Followers

Saturday, October 25, 2014

You're Really The One (Chapter 14)


The Side of Rich
                Sa buhay may mga pagkakataong may ginawa tayo ngunit sa hindi kalaunan pagdating ng ilang araw ay hindi na natin ito matanto sa isip. May mga pangyayaring hindi natin maaalala ngunit kinalaunan naman ay babalik muli. Ngunit paano kaya kung ang buong alaala mo ay nawala? Sa anong paraan kaya maipaiisip sa iyo ang importansya ng mga taong nakapaligid sa iyo? Kahit hindi mo na sila nakikilala, sa paanong paraan mo sila mararamdaman? Lalo pa kung isa sa mga taong iyon ay mahal mo pala?
                May isang maliwanag na aninag sa aking mata’y sumalubong. Maya-maya lamang ay naaninag ko ang isang ilaw kaharap ko mula sa kisame. Maraming tao at may nakaputing kasuotan ang lumapit sa akin.
                “Rich, naririnig mo ba ako?” Tanong ng taong nakaputing kasuotan.
                Luminaw ang aking paningin. Isa iyong doktor. Napagtanto ko na nasa isang kuwarto ako na puno ng kung anong mga bagay at may mga tubo na konektado sa akin. Ano ba ang nangyari? Tila wala akong matandaan.
                Maya-maya lamang may yumakap sa akin. Isang may katandaan na base sa kanyang hitsura. Iyak ng iyak na tila bata na naagawan ng kendi. Hindi ko siya makilala.
                “Anak ko! Maraming salamat at gising ka na!” Wika ng babae habang humahagulgol sa kakaiyak habang nakayakap sa akin.
                Tinawag niya akong anak. Hindi ko alam kung sino ang babae ngunit nang tawagin niya akong anak ay napagtanto ko na siya ang aking nanay. Ngunit bakit ganoon na tumanda ang kanyang hitsura? Sa huli kong alaala ay hindi pa ganoong katanda ang kanyang hitsura.
                May isa pang babae ang yumakap sa akin. Hindi ko siya nakikilala. Umiiyak din siya na parang nagagalak akong makita. Mukhang kilala ako ngunit sino kaya siya sa aking buhay.
                Habang yakap-yakap ako ay may dumating pang mga tao. Tatlo sila at ang dalawa ay may katandaan habang ang isa ay binata. Hindi ko sila makilala. Ang binata ay biglang tumakbo papunta sa akin at mahigpit ang pagkakayapos sa akin na parang ayaw akong pakawalan. Iyak siya ng iyak habang sinasabing “Rich, mahal ko”. Mahal niya ako? Ngunit paano? Hindi ko maintindihan ang lahat ng ito, nagising ako sa isang kwarto na puno ng mga kung anong bagay tapos may mga taong hindi ko kilala na sabik na sabik akong Makita. Tanging si Nanay lang ang nakikilala ko kahit na nagmukha siyang matanda. Napansin ko din na may kakaiba sa akin,, na parang ang laki ko na at binata? Teka, katawang binata na nga ako! Paanong lumaki agad ako ng ganito?
                Patuloy pa din ang pagyakap sa akin ng binata. Nagsalita na ako upang makilala siya.
                “Si-sino ka po ku-kuya?”
                Napatigil siya sa paghagulgol. Unti-unti ang mahigpit niyang yakap ay dahan-dahang lumuluwang. Tumingin siya sa akin.
                “Hi-hindi mo akoki-kilala?” Tanong niya sa akin.
                Yumuko ang binata, tinakpan niya ang kanyang mukha at humagulgol muli.
                Lumapit sa akin ang doktor. Tinanong ako ng mga bagay-bagay.
                “Anak kialala mob a saili mo?”
                “Opo. Ako po si Rich po.”
                “Dok, bakit parang bata siya magsalita?” tanong ni Nanay sa doktor.
                “Rich natatatandaan mo si Nanay?” Muling nagtanong sa akin ang doktor
                “Opo, pero nagmukha po siyang matanda.” Sagot ko. Kilala ko ang Nanay subalit ang iba pang tao sa kwarto ay hindi ko maalala, puwera na lang din ang dalawang babae at lalaki na may katandaan na din. Natatandaan ko sila ngunit tulad ni Nanay ay tanda ko ang kanilang mukha noong hindi pa sila mukhang may edad. Kung hindi ako nagkakamali ay magulang iyon ni Jam.
                “Eh siya kilala mo ba?” Tinuro sa akin ng doktor ang binate na yumakap sa akin kanina.
                “Hi-hindi po eh.”
                Lumapit sa akin ang binata, hinawakan ang aking kamay. Mahigpit niya itong hinawakan.
                “Rich! Ako ‘to, si Jam! Hindi mob a ako naaalala?”
                Bigla ko naalala si Jam, ang cute na bata na maputi ang balat, na kalaro ko, na minsan nakalaro ko, na nagbigay sa akin ng Mickey Mouse na stuff toy. Hindi ako nagkakamali na siya ang bata na iyon. Pero… Paanong binata na siya agad?
                “Bakit ang laki-laki mo na?” Tanong ko.
                Lumapit ang binata sa doktor at kinausap. Sa nakikita kong mukha ng binata ay may sobrang pighati ito, parang isang bata kung umiyak.
                “Dok bakit ganoon? Hindi ako maalala ni Rich? Bakit po parang bata siya kung magsalita? Dok bakit?!” Panay ang tanong niya sa doktor.
                “Sa nakikita nating sitwasyon Jam, his memory had gone back when he was in his childhood. Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo sa kanya I guess he has a partial amnesia. Since he has lost his recent memories and ang naaalala lang niya is his childhood stage. I’m sorry but all that we can do is to check him up. I oobserve naming siya and hopefully maka-alala pa siya ng mga bagay for recent moments.” Paliwanag ng doktor sa kanya.
                Amnesia daw ang sakit ko kaya hindi ako maka-alala? Sa pagkakaalam ko ang amnesia ay nangyayari kapag nasasagasaan at tumama ang ulo sa pagkakasagasa. Sabi iyon sa akin ni Nanay noong nanonood kami ng telebisyon at ganoon ang nangyari sa palabas na iyon. Kung kaya’y narito ako sa ospital dahil naaksidente ba ako? Pero paano? Kung kaya’t masakit ang aking ulo at may benda ito ay dahil naaksidente ako? Tinawag ko ang Nanay.
                “Nanay, Nanay!” Umiiyak akong parang bata.
                Lumapit ito sa akin. Niyakap at pinapatahan. Naiyak din siya. Siguro hindi talaga maganda ang nangyari sa akin. Wala talaga akong matandaan na mga naganap sa akin.
                “Nanay bakit ako nasa ospital?” Tanong ko.
                “Anak, nasagasaan ka. Hindi mo ba natatatndaan?”
                “Hindi po. Natatandaan ko lang magkasa tayo sa bahay habang naglalaro ako tapos natulog ako.” Sa pagkaka-alam ko iyon ang huling naaalala ko.
                “Anak, hindi mo ba nakikilala si Jam?”
                “Kilala po. Pero… ang laki na niya kasi.”
                Lumapit sa akin ang binata na nagpakilalang si Jam. Siya nga kaya ang kalaro kong bata? Sa pagkaka-alam ko lumipat na sila sa Maynila.
                “Rich, ako ito si Jam. Remember me?” Hinawakan niya ang kamay ko. “Naaalala mo pa ba ‘yung mga pinagdaanan natin? Ha? Naaalala mo pa ba kung paano tayo nagkasama at nagkita muli? Naging classmates tayo Jam! May bestfriend tayo, si Kyle! Hindi mo na ba natatandaan?” Madami siyang tinanong.
                “Hindi eh.” Kasabay ng paggalaw ng ulo ko na nagsesensyas ng hindi pagsang-ayon.
                Yumuko ang kanyang ulo at umiyak. Pero nang maaninag ko pa ang kanyang mukha ay hindi nalalayo ang kanyang hitsura sa Jam na kilala ko. Nag-mature lang ito at tila mas gumuwapo. Naging mas maganda ang kutis ng balat at matipuno ang pangangatawan. Nagsalita muli ako.
                “Pero, kamukha mo si Jam na bata. Ikaw nga ba ‘yan?”
“Rich oo ako ito. Matanda na ako, at kahit ikaw kung titignan mo ang sarili mo. Malaki na tayo.” May dalamhati ang kanyang pagsambit. Naramdaman ko ang lungkot sa kanya kaya nakinig ako.
                “Alam mo ba Rich nagkita ulit tayo. Tapos naging classmate tayo. Masaya tayo magkasama. Alam mo Rich minahal kita.”
                “Mi-minahal?” May pagtataka kong tanong.
                “Oo Rich. Naging boyfriend kita hanggang ngayon. Kung maaalala po sana ang lahat..” Yumakap siya sa akin.
                Sa totoo lang naguguluhan ako. Hindi ko lubos maisip ang lahat. Nasakit pa ang aking ulo dahil siguro sa aksidenteng sinasabi nila.
                Nagkaroon ako ng pagkakataong magpahinga nang magsabi ang doktor na bigyan ako ng oras para dito. Sa pagpahinga kong iyon ay hindi ko maiwasang mag-isip. Ang huling naaalala ko lang kasi kay Jam ay ang huli naming paglalaro sa kanilang bahay. At nakakagulat dahil parehas na kaming binata. Alam ko na hindi totoo ang magic. Pumikit ako. Hiniling ko sa Maykapal na tulungan ako. Hindi ko matandaan ang nangyayari ngayon. Nawa’y kahit papano maka-alala ako ng bagay na sinasabi nila, lalo na sa sinasabi ni Jam. May tuwa ako na nararamdaman dahil nakita ko ulit si Jam, subalit mas ramdam ko siya ngayon. Tila ba ang puso ko ay hindi mapigil sa pagtibok. Hindi naman ganito ito sa aking pagkaka-alam ko at ganito lang ito kung ako’y nasasabik sa isang bagay o hindi kaya may crush. Sinasabi din ni Jam na naging boyfriend ko siya. Gaano kaya iyon katotoo?
                Ilang linggo na ang lumipas at nakikita ko ang unti-unting pagbuti ng aking pakiramdam at lagging nasa piling ko ang Nanay at ang Tita ko, lalo na din si Jam na parati akong kinukwentuhan. Hindi siya tumitigil sa kakakwento ng tungkol sa aming dalawa. Isang araw may bumisita sa akin. Isang hindi ko malaman kung lalaki o bakla. Sa unang kita ko lalaki pero noong magsalita ay bakla. Nakakatawa siya dahil sa mga biro niya.
                “Hoy Rich. Hindi mo na ako kilalang echusera ka! Nakakasad ka. Kung alam mo lang naging crush kita dati eh…” May birong tono.
                “Kuya eh hindi nga po kita matandaan eh..”
                “And don’t call me Kuya. It’s ATE. Spell ko ha? A-T-E, ATE! Klaro?”
                “Opo” natatawa akong sumang-ayon.
                “Hay naku ikaw Rich na bumalik ang ala-ala sa pagiging bata! Oh basta papagaling ha? Bibisita ulit si Ate ha?”
                “Ikaw naman Kyle ginawa mong bata talaga si Rich eh. Siguro matatawa siya sa iyo pag naalala niya.” Sambit ni Jam.
                “Edi maganda! Alam mo naman ako ang clown ng buhay niyo. Take note ha, MAGANDANG CLOWN. Oh siya gogora na akez. Aaura muna ha ha ha!”
                “Eto may panahon pa sa aura.”
                “Ano po ‘yung aura Ate Kyle?” Tanong ko.
                “Baby ang aura ay…”Biglang tinakpan ni Jam ang bibig ni Ate Kyle.
                “Rich bad ‘yun basta. Okay?” kumindat si Jam sa akin sabay sama ng tingin kay Ate Kyle.
                “Ay oo baby sorry dirty mouth ako. Oh siya papagaling ha?” Pangiting sabi sa akin ni Ate kyle at umalis na siya.
                “Ang kulit niya hindi ba?” Nakangiting sambit ni Jam.
                “Oo nga eh he he he. Sabi mo bestfriend natin siya? May bestfriend pala tayong bakla?”
                “Oo pero mabait si Kyle sa atin. Palatawa. Siya din ang nakakaalam ng secrets natin, pati ang lahat ng pinagdaanan natin.”
                “ahh… Sana maalala ko pa Jam.” Wika ko.
                Hinimas ni jam ang ulo ko. Gustung-gusto ko iyon na parang naramdaman ko na iyon dati.
                “Rich, hindi ka naming hahayaan ni Nanay at Tita ha? Basta papagaling tayo at papakabait okay?” Nakangiting sambit ni Jam ngunit may napansin akong nangingilagid na luha sa kanyang mga mata.
                “Opo Jam! Magpapagaling ako. Ayaw ko na kasi na nalulungot kayo ni Nanay.” Masigla kong sabi.
                “Pero Rich, naaalala mo ba ako?” tanong niya.
                “Opo, noong bata pa tayo, binigyan mo ako ng Mickey Mouse na Stuff toy ‘di ba?”
                “Naaalala mo nga!” May sigla siya sa pagsambit. “Oo naalala ko ‘yun. Tapos sa bahay naming sa Cavite tayo naglalaro. Nakita ka naming ni Daddy naglalakad tapos muntik ka na masagasaan noon tapos…”
                Pinagpatuloy pa niya ang pagkukwento. Doon ako mas naniwala na ang binata na kausap ko ay si Jam nga. Tugmang-tugma ang kanyang pagsisiwalat ng aming nakaraan. Hanggang sa nagkwentuhan pa kami. Doon ko nakita ang kanyang ngiti na tulad ng ngiti niya noong bata pa kami. Gumaan ang aking pakiramdam.
                “Noong nawala ka Jam, namiss kita.” Payuko kong sabi.
                “Talaga?” Hinawakan niya ang kamay ko pagkasabi niya noon.
                May kakaibang bugso ang aking naramdaman na parang may tumataon sa loob. Bakit ganito? May parang paru-paro sa tyan ko na nais kumawala. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam pero ang alam ko ay masaya ako.
                “Oo, kasi ikaw lang naman kalaro ko. Tapos nawala ka. Nalungkot ako.”
                Niyakap niya ako. Doon mas naging kakaiba ang pakiramdam ko. Mas kumakabog ang dibdib ko.
                “Hindi na kita iiwan Rich. Nandito lang ako palagi para sa iyo. Kaya hinihiling ko sa Maykapal na maka-recover ka na, na gumaling ka na at maglalaro tayo ulit, gaya ng ginagawa natin dati.” Sambit niya.
                Masigla akong tumingin sa kanya.
“Talaga?” Tanong ko ngunit lumuluha ang kanyang mata. Pinunasa ko iyon ng aking kamay. “Tahan nap o Jam ha?” Nang mapunasan ay niyakap ko siya. Parang ang sarap-sarap niyang yakapin at gusto ko ang paghimas niya sa aking ulo. May pakiramdam  akong kakaiba sa kanya na parang masaya, saya na hindi ko maintindihan. Higit sa gusto ang pakiramdam na ito. Itinanong ko sa kanya ang aking pakiramdam.
“Jam bakit ganito nararamdaman ko?” Kinuha ko ang kanyang kamay at inilapat iyon sa aking dibdib. “Ang lakas ng kabog niya. Tapos parang masaya ako na hindi ko malaman.” Hindi ako makatingin sa kanya na parang nahihiya.
“Namumula ka Rich. Hala, parang..” Biglang natuwa si Jam sa akin. Niyakap niya akong muli. “Rich ‘pag ganyan ‘yung feeling mo it means kinikilig ka. Crush mo ako ano?”
Inilayo ko ang sarili ko sa kanya. Parang mas nahiya ako.
“Ha? Hi-hindi ah! Hi-hindi ko alam…”
Alam ko ang crush, ang gusto pero hindi ko alam ang pakiramdam. Baka nga ganito. Sabi kasi ng mga kaklase ko dati na pag may crush nahihiya daw tapos namumula. Sabi daw iyon ng kanilang mga magulang. Tinanong ko si Nanay.
“Nanay ganoon ba iyon?”
Tumawa si Nanay sa akin. Nilapitan at tumabi sa akin.
“Oo anak. Ganoon nga.” Nakangiti si Nanay matapos magwika.
“Pe-pero Nay pwede nap o ba ako magka c-crush?”
Tumawa si Nanay. Napayuko ako. Hahihiya kasi ako dahil sa pagkaka alam ko bawal ang bata.
“Ha ha anak oo naman. Malaki ka na, at kayo naman ni Jam kaya pwede na.”
Oo nga pala binata na ako, at kami nga ni Jam. Ang hirap tumawid ng mapakalayo mula sa buhay na natatandaan ko at sa buhay ko dapat ngayon. Kung sana na hindi nawala ang ala-ala ko ay hindi ako nahihirapan, lalo na si Jam na lagi na lang nasa ospital upang bantayan ako.
Ako naman ang lumapit kay Jam. Dahan dahan ang paglapit ko sa kanya dahil nahihiya ako. Sa pakiramdam kong bata ay tila hindi ako sanay subalit nararamdaman ko na ang kakaiba sa akin. Kahit ang aking alaga ay nabubuhay, na parang ito din ay tila nasasabik. Nang makalapit ay bigla ang yakap sa akin ni Jam. Mas nabuhay ang aking ibabang bahagi. Ang puso ko naman ay buhay na buhay. Napapikit ako.
“Kunwari ka pa Mahal kong Rich eh. He He He ayan nayakap tuloy kita. Sige yakap ka lang”
Dahan-dahan ko siyang niyakap. Sa pagkakayakap ko na iyon ay nadama ko ang kagalakan. Habang nakapikit ako ay may bigla akong nakita. Isang lalaki sa isang hardin na nakatingin sa akin. Biglang mabilis ang panggyayari at napunta ito sa isang kwarto. Nakahubo’t hubad kami habang may ginagawang hindi ko alam ngunit masaya kaming dalawa. Ang lalake na iyon ay si Jam at hindi ako nagkakamali. Pagkamulat ko ay napatitig ako sa hindi kalayuan pababa habang yakap si Jam. Ano ang aking nasaksihan? Sa paagkakapikit ko na iyon ay tila totoo at nangyari na. Bumabalik na ba ang aking ala-ala o sadyang kakaiba lang ang aking nararamdaman at nakakaisip ng ganoong bagay. Sa totoo lang kakaiba ang aking nararamdaman na parang may init sa loob subalit nahihiya akong ilahad iyon. Nangangamba pa din ako kung totoo nga ba iyon o sadyang naglalaro lang ang aking kaisipan dahil sa sensasyon na aking nararamdaman ngayon.
“Bakit ka tulala Rich?” Napansin ni Jam.
“Ah.. Eh wala Jam. May nakita lang sa banda roon.” Kunwari na lang may nakita ako sa lugar na pinagkatitigan ko sabay turo doon.
“Eh wala naman. Baka kung ano lang naman ‘yun.” Sambit ni Jam. “Halika dito at payakap na lang.” Dagdag pa nito at niyakap niya ako ng mahigpit.
Nakakadama talaga ako ng masayang pakiramdam sa kanya, sa pagyakap na iyon ay nadadama kong hindi siya masamang tao. Mahirap lang mag-adjust dahil hindi ko pa din maaalala kung paano kami dumating sa ganitong sitwasyon. Pero ilang linggo pa lang ang lumipas ay dama ko na agad ang kanyang pagsinta. Mas humanga ako kay Jam. Talagang napakabait niya noong kami ay bata pa at mas nakilala ko pa na mapagmahal siya sa tao, lalo na sa akin. Hindi siya nahihiya kahit kaharap ang doktor ay nagagawa niyang halikan ang aking noo at yakapin habang ako ay namumula sa kahiyaan.
Isang gabi sa aking pagtulog ay may isang pangyayari akong napanaginipan. Isang lalake sa isang park ang aking kasama, nagtatapat ng kanyang pagmamahal. Sa panaginip kong iyon ay medyo may kabataan pa kami at maayos pa ako, walang benda sa ulo o ni galos ay wala. Sa senaryong iyon ay sinagot niya ako at masaya kami. Habang sa paglalakad naming ay biglang naiba ang lugar. Katapat ko ang isang mall noon at patawid ako. Biglang may sasakyan sa akin bumangga at namuti ang aking paningin. Bigla na lang akong gumising, hingal na hingal. Ikinagulat din ni Jam iyon at nagising ka kanyang pagkakatulog sa gilid ng kama.
“Rich okay ka lang?” Nilapitan niya ako at hinimas ang aking likuran.
“Jam. Nabangga ako sa aking panaginip.” Mahina kong sabi habang nakatingin sa malayo.
Niyakap niya ako. Sa pagkakayakap na iyon ay idinantay ko ang aking noo sa kanyang kaliwang balikat.
“Rich, nandito lang ako. Okay ka na.” HInihimas niya ang aking likod matapos niyang magwika.
“Jam, sa isang park ba tayo nag-usap? Doon mob a ako sinagot?”
Napahigpit ang kanyang yakap. Maramdaman ko ang patak ng kanyang luha sa aking balikat.
“Oo Rich. Ang araw na iyon ang pinaka hindi ko malilimutang araw sa buhay ko.” Nakalapit ang kanyang labi sa aking tainga. “Kung ganoon naaalala mo na?” Sunod siyang nagtanong.
“Napanaginipan ko bago nangyari ang pagkakabangga sa akin.” Sagot ko.
“Kung ganoon maaari mong makita ang nakaraan mo sa panaginip. May pag-asa pa.” May galak akong nakita sa kanyang mukha ngunit natulo pa din ang mga luha niya. “Ganito Rich ha? Sa tuwing mananaginip ka ikwento mo sa akin. Hindi natin masabi baka ilan sa mga panaginip mo ay totoo.” Hawak niya ang aking dalawang balikat habang isinasambit niya iyon. Um-oo ako, nagbabakasakaling sa ganoong paraan ko maibabalik ang memoryang nawala sa akin.
Buwan ang lumipas, sabi nila mga 2 buwan na din. Madami na akong naikukwento kay Jam tungkol sa aking napapanaginipan, at halos lahat ay totoong nangyari. Tanging ang panaginip ang kanyang pinagkukuhaan ng pag-asa sabi niya. Tila nararamdaman ko na din ang pag-galing ko. Humihilom na din ang sugat sa aking ulo. Dahil daw sa pagkakabangga ay malaki ang napinsala dito. Tinahi daw nila ang aking ulo ng napakaraming beses kung kaya’t hindi nga biro iyon. Tanging si Jam at Nana yang nag-aaruga sa akin. Unti-unti ko na din naaalala si Jam sa panahong nakakapanaginip ako. Unti-unti kong nalalaman kung ano siya sa akin ngunit nangingibabaw pa din ang aking pagkahiya sa kanya. May awa na din akong nadadama sa kanya. Paiba-iba lang din ang balik ng ala-ala sa akin na minsan ang layo daw sa nangyari kung pagbabasehan ang panaginip ko noong nakaraang araw at kinabukasan. Patalon-talon daw ang aking ala-ala kung kaya’t hirap akong maintindihan ang bawat parte. Napapatanong pa nga ako na paanong nangyari ang isang bagay. Dahil siguro hindi ko matandaan ang nangyari bago pa iyon. Bagamat ganoon ay nakikita ko pa din ang suporta nila upang tulungan ako maibalik sa akin ang aking ala-ala.
Kinabukasan ng umaga sa aking pagkagising ay wala si Jam. Tanging ang nanay ang aking natadnan sa paggising. Abala siya sa pagtitimpla ng kape at nang Makita niya akong gising ay nilapitan agad ako, hinayaan ang kape sa mesa.
“Rich gising ka na pala. Gusto mo ng makakain?” Pambungad niya sa akin.
Kumain ako ng almusal. Isang mamon at kape. Habang kumakain ay itinanong ko sa kanya kung nasaan si Jam.
“Anak, pumasok si Jam sa school. Madami siyang hahabulin sa subjects niya. Aasikasuhin na din daw niya ang papeles mo sa school. Alam mo anak isa kang magaling na nursing student anak at magaling ka sa field na pinili mo.”
“Talaga? Napasok ako sa College Nanay?” May gulat kong tanong. Nakatungtong ako ng Kolehiyo ng hindi ko matandaan. Tanging ang pagpasok ko sa elementarya lang ang aking naaalala. Ganoon ba talaga kalaki ang nawala sa aking memorya?
“Oo anak. Ang galing mo nga eh. Pag umuwi ako sa bahay ipapakita ko sa iyo ang grade mo pati na din mga notes mo. Isa ka sa mga nangunguna sa klase at nanalo sa mga competitions sa school.” Paghanga niyang sabi.
“Hindi po ba mahirap sa college? Paano ko po nagawa iyon?” Tanong ko.
“Anak noong hindi pa nawala ang memorya mo kaya mo ang lahat, at ngayon anak alam kong kakayanin mo din na gumaling. Madami ka ng pinatunayan sa amin anak kaya naniniwala kami na gagaling ka din.” Humarap siya sa akin at hinawakan ang kamay. May luha ang pumatak sa kanya. Pinunasan ko iyon ng aking palad.
“Nanay tahan na po ha? Kaya ko po ito. Magpapagaling po ako. Ayaw ko na po dito sa ospital.” Wika ko.
“Hayaan mo anak, kapag gumaling ka na uuwi na din tayo kina Tita. Lulutuan kita ng paborito mong sopas.”
Napangiti ako sa kanya. Paborito ko ang sopas lalo na kung si nana yang nagluto. Sa isang kainan halos maubos ko na ang  kaldero sa kakabalik-balik upang kumuha. Kailangan ko na din masanay na an gaming buhay ay nasa Maynila at hindi na sa Cavite. Dapat sanay ako sapagkat matagal na pala kami naririto, at dito na ako nakapagtapos ng High school. Para sa akin napakabilis ng lahat ng pangyayari pero ang totoo ay matagal na pala ang lahat. Ang kwento ni Nanay ay 3rd year na ako sa kursong Nursing at sayang daw kasi isang taon na lang sana at matatapos ko na. Pero ipinasasalamat pa din niya sa Diyos na buhay pa ako. Mabuti na iyon sabi niya.
Mga bandang alas siyete ng gabi nang dumating si Jam. May dala itong pagkain galing sa sikat na kainan sa Pilipinas at isa sa paborito ko ang kanyang dinala.
“Rich ko. Tara kain tayo.” Paanyaya niya. “Nay sabay-sabay na po tayo binilhan ko na din po kayo.” Dagdag niya.
“Naku anak salamat nag-abala ka pa sa akin. Kahit si Rich na lang sana ang binilhan mo.” Wika ni Nanay.
“Nanay magandang nakakabawi po ako sa inyo. Maghapon ninyo pong binabantayan si Rich sa ospital. Gusto ko po makabawi sa inyo.” Hinawakan ni Jam ang kamay ni Nanay.
“Salamat anak. Malaki na ang tulong ninyong pamilya sa amin ni Rich. Alam ko na mahal na mahal mo ang aking anak kaya’t nagtitiwala ako sa iyo. Salamat anak.” Hinawakan naman ni Nana yang palad ni Jam.
“Jam kamusta po ang school?” Pasingit kong tanong.
Lumapit siya sa akin at tinabihan. Hinawakan niya ulit ang aking ulo na siyang gusting-suto kong ginagawa niya sa akin.
“Ikaw ang kamusta dito he he he.” Sambit niya habang hinihimas ang aking ulo.
“Eto po palaging lumalapit sa akin ‘yung nurse. Natatakot na nga po ako eh kasi madalas kihukuhaan ako ng dugo.”
“Saan ka kinukuhaan?”
“Dito po sa daliri.” Ipinakita ko ang aking daliri sa kanya.
Hinawakan niya ito sabay hinalikan. Dama ko ang mainit niyang halik sa aking daliri na siyang nagbago ng aking pakiramdam. Sinakop ako ng hindi ko malamang pakiramdam, pakiramdam na madalas kong nadadama kapag ginagawa niya akong halikan sa noo o kung yayakapin niya ako. Dama ko din ang pagtayo ng aking alaga. Mabuti at tinakpan ko ito ng unan upang hindi nila mahalata. Nakakhiya kasi lalo na kay Nanay.
“Ayan gagaling na ‘yan ha?” Tinignan niya ako at ngumiti. Napayuko ako.
Nilingon niya ako paibaba. Nang Makita ko siya tinakpan ko ang aking mukha na siguro’y namumula na naman.
“Uyy nag ba-blush siya? He he he.” Wika niya sa akin at natawa.
“Hi-hindi ah?” Wika ko habang tinatakpan ang aking mukha.
“Alam mo huwag ka na mahiya Rich ko. Palagi kang ganyan. Tayo naman eh.”
“Eh kasi po.. hindi ako sanay eh.”
“Hehe ikaw talaga. Ok lang ‘yan at masasanay ka din.”
Ramdam ko na tumayo siya at pumunta sa kung saan nandoon ang bag niya. Tinanggal ko na ang pagkakatakip ng aking mga mata. Maya-maya lamang ay may dala siyang notebook at isang lapis. Lumapit siya sa akin.
“Rich marunong ka magsulat ‘di ba?” Tanong niya sa akin.
“Opo.”
“Pero kaya mo ba kaya magsulat ngayon?” Muli siya nagtanong.
“Susubukan ko.” Sagot ko sa kanya.
Iniabot niya sa akin ang notebook at lapis. Isulat ko daw ang alpabeto. Hinawakan ko ang lapis at nagsulat. Sa una ay nanginginig pa ang aking kanang kamay. Mabuti na lang nasa kaliwa ang dextrose dahil kung hindi ay hindi ako makakapagsulat. Maya-maya lamang ay gumaganda na ang aking pagsulat. Nakita ko ang ngiti nila Nanay at Jam sa akin.
“Eto na po tapos na po.” Ipinakita ko sa kanila ang aking sulat.
“Wow ang galing ni Rich ko ah?” Hinawak niya ulit ako sa ulo. Napapikit ako sa sarap na dulot ng pagkakahimas niya sa aking ulo. “Ganito Rich, kapag nanaginip ka isusulat mo dito ha? Hindi na kasi kita mababantayan gawa ng papasok na ako sa school. Pero lagi akong pupunta dito  ha? Hindi kita hahayaan na hindi makapunta dito. Gusto kitang nakikita araw-araw.” Dagdag niya.
“Opo. May napaniginipan ulit ako Jam.” Naalala ko ang aking panaginip kagabi. “May napanaginipan akong magkasama daw tayong dalawa sa isang garden. Tapos may inilabas ka. Cellphone ata iyon pero mukhang high-tech. May pinatugtog ka.”
“Pinatugtog? Teka ito ba iyon?” Agad siyang may inilabas sa kanyang bulsa. Kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang cellphone na aking tinutukoy. Cellphone na makabago na hindi gaya ng naaalala ko na hanggang tawag at text lang ang nagagwa. Maya-maya lang ay may isang awitin siyang pinatugtog. Nang marinig ko ang himig ay naalala ko na iyon ang himig na aking narinig sa panaginip.
You are the song
Playing so softly in my heart
I reach for you
You seem so near
And yet so far
                “Iyan nga iyon.” Nang marinig ko ang isang linya sa kanta ay natanto na iyon nga ang kanta na aking naaalala sa aking panaginip. Nakita ko angpagpikit ni Jam. Pagdating ng susunod na linya ay sinabayan niya ito.

I hope and I pray
You'll be with me someday
I know down inside
That you are mine 
And I'm your true love
Or am I dreaming?

 

                Hindi ko inakalang napakaganda ng kanyang boses. Hindi na katulad noong kami pa ay bata na palagi kaming nakanta ng pambatang awitin, mas may timbre ang boses, buo ang tono at sadyang nakakapukaw ng damdamin.
How can I
Each time I try to say goodbye
You were there
You look my way and touch the sky
                Lumapit siya sa akin, hinawakan ang aking kamay ay idinantay ang kanyang kamay sa aking palad. Ang lapat na palad ay unti-unting nagsara na kahit ang aking palad ay akin ding naisara. Dama ko ang init ng kanyang kamay. May kaunting diin at pinipisil-pisil ito.

We can share tomorrow and forevermore
I'll be there
To love you so
You are my song


                Tinititigan ko siya habang kumakanta. Maya-maya ay napansin ko ang luhang gumapang sa kanyang pisngi. Hindi ko na din napansin ang aking mukha at naramdaman ko na basa ito. Naluha na din pala ako. Nadama ko ang kanyang pagsinta noong araw na iyon. Ang awitin na iyon ay dama din ng aking diwa, may pagsinta.
                “Iyan ang ating theme song.” Wika niya paglingon sa akin. Naiba bigla ang kanyang mukha nang lumingon sa akin. “ba’t naiyak ka?” Tanong niya.
                “Ah… Kasi po ang galing ninyo po kumanta.” Sa totoo lang nasakop ng kanyang pag-awit ang puso ko kung kaya siguro ako napaiyak.
                Agad niya itong pinunasan ng kanyang panyo galing ka kanyang bulsa. Nang mapunasan ay ngumiti ito sa akin.
                “Rich ko unti-unti mo na akong naaalala.” Wika niya malapit sa aking mukha.
                “Jam, mahal kita.”
                “Talaga?” Ngumiti siya ng may galak.
                “Oo. Naaalala ko na. Noong highschool tayo nagkita tayo muli. Si Kyle, naaalala ko na.” Nalinawan na ako sa lahat. Dahil sa kanyang awitin ay biglang pumasok ang halos lahat ng memorya sa akin. Naalala ko na din na nagraoon muna ako ng babaeng kasintahan na ang pangalan ay Thea, at naghiwalay kami dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Iyong nararamdaman ko, nakakatiyak na akong isa itong pakiramdam ng pagmamahal. Tila nabuhusan ako ng tubig at nagising. Lahat ito ay ihinayag ko sa kanila ni nanay, at parehas silang nagtatatalon sa saya. Kahit ako ay napangiti dahil heto na ako, nanumbalik ang halos lahat sa akin. Niyakap ako ng sobrang higpit ni Jam na tila ayaw na niya akong bitiwan sa pagyakap, at niyakap ko din siya gaya ng kanyang ginawa. Umiyak siya ng sobra sa akin. Pinasasalamatan niya ang Maykapal sa nangyar ngayon. Ang kanyang dalangin ay natupad din dahil sa ang aking ala-ala ay bumabalik na.  
                “Jamrich. Tama Jamrich ko?” May ngiti at lambing kong sambit. “Huwag na pong umiyak. Heto na at sinagot na tayo sa dalangin mo.”
                Kinapkap niya ang aking katawan mula ulo hanggang sa braso. Tila hindi makapaniwala sa pangyayari.
                “Hindi ba ito panaginip? Parang magic kasi eh?”
                “Totoo ito Jamrich. Naaalala ko ‘yung kanina na nahihiya ako sa iyo. Para akong engot kasi nahihiya pa ako. Naaalala ko lang kasi ‘yung pagkabata ko kaya ganoon.” Paliwanag ko.
                Kahit ako na natatawa sa naaalala ko. Para akong bata at kapag naiisip ko ang aking pinag gagagawa ay mag nahihiya ako. Ngunit masaya ako dahil bumabalik na ang ala-ala ko. Marahil sa kanta kung kaya’t natulungan akong maalala ang lahat. Parang naniniwala ako na may salamangka ang awitin. Siguro ay dahil damang-dama ko lang iyon at isa iyon sa paborito kong awit dahil iyon ang aming theme song ni Jam.  Tila mabilis ang pangyayari pero nagpapasalamat ako na agad din natapos ang aming paghihirap.
                Tinawag agad ni Nanay ang doktor at nang malaman ang balita ay natuwa ito. Agad nila akong sinilip. Sa nakikita nila ay nagiging mabuti na ang lagay ko. Sinabi ng doktor na nahilom na ang sugat sa parte ng aking ulo at tiyak niya na makaka-alis na din ako sa ospital sa hindi mahabang panahon. Laking tuwa naming at saw akas ay maaaninagan ko na din ang sikat ng araw sa umaga, pati na ang tanawin sa labas. Namiss kong lumabas dahil kulong ako sa aking kwarto sa ospital.
                Napakabilis ng pangyayari na parang pelikula. Ngunit may pagkakataon din sa buhay na possible din nangyayari ang tulad ng ganito. Tila ang biyaya ay hindi natin masasabi kung kalian dadating, kung mabilis o matagal. Sadyang tunay na makapangyarihan ang nasa Itaas upang magawa ang ganitong milagro sa buhay ng tao. Kung hindi man totoo bakit mayroon tayong nababalitaang muling nabubuhay matapos mamatay? Hindi ba iyon milagro? Hangga’t malakas ang ating pananampalataya ay tutulungan tayo ng Maykapal at naniniwala akong lahat ay pantay sa paningin Niya. Kung kaya’t hindi Niya binigo si Jam sa panalangin na mapabuti ako. Ikinatutuwa ko na nandoon pa din ang kanyang pagkuha ng lakas sa Kanya.
                Makakahinga na din kami ng maluwang sa napakagandang balitang ito sa amin, subalit hindi pa iyon kumpleto dahil hindi ko pa din maalala kung bakit ako nasagasaan. Tanging naaalala ko lang ang araw na iyon at abala ako sa case study. Monthsary namin ni Jam ang araw na iyon. Iyon na lamang ang aking naaalala. Kailan ko kaya iyon muling mapagtatanto sa aking balintataw? Isang katanungan sa aking isip bumabagabag. Pero nagpapasalamat ako na saw akas ay halos natapos na ang aming pagdurusa. Tiyak ang puso ko ang nagbigay daan upang maalala ang lahat, na nagbigay daan upang maramdaman ko si Jam. Tanging ang kanyang pagmamahal sa akin ay tunay, na kahit hindi ko man siya maalala ay nagagawa pa din niya akong mahalin. Habang nakayakap siya sa akin ay sinabi ko sa kanya ito:

“Hindi ko man matandaan ang lahat, ngunit sinasabi ng aking panaginip na ikaw ang taong lubos na minamahal. Ngunit hindi na kailangan pang managinip upang madama ko iyon, dahil sa wakas at naaalala na kita.”

No comments:

Post a Comment