kaming relasyon
ni Rich kaya hindi dapat ako nagpapa-apekto. Dapat kong tanggapin na kailanman
ay hindi na niya papansinin pa ang aking pagmamahal. Tama si Kyle, dapat
matanggap ko iyon ng bukal sa aking kalooban.
Tinungo na
namin ang room, naroon na ang lahat ng mga kaklase namin. Sila-sila pa rin
naman ang naging kaklase ko kaya wala ng bago sa akin, bukod sa girlfriend ni
Rich. Nagsimula na din ang klase at kagaya
ng dati ay isa-isa kami nagpapakilala sa harapan. Nauna tawagin si Kyle,
sumunod ako, at mga ilang minuto ng pagtatawag ay ang girlfriend na ni Rich ang
tinawag.
“Good moning everybody. . .”
Panimula niya.
“Walang good sa morning kung
ikaw ang nasa unahan.” Bulong sa akin ni Kyle na insecure dahil sa ganda ng
babae.
“My name is Thea Cortez, 15
years old from Ermita Manila. “ Pagpapatuloy ng babae.
Thea Cortez,
iyon pala ang kanyang pangalan. Pinagmamasdan ko siya sa kanyang kinatatayuan.
Hindi nga malayo na mahulog si Rich sa kanya, may natural itong ganda, simple
at kung mapapansin ay ni-isang palamuti sa katawanay wala itong suot, maliban
na lang sa kanyang mga hikaw. Natural ang panlabas niyang kagandahan.
Sumunod
naman tinawag si Rich. Naghiyawan ang lahat na para bang may nanalo sa lotto.
Tumingin siya sa amin. Nginitian ko na lang siya habang si Kyle ay ibinaling
ang tingin niya sa ibang direksyon. May
tampo pa din si Kyle sa kanya sa hindi pagsipot sa aming mga lakad. Ibinaling
ni Kyle ang tingin niya sa akin at bumulong.
“teh, ‘wag kang plastikada.
Kanina iiyak-iyak ang beauty mo tapos ngayon ngingiti-ngiti ka dyan. Galing mo
din magpakitang tao.”
“Gusto ko kasi makita niya ako
na okay lang ako Kyle. Baka sa ganitong paraan makabawi ako sa kanya, na kahit
may Thea siya ay hindi dapat ako nagpapa-apekto.” Napagtanto ko. Baka sa
ganoong paraan ay matatanggap ko na ng buo ang lahat. Gusto ko ipakita kay Rich
na hindi iyon sagabal sa akin, na tanggap ko ang lahat .
“Naku friend tanggapin mo muna
sa sarili mo na waley na, wasang na para
madali sa iyo ang gagawin mo.” Hirit ni Kyle.
“Basta, alam ko mahirap pero
kakayanin ko.”
“Ba’t hindi ka din kasi mag
jowa?”
“Eh, kung ikaw ba puwede?”
“Ayy kaloka! Taluhin ba ang
ka-uri? Sayang puwede sana noon pero noong malaman ko na we have the same blood
nawala na. And besides I have a new crush kaya nganga ka na lang diyan.”
“Kyle, are you listening here?
May nagpapakilala sa harapan.” Si Ma’am.
“Naku ma’am sino ba ‘yan?”
Tumingin sa harapan. “Ay ma’am no need ko na ma knows si Rich. Kilala ko na ng
buo ‘yan, pati color ng brief niya ngayon knows ko din. May color coding kaya
‘yan.” Pabiro ni Kyle. Tumawa ang lahat ng klase pati si Ma’am. Kilala na kasi
si Kyle sa ganoong pagkatao niya, palabiro.
“Kahit naman ‘yang si Kyle ma’am
kabisado ko mula ulo hanggang paa niya.” Tugon n i Rich.
“Oh siya, pakilala ka na.
Pa-impress ka sa girlfriend mo.” Wika ni Kyle at ngimiti ito. Alam kong peke
din ang pagkakangiti niya.
Nagsimula
ang ikot ng buhay namin bilang mga estudyante. Unang araw pa lang ay
sandamakmak na school works na agad ang ibinigay sa amin. Matuto na daw kami
dahil pagdating ng Kolehiyo ay mas mabibigat na mga aralin pa ang ibibigay sa amin.
Nagtulungan kami ni Kyle upang tapusin ang mga iyon. Hindi na tulad ng dati na
tatlo kami nina Rich ang nagtutulungan. Ngayon ay dalawa na lang kami ni Kyle.
Mas binibigyan niya ng pansin ang kanyang girlfriend kaysa sa amin. Ganoon ba
talaga ang tao na kapag may karelasyon ng iba ay maisasantabi na nila ang
kanilang mga kaibigan? Nakakapagtampo, kahit kay Kyle ay ramdam ko sa kanya
iyon. Ngunit ano pa ba ang magagwa namin?
Natapos na
ang unang araw ng klase namin. Sabay kami ni Kyle palabas ng fate nang may
kumalabit sa aking likuran. Napalingon ako. Isang ngiti ang salubong niya sa
akin. Si Rich pala iyon.
“Oh guys kamusta kayo?”
Nakangiting bati niya.
“Grabe ngayon ka lang naka-alala
ha Rich? Isang buong araw na halos tayo magkakasama kanina, ni lumapit ka man
lang sa amin ay wala, nganga.” Si Kyle, ramdam ko ang kanyang pagtatampo.
“Sorry na.” Yumuko si Rich. “
Pasensya na sa mga inaasal ko sa inyong dalawa. Sorry kong hindi ko sinabi sa
inyo ang rason bakit hindi ko magawang sumipot sa mga lakad natin at kung hindi
ko nasasagot ang texts at tawag ninyo.” Dagdag pa niya.
Huminga ng
malalim si Kyle, pumikit ito at muling dumilat.
“Sige Rich apology accepted.
Hindi din naman kita matitiis. Pero Rich sana nagsasabi ka. Okay naman sa amin
ni Rich na sumama ka sa iba or sa girlfriend mo hindi ‘yung iiwanan mo na lang
kami sa ere.” Paliwanag ni Kyle.
“Sorry talaga, hindi ko kayo
naisip.”
“Oh siya heto.” Inilahad ni Kyle
ang kanyang kamay ngunit iba ang ginawa ng Rich. Niyakap niya kaming dalawa ng
sabay. Natutuwa ito. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan, amoy na amoy ko ang
halimuyak ng kanyang pagkalalaki. Lumakas ang pintig ng aking puso. Napapikit na
lang ako, pinipilit na huwag akong makaramdam ng kakaiba. Buti na lang at
sandali lamang iyon, bumitiw na siya sa kanyang pagkakyakap.
“Basta Rich ah? Heto naman kami
para sa iyo eh kahit na may girlfriend ka na or ibang barkada.” Nakangiting
wika ni Kyle.
“Maraming salamat. Tunay nga
kayong mga kaibigan.” Tugon ni Rich.
“Ikaw lang naman ito ang hindi
sumasama.” Matipid kong sambit. Tumingin siya sa akin at yumuko.
“Sorry talaga Jam.”
“Ayos lang iyon.” Ngumiti ako sa
kanya. Muli siyang napatitig. Napako ang aming mga mata sa isa’t isa. Hindi ko
na kaya ang kabog ng aking dibdib. Mabuti na lang at naibaling ko ang aking
mata sa ibang direksyon.
“Oh siya mauuna na ako ah? Nag-aantay
pa sa akin si Thea sa shed. Ingat kayo ah? Next time babawi ako.” Wika ni Rich.
Tumungo na siya papunta sa shed upang tagpuin si Thea habang nakatayo pa din
kami ni Kyle sa gilid. Tahimik lang ako.
“Oh Rich natameme ka diyan?”
Humirit si Kyle. “Pansin ko napako ang tingin niyo sa isa’t isa ah?” Dagdag
niya.
“Hayaan mo na nga. Halika na at
umuwi.” Iniba ko ang usapan, baka humaba pa ang kuwenuhan namin.
“Ay teh may naisip ako.” Nakangiti
siya. “Pasyal naman tayo sa Luneta.”
“3pm na Kyle.”
“Gora lang! Nood tayo ng sunset
view!”
“Sunset view nga ba?” Pangising
tanong ko.
“Eto naman! Understood na ‘yun
pero manonood din talaga tayo ng sunset!” Nagtawanan kaming dalawa.
Hindi ko
matiis ang kaibigan ko kaya bago umuwi ay nagawi na muna kami sa luneta. Nanood
kami ng sunset view sa gilid ng manila ocean park. Doon kasi ang magandang spot
para masaksihan ang paglubog ng araw. Nag-enjoy kami. Mabuti pa itong si Kyle
halos araw-araw ay kasa-kasama ko. Pero mas masaya sana kung pati si Rich ay
kasama din. Nakakamiss din siya. Pero ano pa nga ba ang magagwa namin? Mayroon na
siyang pinagkakaabalahan. Habang nanonood ng sunset ay napapaisip ako sa mga
bagay na hindi ko na dapat pang isipin. Puro si Rich na lang ang tumatakbo sa
aking balintataw. Ano ka ba Jam sabi na
ngang wala na, may girlfriend na. Pero napagtanto ko, bakit ang bilis yata ng
pangyayari. Mula noong nagtapat ako ng pagmamahal ko sa kanya ay ganito na agad
ang eksena? Makaraan lang ng dalawang buwan na bakasyon ay maryoon na siyang
girlfriend? Kung sa bagay ay hindi na ako magtataka pa dahil sa kaguwapuhang
taglay ni Rich. Baka iyon din ang paraan
niya upang mapatunayan niya sa akin na imposible ang ninananis kong
pagmamahal sa kanya. Basta, marami pa ding mga nag po-pop out sa aking balintataw.
Hanggang sa natapos na ang lahat at nakauwi na kami sa aming tahanan.
Lumipas ang
mga ilang buwan at patuloy pa rin ang aming buhay bilang estudyante. Nakakabawi
na din sa amin si Rich ngunit kapag lumalabas kami ay lagi niyang kasama si
Thea. Mas nakilala ko pa si Thea ng lubusan. Anak siya ng isang manager ng sikat
din na restaurant tulad ni Mommy ngunit pang umaga ang pasok nito kumpara kay Mommy na laging
graveyard shift. Bago pa man daw nila natamasa ang kaunlaran ay nanggaling din
sila sa salat na pamumuhay. Ngunit dahil sa awa ng Maykapal at sa buong tiyaga
ng kanyang mga magulang ay nagbunga ito ng unti-unting pagsagana ng kanilang
buhay, hanggang sa naabot na din nila ang buhay na kanilang inaasam. Mabait at
madaling pakitunguhan si Thea. Minsan ko siyang tinanong kung mahal ba niya si
Rich. Mahal na mahal daw niya ito na parang ayaw na niya itong biwatan pa. Kung
may ano pa ring kirot sa aking damdamin noong marinig ko iyon. Oo tanggap ko na
wala na talaga akong pag-asa kay Rich pero parang naipapamukha pa nila sa akin
iyon sa pamamagitan ng matatamis nilang ginagawa kapag kasama kami. Kung minsan
pa nga ay si Thea pa ang naglalambing kay Rich. Suwerte niya sa kanyang
kasintahan. Nanawa na din ako sa mga nakikita ko sa kanila kaya itinuon ko na
lang ang aking sarili sa pag-aaral ng maigi. Panay ang pagsali ko sa mga contest,
mapa-kung saan man ang mayroong patimpalak ay nagkukusang-loob akong lumalapit
sa aming administrator upang mag register. Hindi ako nabibigo sa pagsali sa mga
patimpalak sapagkat nakakakuha ako ng mga medalya at tropeyo. Mula noon ay
nakilala na din ako sa aming campus. Mga ilang buwan pa muli ang lumipas ay
nakakausad na muli ako. Nawala na ng tuluyan ang pagtingin ko kay Rich. Mas pinagtuunan
ko ng pansin ang pag-aaral. Naisip ko kasi na mas may mapapala pa ako kung
paghuhusayan ko ang aking pag-aaral kaysa sa tumanga sa taong hindi naman ako
mamahalin. Natuwa sa akin si Kyle dahil nakikita niya ang katatagan ko.
Dumaan muli
ang maraming buwan. Malapit na kami magtapos ng highschool. Nagyon ay abala
kami ni Kyle sa paghahanap ng Unibersidad na maaari namin pasukan sa unang
semestre. Kumuha kami ng mga entance exams. Masuwerte kami at naipasa namin ang
lahat ng iyon. Plano ni Kyle na kumuha ng Bachelor of Arts in Mass Communication
Major in Broadcasting at ako naman ay Bachelor of Science in Hotel and
Restaurant Management. Inimbitahan namin si Rich upang sumama noon ngunit
nakakuha na pala sila ng resulta ng kanilang exams sa mga unibesidad na pinagkuhaan
din namin ng pagsusulit. Naging mas abala pa kami sa mga gawain sa paaralan,
lalo pa at nagsisimula na kami magsanay para sa aming graduation program. Tulung-tulong
ang lahat sa preparasyon at paghahanda din ng mga persentasyon sa dadating na
programa na iyon. May iba na nalulungot, ang iba naman ay may ngiti. Halo naman
ang nararamdaman ko. Oo masaya dahil matapos ng lahat ng ito sa highschool ay
makakatungtong na din ng Kolehiyo upang magpatuloy, malapit ko na din
maisakatuparan ang aking mga pangarap. Hanggang sa dumating na ang araw na
pinaka-aantay namin, ang graduation.
Bago pa
magsimula ang programa ay napapansin ko ang dalawang magkasintahan, si Rich si
Thea na hindi nagkikibuan. Magkatabi ngunit naghahari sa kanila ang
katahimikan. Bakit kaya ganoon? Napansin ko din sa tabi ko si Kyle na umiiyak
na gayong wala pa naman sa kalagitnaan ang programa.
“Ang OA mo naman. Wala pa nga
tayo sa graduation song natin kung maka iyak ka wagas.” Natatawa kong tugon sa
kanya. Ang OA talaga ni Kyle kahit kailan.
“Eh bakit? Masama ba maging
emosyonal?” Tumingin siya sa harapan na kung saan nakaupo si Steven.
“Ahh. Si Steven ang iniiyakan mo ano? Kung
maka-iyak naman ‘to parang hindi na kayo muling magkikita pa.”
“Mamimiss ko siya eh. ‘Yung mga
pa-sweet na message niya sa akin sa facebook, ‘yung mga lambing niya sa akin kapag
nasa school tayo, ‘tas yung mga yakap niya sa akin.” Malungkot na sambit niya.
“Ha ha ha! Natawa naman ako sa
iyo. Mga paglalambing lang naman niya iyon sa iyo. Kung maka-iyak ka naman
grabe parang syota ka niya na hiniwalayan ka.”
“Eh ano naman sa iyo?” Mataray
ang pagkakasambit niya. “Eh kasi.... kasi....”
“Nahuhulog ka na?” Tanong ko.
“Oo Jam.” Tumulo muli ang luha
nito. “Pero hindi ko masabi sa kanya. Baka kasi tulad din ng iyo, indi din niya
matanggap.” Dagdag niya.
Niyakap ko
siya. Gusto kong mapakalma ang aking kaibigan.
“Ok lang yan Kyle. Ako nga hindi
ko din nakuha ang taong nais ko. Ngayon ikaw naman ang tutulungan ko.” Ngumiti
ako sa kanya.
“Ikaw talaga Jam.” Tinanggal
niya ang aking pagkakayakap. “Sayang ka talaga. Sana hindi ka na lang naging
bading.” Dagdag niya.
“Naku Kyle, Smile lang. Sige ka
sayang make up mo.”
“Ay oo naku alas tres pa lang
pinaghandaan ko na ito. Ayoko masayang ang ganda ko. Tatalbugan ko ang
kagandahan ni Thea ngayon noh? Waley ang fesluk niya sa akin” Pabiro niya ito.
Nagtuloy-tuloy
pa ang aming usapan hanggang sa nagtatawag na ng mga honors. Sa awa ng
Maykapal, ako ang Valedictorian. Kung dati naman ay laging 3rd honor
lang si Kyle, ngayon ay nasingkit niya ang pagiging Salutatorian. At ang 1st
honor, si Rich. Nagulat kami dahil kada taon ay laging pumapangalawa si Rich sa
ranking habang pangatlo naman si Kyle. Labis na ikinatuwa ni Kyle ang kanyang
natamasa ngunit nagtataka ako kay Rich. Napansin ko sa kanya na may lungkot sa
kanyang mga mata, ganoon din si Thea. Mukhang hindi maayos ang dalawa.
Nagpatuloy
pa din ang programa. Inilahad ko ang aking Valedictory address, sumunod si Kyle
upang ilahad ang kanyang salutatory address. Hinaluan niya ito ng biro para daw
mawala ang aming lungkot na naghahari sa programa subalit hindi pa nagsisimula
ang kanyang speech ay todo na ang pag-iyak nito. Sa huli ay nagawa niya ng
maayos ang paglalahad ng kanyang speech. Hanggang sa natapos na din ang
programa. Maraming naluha sa pagtatapos, marami din ang may ngiti sa kanilang
mukha. May mga eksenang yakapan at ang iba naman ay nagpakuha ng kanilang mga
litrato kasama ang iba naming mga kaklase. Hindi nagpahuli si Kyle, nilapitan
niya si Steven. Hindi ko na sila nilapitan ngunit nasaksihan ko ang
pagyayakapan ng dalawa. Ang haba ng buhok ng bestfriend ko at mukhang hmmm. . .
Bahala na basta ang importante masaya ang bestfriend ko. Sa kanang bahagi ay nilapitan
ko si Rich, nag-iisa lamang ito. Tinapik ko siya. Lumingon naman ito agad.
“Bestfriend, congrats.” Inilahad
ko ang kamay ko. Hindi niya iyon inabot. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Niyakap
niya ako. Mas mahigpit, mas may dating. Sumapo ang kanyang ulo sa aking balikat.
Nakaramdam ako ng mabilis na pagpintig ng aking puso, ngunit hindi na tulad ng
dati na nanlalambot ako. Natanggap ko na kasi na wala na talaga ako pag-asa sa
kanya. Hindi na din ako apektado sa kung anong mayroon sila ni Thea. Tulad ng
sabi ko, matatag na ako. Humikbi ito.
“I’m so sorry Jam.” Mahina
niyang tugon sa akin.
“Para saan?” Nagtataka kong
tanong.
Pinunasan
niya ang kanyang luha at tumakbo papalayo. Nais ko sana siyang sundan ngunit
hinila ako ni Kyle. Mukhang masaya ang bruha at parang may balitang ihahatid sa akin.
“Kinikilig ako! Hindi ko kaya
Jam! Maiihi ata ako sa panty ko!” Wika niya habang pumapadyak sa saya.
“Oh eh bakit?” Nakangiti kong
tanong.
“Doon din siya mag-aaral sa
papasukan natin! Gravacious delicious nakakalurkey evah ang beauty ng bestfriend
mo!” Hindi pa din siya tumitigil sa kakatalon.
“Oh eh ano ngayon?” Seryoso kong
tanong ngunit pabiro ang dating para sa akin.
“Ang KJ mo! Purke’t wala lang
kasing magpapakilig sa ‘yo kung makareact ka parang galit sa mundo.” Mataray na
sambit niya. “Pero bestfriend aminin mo masaya ka sa akin ‘di ba?” Biglang
napalitan ng kagalakan ang mataray na pagkatao niya. Iba din itong si Kyle.
Masayang
nagsiuwian ang lahat. Ang sarap sa pakiramdam ang makapagtapos muli. Ngayon ay
haharapin ko na ang buhay sa kolehiyo. Mas pagsisikapan ko pa ang pag-aaral
dahil dito nakasalalay ang magiging takbo ng aking kinabukasan. Masaya akong
sinalubong ni Mommy at Daddy sa aking kinatatayuan. May mga luha na nag-uunahan
sa kanilang mga pisngi. Ramdam ko ang kanilang saya.
“Congratulations anak! You made
us really proud of you!” Si Mommy habang nakayakap sa akin.
“Isang magandang sukli para sa
aming paghihirap ang natamasa mo ngayon Jam. Thank you anak! We really love you
so much! Hindi mo talaga kami binibigo ng Mommy mo.” Si daddy habang nakatingin
sa amin ni Mommy na nagyayakapan.
Bilang anak
ay dapat kong suklian ang kanilang paghihirap sa pamamagitan ng pag-aaral ng
mabuti, at ito na ang bunga ng lahat. Para sa kanila, isang napakahalaga na makita nila ang kanilang anak
na makapagtapos sa pag-aaral, at ito lamang ang ating magandang paraan para
mapalitan ang kanilang paghihirap sa atin. Ramdam ko na unti-unti ko na din nasusuklian
ang paghihirap na iyon.
Ngunit sa
kasiyahan na iyon ay hindi ko maiwasang isipin ang eksena namin ni Rich kanina.
Umiiyak siya kanina at ramdam ko na mayroon siyang pinagdadaanan. Hinanap ko si
Thea ngunit hindi ko na din siya nakita pa. May problema kaya silang dalawa? Bakit
ganoon na lang ang pagkakayakap sa akin ni Rich. Kakaiba ang kanyang yakap
kanina. May diin, may lakas. Naglapat ang aming katawan at naramdaman ko ang
nakaumbok sa kanyang pang-ibaba. Hindi lang ako nagpahalata ngunit pinipigilan
ko ang aking sarili. Gusto ko maging matatag pero bilang matalik na kaibigan ay
nais kong malaman kung ano ang kanyang dinadala at nais ko siyang tulungan.
Bestfriend ko pa din siya at kababata ko. Hindi ko siya dapat pabayaan.
Pagka-uwi ko
ay tinext ko siya. Hindi nag-rereply ito. Minabuti kong tumawag sa kanya.
Sinagot naman niya kaagad ang tawag ko.
“Hello Rich.” Pambingad ko.
“Jam?” Sagot niya. Narinig ko
ang pagkahikbi nito.
“May problema ba?” Tanong ko.
“Jam I’m so sorry.” Patuloy pa
din ang kanyang paghikbi.
“Hindi kita maintindihan Rich.
Para saan ba ‘yung sorry mo?”
Isang
rebelasyon muli ang nalaman ko nayumanig sa akin. Hindi ko mapigilan ang
magulat at umiyak. Nagunit para saan pa ba ang pag-iyak ko gayong tinanggap ko na
sa sarili ko na huwag na umasa. Para akong hinila pabalik. Ano ang aking
gagawn? Ngayon ako mas naguguluhan sa kanya. Totoo ba talaga ang aking narinig?
Diyos ko tulungan ninyo ako.
Maganda yung chapter 7 sobra! Chapter 8 na sana HAHA. Keep up the good work Eric :)
ReplyDeletepost na agad agad eric ang chap 8.. hahhaa
ReplyDeleteMalaki ang improvement mo s pgsusulat o pglalahad ng kweto. Konti-konti n lng ang mga typographical errors. Pggamit ng "noong" ang "ng". Ngkakamali k pa rin sa pangalan ni Rich at ni Jam. Pwede k ng mkipgsabayan sa mga datihan na sa pgsusulat. Nasasakyan ko ang damdamin ni Jam dhil dumating din ako mnsan na naramdaman ko ung kirot ng puso nya nung mnsan ay mkta ko ng hndi inaasahan ang mahal ko at ang mganda nyang gf. Ipinakilala pa nya ako na ngdulot sa akin na pra bang may tumutusok sa puso ko ng 1 libong karayom. Ni hndi mo maihakbang ang sarili mo pra lumakad. Ang sakit tlga s mga katulad nmin na mgmahal ng sobra na wla nman kming krapatan. Kung mauunawaan lamang sna kmi sa aming pgmamahal, na inspirasyon ng maituturing pra sa amin ang kmi ay unawain sa aming pgmamahal at bigyan din ng pgpapahalaga, sana wlang katulad ko ang ngdurusa at sinisisi ang sarili kung bakit pa nagmahal gayong hndi nman jowa ang hanap namin! ! lang nman ang wish ng ktulad ko! Isang tunay na pgmamahal na wlang label! Bakit ba napakahirap abutin yun?
ReplyDelete