The Side of
Jam
Paano ba ako magsisimula?
Hmmmm.... Hindi ko alam ano ang aking imumutawi, kung paano ako maglalahad.
Marahil nababalot ngayon ng matinding kabog ang aking puso. Sa mga sinambit sa
akin ni Rich ay tila tumigil ang aking mundo at nagsisimula na muling umikot.
Tinanggap ko na ang lahat ng kung anong mayroon sa kanya subalit sa pagkakataon
na ito ay hinila ako pabalik. Tunay nga ba iyon o sadyang panaginip lamang?
Kung panaginip lang ang lahat, maganda na huwag munang magising pa. Pero totoo ito. Kahit
ilang beses ko pa sigurong sampalin ang aking sarili ay hindi gagana sapagkat
totoo nga na nangyayari ang lahat ng ito sa akin. Mahal ako ni Rich.
Hindi ko na kayang manatili sa
pakikipag-usap ko noon kaya pinatay ko ang aking cellphone. Oo may galit sa
akin, pero ang nakakapagtaka lamang ay hindi ko magawang saktan siya. Mas
nangingibabaw pa din sa akin ang pagmamahal kay Rich kaysa ang magalit sa
kanya. Sa bubot kong balintataw at sa sinasaklaw ng buo kong puso ay hindi ko
maitatanggi ang tunay na pag-ibig ko sa kanya. Marahil tinanggap ko ang mayroon
siya noong sila pa ng kanyang kasintahan subalit muling nanumbalik ang naudlot
kong pagmamahal nang masambit niya sa akin na mahal din niya ako. Kung anong
pagmamahal muli ang sumakop sa aking pagkatao. Hanggang sa ang galit ay naglaho at naghari ang unti-unting
saya. Mas nabuhayan ako, may kung anong kilig at tuwa na nakapinta sa aking
mukha. Ligaya na ngyon ko lamang naramdaman. Ganoon ko ba talagang mahal si
Rich ng tunay? Taliwas ko ngayong isipin ang nagawa niya sa akin dahil sa saya
na aking nararamdaman. Akala ko ay wala na talagang pag-asa na maibaling din sa
akin ang pagmamahal na aking nais mula kay Rich. Gusto ko sana ulit siyang
tawagan subalit hindi ko alam ang aking
isasambit sa kanya. May nasabi akog hindi maganda kaya nahihiya ako na muli
siyang tawagan. Mabuti na lang at naisip ko si Kyle upang tawagan. Nag-dial
ako, hanggang sa kanyang sinagot ito.
“Bakla, bakla!” Pambungad ko.
“Maka-bakla naman ‘to Wagas!
Ipamukha ba sa akin? Oo ‘teh tanggap
ko naman kaya hindi mo na kailangan ipagdakdakan sa akin!”
“Gaga. Napatawag ako dahil may
sasabihin ako sa iyo!”
“Oh eh anong pang sasabihin mo
bukod sa ipinapamukha mo pa sa akin ang pagiging bakla ko?”
“Kanina tinawagan ko si Rich.” May
ngiti sa aking labi nang mabigkas ko ang pangalan.
“Oh so what naman? Teka may
napapansin ako sa iyo. You seem like may saya sa iyo.”
“Hulaan mo anong sabi niya sa
akin?”
“Ah wait.” Huminto ng pananalita
si Kyle. Hanggang sa mga ilang segundo lang ay nagsalita muli ito. “Natutuwa
kasi Hiwalay na sila ni Thea? Naku ‘teh Trending na po! According sa mga
sistarets kong classmates na nag-spilt na ang mag jowa dahil gogora na si Thea
sa States!”
“Oh ganoon ba?” Natigil ako.
Kaya naman pala. Pero bigla kong naisip na kaya ako binabalikan ni Rich para
mapagpatuloy ang naudlot na pag-iibigan nila ni Thea sa pamamagitan ng aking
katauhan. Parang nabawasan ang aking saya. Pero sana hindi ganoon, sana tunay
ang kanyang sinabi na Mahal niya ako.
“Oo. Oh hindi ba tama?”
“Uhm. Hindi Kyle eh?”
“Hindi niya sa iyo naikuwento?
Well ano ba ‘yung sinabi niya sa iyo aber?”
“Mahal daw niya ako.”
“O-M-G!” Malakas ang kanyang
pagkakasambit, halos mabingi na ako sa lakas ng kanyang boses.
“Bestfriend masakit sa tainga!”
“Sorry naman bestfriend nadala
lang ako sa kagalakan! Ikaw na ‘teh!” Malakas pa din ang kanyang pagkakasambit.
May-maya lang ay narinig ko ang kanyang Mommie.
“Oh Kyle naaano ka na diyan?
Makahulog panty ang pagsisisgaw mo?” Ang Mommie ni Kyle.
“Bakit Mommie nahuhulog ba panty
mo?”
“Oo anak! Kaya itigil mo iyang kasisigaw mo bago pa mahulog ito ng tuluyan.”
“Sabihin mo lang Mommie masyadong maluwag talaga ‘yan dahil banat na banat na ang garter. Next time bili-bili din ng bago pag may time. Mura lang ang SO-EN.” Pbiro nito sa kanyang Mommie. “Oh landi nandiyan ka pa ba?”
“Oo anak! Kaya itigil mo iyang kasisigaw mo bago pa mahulog ito ng tuluyan.”
“Sabihin mo lang Mommie masyadong maluwag talaga ‘yan dahil banat na banat na ang garter. Next time bili-bili din ng bago pag may time. Mura lang ang SO-EN.” Pbiro nito sa kanyang Mommie. “Oh landi nandiyan ka pa ba?”
“Oo nandito pa.”
“Ayy, talagang hindi mo dineny ang pagkalandi ah?”
“Adik.”
“Ayy, talagang hindi mo dineny ang pagkalandi ah?”
“Adik.”
“Oh, ano na? Ano sabi niya? Sabi
ko na nga ba eh bibigay din ampeg! Naamoy ko na siya noon pa promise.”
“Eh kaso Kyle, paano naman ‘yung
mga ginawa niya sa akin?”
“Naku, mas iisipin mo pa ba ‘yun
kaysa sa totoo mong nararamdaman?”
“Hindi ko alam eh bestfriend.
Bumalik nga ang lahat sa akin nang magtapat siya. Ngunit ang inaalala ko lang
eh baka naghahanap lang ng pagmamahal ‘yun dahil iyon nga, hiwalay na pala sila
ni Thea.” Mahina akong tumugon.
“Bestfriend, heto na ang iyong
chance. Ibig sabihin hindi talaga mailap sa iyo ang pagmamahal na nais mo. Kung
hindi na muling mabibigyan pa ni Thea ng pagmamahal si Rich pwes, ikaw ang
magpuno. It’s your time na.” Paliwanag
niya. “Heto na nga at nakahain na siya eh. Kakainin mo na lang.”
“Adik ka.” Sambit ko pero
pinipilit ko ang hindi tumawa. “Kaso bestfriend paano ko sasabihin sa kanya?
Masasakit pa din ‘yung ginawa niya.”
“Iisipin mo pa ba ‘yung sakit na
iyan? Sige akin na lang si Rich.”
“Di ba allergic ka sa paminta?”
“Ayy binibiro lang naman kita.
Mas bet ko na kayo ang magkatuluyan, maglalakad sa aisle, magpapalitan ng i
do’s at sasabak sa giyera tuwing gabi!”
“Grabe ka talaga bestfriend.
Gusto ko siya makausap. Gusto ko na magka-aminan kami in person. Naguguluhan pa
din kasi ako eh. Nasabihan ko siya kanina ng pagalit dahil hindi ko na alam ang
sasabihin ko sa kanya. Mas nauna ang galit ko kanina. Pero ang totoo, oo masaya
ako.”
“Hmmm. Alam ko na.”
Patuloy ang aming usapan ni Kyle. Napagdesisyunan
namin na sa luneta kami magkita ni Ram, tapos ay doon sa Chinese Garden tumungo.
Maganda kasi ang paligid, maaliwalas, at masasabi ko na isa iyon sa tahimik na
lugar sa luneta.
Kinaumagahan ay parang ang ganda
ng aking gising. Sinag ng Haring araw ang nagpagising sa natutulog kong
katawan. Puminta ang ngiti, ngunit may pangamba sa aking kalooban. Kailangan
kong ihanda ang aking sarili sa magiging pangyayari. Kailangan kong magpakita
ng katatagan upang hindi isipin ni Rich na apektado ako. Gusto ko pa din na
manatili sa akin kung ano man ang kanyang nakikita. Muli kong timawagan si
Kyle. Pumayag na daw si Rich na doon kami magtagpo.
Hanggang sa nakararing na kami
sa tagpuan. Dama ko ang panlalamig ng aking kamay pero ayaw kong maging sagabal
ang kung anong kaba na nararamdaman ko. Kung kagabi ay kaya ko siyang harapin,
ngayon ay mukhang mahihirapan ako. Tinapik ako ni Kyle.
“Kaya mo ‘yan Jam. Huwag ka nga
kabahan.”
“Bestfriend kaya ko ba?”
“Nandito na tayo bestfriend.
Uurong ka pa ba?”
Humugot ako ng hininga. Tama ang
aking kaibigan, nandito na kami. Kailangan kong harapin ang kaba na aking
nadadama. Dito ko na malalaman ang totoo, kung tunay na ba na mahal ako ni Jam
o kailangan lang niya na mapunuan ang naudlot na pag-iibigan nila ni Thea sa
pamamagitan ng aking pagkatao. Nais kong makatiyak.
Mga ilang minuto lang ay natungo
na din namin ang Luneta. Kakaunti lang ang mga namamasyal. Marahil ay marami
ang mas pumpiling mamasyal sa ibang lugar tulad ng Mall of Asia o sa kung saan
man. May mangilan-ngilan rin naman ang patuloy na nagagawi at nilalasap ang
makasaysayang lugar na ito. Natanaw namin si Rich na nakatayo sa isang sulok,
nakayuko ang kanyang ulo. Minabuti ni Kyle na mauna at kamustahin ang aming
bestfriend. Bestfriend? Hindi ko na tiyak kung maaari ko pa siyang tawagin na
bestfriend dahil sa nararamdaman kong pagmamahal sa kanya. Maaring crush na
lang hindi kaya ay..... Naku nag-iilusyon na naman ako, hindi pa nga ako
natitiyak kung..... Hay Jam huwag ka na nga lang magsalita. Kailangan kong
kumilos. Dapat hindi niya mahalatang ako’y nanlalambot.
Mga ilang minuto ay hindi na ako
nagpatumpik-tumpik pa. Hinila ko ang kanyang braso gaya ng madalas kong gawin
sa kanya noong bata pa lang kami.
“Halika doon tayo sa Chinese
Garden. Mag-usap tayo.” Madiin kong sambit ng sa gayon ay alam pa din niya na
galit ako. Pero ang hindi niya alam ay nagkukunwari lang ako sa galit-galitan
na iyon.
Pagkatungo pa lang namin doon ay
agad akong nagbayad ng dalawang limang piso sa kahera at naghanap ng magandang
lugar. Binitiwan ko na ang kanyang braso, baka kasi magalit siya.
“Hanap tayo ng magandang lugar.”
Tugon ko kay Rich.
Naka yuko lang ito sa akin, may
bahid ng takot.
“Rich humarap ka nga sa akin?”
“Hindi ko kaya.” Sambit niya.
“Nahihiya ka ba sa akin?” Mukhang
masyado ata siyang apektado sa ginagawa ko.
Hinawakan ko ang kanyang ulo,
ini-angat upang makita ko ang kanyang mukha. Nang maiangat ko ay nakapikit ito.
Nakapikit man ngunit nangingibabaw pa rin ang kanyang gandang lalake, ang
makinis niyang mukha, matangos nitong ilong at ang labi na masarap tikman ng
unang halik. Napatitig ako ng matagal sa kanya. Maya-maya lang ay biglang
nagbukas ang kanyang mga mata, iyon ang gumising sa tulala kong diwa.
“Jam, bakit?” Tanong niya.
Lumingon ako sa ibang direksyon.
Ngayon ako naman ang nahihiyang humarap sa kanya. Panigurado ay namumula ang
aking mga pisngi.
“Rich maghanap na tayo ng lugar
please? Kailangan natin mag-usap.” Wika ko ngunit nakabaling pa rin ang aking
mukha sa ibang direksiyon. Nahalata kaya niya?
Doon kami sa isang maliit na
pavilion lumugar. Kita doon ang napakaganda at napaka-aliwalas na tanawin ng
Hardin. Mas nagdagdag pa ang kinang ng tubig na pumapalibot at sa gitna ay
mayroong tulay. Nakakagaan sa mata, sa kalooban. Naupo kami. Hindi namin
magawang humarap sa isa’t isa. Naghari ang katahimikan. Pero nandito na kami.
Dapat na namin pag-usapan ang lahat. Dapat na namin matuldukan ang lahat dahil
alam ko na parehas na kaming naguguluhan. Tutugon na ako.
“Kamus...”
“Anong...”
Nagkaharap kami. Napako ang
aming paningin sa isa’t isa. May kung anong naramdaman ako sa mga titig na
iyon. Parang mayroong kuryente ang sumakop sa aking pagkabuo. Pinikit ko ang
aking mata para makapagsalita.
“Kamusta ka na?” Ito ba ang
dapat kong itanong? Nabablangko ako. Bakit?
“Ayos naman ako.” Mahina ang
kanyang pagkakasagot. “Ikaw ba?”
“Okay naman.” Dumilat ako.
Nakatingin pa rin siya sa akin.
Mas nanlalambot pa ako sa mga titig na iyon. Mas may dating. Sa ganda ba
naman ng kanyang mata na parang kumikislap gawa ng replekson ng araw sa tubig
at tumatama sa kanyang mga mata. Pinilit ko pa din magsalita.
“Ikaw b...”
“Mahal kita Jam.
Mahal na mahal.”
Napatigil ako sa aking sasbihin.
Parang huminto ang ikot ng aking mundo dahil sa kanyang sinambit. Muli ko iyon
narinig sa kanya ngunit personal niya itong simambit. Mas lalo pang tumibok ng
napakabilis ang akong puso. Tinuran ko siya.
“Jam, ka-kasi. . .”
Lumapit ito sa akin. Doon ko
muli nadama ang kanyang yakap, ngunit mas mahigpit. Kakaibang pakiramdam ang
nababalot sa aking katauhan. Ramdam ko din ang pagtibok ng kanyang puso. Parang
may tamang ritmo ang bawat pagpintig ng mga ito.
“Jam , patawarin mo ako sa aking
mga nagawa sa iyo. Hindi ko sinasadya. Hindi ko na kasi alam kung nalilito lang
ako sa nararamdaman ko pero Jam noon pa man, mahal na kita.” Wika ni Rich. May kaunting
paghikbi akong naramdaman sa kanya.
Nanatili lang ang kanyang pagyakap
sa akin. Nagpaubaya lang ako. Sa totoo lang gusto ko ang kanyang pagyakap. Mas
nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal.
“Jam sana mapatawad mo ako kung nagawa ko ang lahat sa iyo, kung tinago
ko ang aking pagmamahal sa iyo. I’m sorry kung kailangan ko pang umibig sa iba
para lang maiwasan kong mahulog sa iyo. Gulong-gulo na ako Jam.” Patuloy pa din
ang kanyang paliwanag hanggang ang mahinang paghikbi ay unti-unting lumalakas.
Naramdaman ko na totoo ang
kanyang mga tugon. Bawat pagbuka ng kanyang bibig ay naglalabas ng mga salita, salita
na alam ko ay sa puso nanggagaling. Hindi ko na din maiwasan ang maluha. Yumakap
ako sa kanya, hinigpitan ko iyon. Hindi ko na alintana kung may makakakita
ngunit halos wala namang tao sa lugar kaya mas nakampante ako. Tulad ng higpit
ng kanyang pagyakap ay ginawa ko din iyon.
“Pinapatawad na kita Rich. Hindi
kita matiis kahit na masakit. Oo Rich masakit. Pero alam mo ba kung paano mo
ginapi ang galit na iyon?” Humikbi ako. “Dahil sa sinabi mo na mahal mo ako.”
Mas humigpit ang kanyang
pagyakap sa akin. Naglalapat ang aming katawan, naramdaman ko ang napakainit
nitong katawan kahit na may suot siyang damit. Sumabay din ako at hinigpitan ko
din ang pagkakayakap. May luha na ang bumabaybay sa aking pisngi.
“Rich mahal din kita. Mahal na
mahal.”
Iyon ang namutawi sa aking mga
labi. Sa wakas at nasabi ko na din muli ang nais kong sabihin sa kanya
araw-araw. Mahal na mahal ko si Rich. Siya lamang ang unang nagpatibok ng aking
puso, unang pag-ibig.
Bumitiw siya sa pagkakayakap. Kiniha
ang aking mga kamay sa kanyang likod. Tumingin siya sa akin at pinipisil-pisil
ang aking mga palad.
“Jam, tumingin ka sa akin ha?”
Tumingin ako sa kanya, kita ko ang kanyang mukha na may nakapintang
ngiti. Basa man ng luha ang kanyang mukha ngunit hindi iyon sagabal sa
kaguwapuhang taglay niya.
“Uulitin ko muli but this time, nakaharap na ako sa iyo. Mahal na mahal
kita Jam.”
Hindi ko kinakaya ang ligaya na
sumasaklaw sa aking pagkatao, kakaibang saya na gustong sumabog. Nakakilig ang
nangyayari sa amin.
“Ito ngayon ang aking tanong sa
iyo Jam. May chance pa ba ako sa iyo? Bibigyan mo ba ako ng pagkakataong
pagbigyan ang aking pagmamahal?” May ngiti sa kanyang mukha pero mas nanaig pa
din ang pagluha nito.
“Oo rich. Oo.” Agad kong sambit.
Muli niya akong niyakap.
Nagtatatalon ito sa saya na kanyang nararamdaman. Napasabay din ako sa
pagtatalon na iyon. Sobrang ligaya ang aming nararamdaman, ligaya na kailanman
ay hindi ko pa nararanasan. Sa pagyayakapan namin na iyon inilabas ang tunay
naming tugon sa isa’t isa. Kakaibang kuryente ang kanyang pagyakap, para bang
mga ilang boltahe ang pumasok sa aking
katauhan. Sa wakas, natupad din ang aking pangarap, pangarap na mahalin din ako
ni Rich. Nilapit ko ang aking bibig sa kanyang tainga.
“Mahal na mahal din kita Rich.”
“Oo Jam naniniwala ako. Mahal na
mahal din kita.”
Iyon ang pangyayaring hindi ko
makakalimutan. Isang alaala na aking mababaon ko sa hinaharap. Para bang naabot
ko ang kalangitan sa ligayang aking nararamdaman. Kung kayo naman siguro ang
tatayo sa aking kalagayan ay siguradong sa ganitong paraan din ninyo ito
mararamdaman. Ngayon ko na naramdaman kung paano ang pagmamahal na sinasabi ng
karamihan sa akin. Pagmamahal na parang pinagsasaklob ang isa’t isa. Noong araw
na iyon ay nanligaw sa akin ng tuluyan si Rich. Sinagot ko agad siya.
Pinakawalan niya muli ang pagyakap sa akin na hindi pa din alintana sa kanya na
pinagtitinginan na kami ng ibang tao. Kakaibang saya ang aking nararamdaman.
Kakaibang galak, basta lahat na ng termino sa salitang saya.
Nagpalipas muna kami ng ilang
oras upang mapagbigyan ang aming isa’t isa sa unang araw ng aming
pagamamahalan. Naka-akbay siya sa akin habang naglilibot sa napakagandang lugar
na iyon. Dumaan sa tulay, pinagmasdan ang aming repleksiyon sa tubigan. Hindi
ako makapaniwala sa nakikita kong replekson. Kung dati ay mag-isa lang akong
tumitingin doon at sinasabi na sana mayroon din sa akin kanang bahagi na katabi
ko at makikita ko ang repleksyon niya. Ngayon heto na siya, ang matagal ko ng
pinapangarap na tao. Sana hindi na matapos ito.
Lumabas na kami ng Garden.
Naka-akbay pa din ito sa akin. May ngiting pumipinta sa aming mga mukha. Dahil
sa may mga tao na sa labas ay minabuti namin na hanggang sa pag-akbay ipakita
ang aming pagmamahalan. Maya’t maya ang titig niya sa akin, mga titig na parang
nagsasambit ng mga salita. Tinititigan ko din siya, hanggang sa ngumiti kami sa
isa’t isa. Natanaw na namin si Kyle na nakaupo, may tinititigan. Ibinaling
namin ang aming paningin at tumambad sa amin ang isang lalaki na nakaupo sa isang
bench. Nagkatinginan kami ni Rich at mahinang tumawa. Si Kyle talaga. Habang
nagtatawanan ay napansin na kami ni Kyle. Lumapit ito.
“Nampotchiness naman kayo! Ang tagal
ninyo ah? Basang-basa na ang pwet ko sa pagkakaupo na parang may tagos lang ang
feeling ko kaka-antay sa inyo! Bakit ba ang tagal ninyo at....” Napatigil siya
nang makita niya na hinawakan ni Rich ang aking palad. Nagparaya ako, patago
lang naman. Nais ipakita na lang ni Rich kay Kyle na naging maganda ang
pangyayari sa aming dalawa.
“O-M. . .” Minabuti kong takpan
agad ang kanyang bibig. Napabitaw ako sa pagkakahawak sa akin ni Rich.
“Adik ka, sisigaw ka pa. Halika
na nga at doon tayo sa tabi. Kumalma ka okay?”
Tumango ito, ngunit mulat na
mulat ang kanyang mga mata sa kanyang nasaksihan. Nagatawanan kami ni Rich.
“Masanay ka na diyan, OA ‘yan
eh?” Tugon ni Rich.
Tumawa ako ng mahina.
Tinanggal ko ang aking kamay na
nakatakip sa bibig ni Kyle. Tinungo namin ang kanang bahagi ng Park. Doon namin
inilahad ang mga pangyayari sa amin sa loob ng Hardin. Kilig na kilig naman ang
bruha sa kuwento namin. Nangingibabaw sa kanya ang matingkad na ngiti, ngiti na
parang nangangahulugan na masaya siya sa amin. Matapos ng iyon ay niyakap niya
kami.
“Dating magkaibigan, turned into
lovers na. Kayo na talaga.” Masayang tugon nito ngunit mahina ang kanyang
pagkakasambit upang hindi marinig ng mga tao sa aming paligid.
Mula noong araw na iyon ay
umiikot na ang aking buhay na hindi sarli ko lang ang aking iniintindi. Sa
paggising ko tuwing umaga ay may mga pambungad na text messagesw sa akin si
Rich.
“Good Morning Jamrich ko! Hows ur
morning? I do hpe na kasing gnda ng akin. Panu b nmn hindi, pg open plng ng cp
ko mukha mu n ang nasisilayan ko. Hihihi ^_^. Oh well grab ur bfast ha? Don’t
skip. Kita tyo later ha? I love u so much Jamrich ko! MUWAH MUWAH~! HuuugggzZ!”
Sino ang hindi kikiligin sa mga
ganitong text messages? Ang sarap sa pakiramdam ng makakatanggap ka ng mga
sweet messages. Lalo pa kapag araw-araw kaming magkasama. Mas dama ko ang
pagamamahal na bumabalot sa aming dalawa. Tanging yakap pa lamang ang aming
nasusubukang gawin. Hindi pa namin tinatangkang magdampi ang aming mga labi,
lalo na ang pakikipagtalik. Ngunit umaasa ako na mangyari din iyon. Sa paraan
na iyon ay masasabi ko na magiging isa ang aming pagmamahalan. Nirerespeto ko
muna ang kanyang desisyon dahil gusto daw niya ibigay ang lahat sa isang
espesyal na araw. Na e-excite naman ako. Kailan kaya iyon?
Mas naging maganda pa ang aming
pagsasama, hanggang sa umabot na nga kami ng isang buwan.
Araw ng monthsary namin noon.
Isang magandang gising ulit ang aking nadama. Alam ko kasi ang araw at petsa na
iyon. Nakatanggap ako ng isang text galing sa kanya.
“GooD Morning Jamrich ko~! Happy
1st Monthsary~! I do hope You are Happy for This day because
Masayang masaya talaGa ako~! LatEr susuNduin kta ah? Again Happy Monthsary, I
love You Jamrich ko MUWAH~! MUWAH~! HUUUGGzzzZZ~!
Buung-buo ang umaga kapag
message niya agad ang aking nababasa. Agad akong nag-ayos ng aking sarili.
Nilipad ang hagdanan, nag-ayos ng aking sarili. Ako at ang aking Yaya Thelma
lang ang kasama ko sa bahay namin sa Manila. Doon pa din tumutuloy sina Mommy
at Daddy sa Cavite sapagkat mas kumportable daw kapag nandoon sila. Kumain ako agad ng aking
almusal. Matapos ay nag-ayos ng sarili. Kailangan pormado, kailangan guwapo
akong tingnan kay Rich. Matagal ang
preparasyon ko. Para bang kasal ko na ang mangyayari sa tagal ko. Hanggang sa
may narinig akong nag-doorbell. Tinawag ako ni Yaya Thelma.
“Sir Jam, mi bisita hu kayu.”
Bumaba ako at tinungo ang
pintuan.Doon tumambad si Rich sa aking harapan. May dala itong bulaklak. Ang
guwapo niyang tingnan sa kanyang suot, daig pa ang akin.
“Happy 1st monthsary
Jamrich ko.” Pambungad niya sa akin.
Pinapasok ko siya sa aming
bahay. Kilig na kilig si Yaya Thelma sa kanyang nasaksihan. Alam ni Yaya ang
lahat sa akin. Sa kanya ako nagbukas ng tunay kong pagkatao. Tanggap niya ito.
Sabi na nga lang niya sa akin na okay lang iyon hangga’t walang inaapakan at
masaya ako. Sana naging Nanay ko na lang ang aming Yaya.
Nag-ayos lang ako sandali at
nang matapos ay umalis na kami. Nagtungo kami sa Luneta upang mamasyal. Sa
Chinese Garden kami tumuloy. Doon namin ibinalik-tanaw ang pangyayaring hindi
namin makakalimutan. Doon kami muli
lumugar sa isang maliit na pavillion. Maya –maya lang ay inilabas niya ang
kanyang cellphone at maliit sa speakers.
“Happy Monthsary ulit Jamrich
ko. Sana magustuhan mo itong handog ko sa iyo. Sa ngayon ay hindi ako makaisip
kung ano ba ang ireregalo ko. Pero sana makinig ka sa akin. Hayaan mo ang iyong
tainga na pakinggan ang aking handog.”
Kunuha niya ang kanyang cellphone.
Isang musika ang aking narinig.
“Magustuhan mo sana ang aking
pagkkanta.” Muling sumambit ito at panakaw na humalik sa aking pisngi. Mas
kinilig pa ako.
Mga ilang saglit pa ay nagsimula
na ang unang intro ng awitin na “You Are
My Song” ni Erik Santos.
(Please play the song para mas madama ang pagbaabsa ng mga
sumusunod na bahagi).
You
are the song
Playing so softly in my heart
I reach for you
You seem so near
And yet so far
Playing so softly in my heart
I reach for you
You seem so near
And yet so far
Napakaganda niyang kumanta. Sa
bawat linya ng kanyang inaawit ay nadadama ko ang pagbibigay damdamin ni Rich.
Mahusay ang kanyang pagkanta. Mas lalo akong naiinlove sa kanya.
I hope and I pray
You'll be with me someday
I know down inside
That you are mine
And I'm your true love
Or am I dreaming?
Mula noong
araw na iyon ay iasang masayang araw ang pangyayari. Niyakap ko siya ng
pagkahigpit-higpit. Hindi ko na kaya ang sayang nararamdaman ko. Ibinigay ko
ang aking unang halik sa kanya. Idinampi ko ang aking labi sa kanyang
napakalambot na labi. Isang ligaya muli ang naghahari sa aming kalooban. Unang
halik, unang dampi ng aking labi sa labi ng aking mahal.
How can I
Each time I try to say goodbye
You were there
You look my way and touch the sky
Matapos ang araw na iyon sa
Luneta ay nagtungo kami sa aming bahay. Doon matutulog sa amin si Rich.
Kumindat ito sa akin. Mukhang alam ko na ang ibig sabihin ng kanyang pagkindat.
Minabuti kong tawagan si Yaya Thelma na ayusin ang bahay. Tinawagan din ni Rich
ang kanyang Nanay upang mag-paalam, at pumayag ito. Gabi na kami makarating at
tinungo agad ang aking kuwarto. May kung anong hiwaga ang aking nararamdaman
pagpasok.
We can share tomorrow and forevermore
I'll be there
To love you so
You are my song
Doon
nagsimula ang lahat ng makabagong ligaya, makabagong pagsakop ng aking pagkatao.
Isinandal niya ako sa dingding. Napapikit ako. Dahan-dahang lumapat ang kanyang
labi sa akin. Isang halik na napakasarap, hanggang sa naging mapusok. Hindi ko
alam kung paanong gumagalaw ang labi ko ng ganoon. Mukhang hindi na
pinag-aaralan ang lahat ng gagawin. Tanging ang katawan namin ang sadyang kumikilos
sa mga pangyayari.
I know for sure
That we were meant to fall in love
I look in your eyes
I know what you're thinking of
Mas
mapusok pa ang pagpapalitan ng halik sa isa’t isa. Gumalaw ang aming mga kamay
upang hubarin ang saplot ng bawat isa. Hanggang sa naglapat na ang aming hubad
na laman. Ramdam ko ang bungguan ng galit naming mga alaga. Dama ko ang
kahabaan noon. Ang pinong balahibo ni Rich sa kanyang dibdib ay dama ko din.
Napakainit ng aking nararamdaman. Itinungo namin ang kama. Hiniga niya ako at
Dahan-dahang pumatong sa akin.
I try not to say
The words that might just scare you away
I know down inside
That you are mine & I'm your true love
Please, no more dreaming.
Nagsimulang gumapang ang kanyang
labi sa aking leeg, hanggang sa aking magkabilaang utong na siyang nagdala sa
akin ng ligaya. Pigil ang aking pag-ungol ngunit nadidinig iyon ni Rich.
Ipinagpatuloy lang niya iyon hanggang sa tinungo ang aking tiyan at umabot na
ito sa aking galit na galit na alaga.
How can I
Each time I try to say goodbye
You were there
You look my way and touch the sky
Nagsimula akong nakaramdam ng
init nang maipasok ni Rich ang aking alaga sa kanyang mainit na bibig. Mahusay
ang dahan-dahang paghagod nito hanggang sa bumilis pa ng bumilis. Mas lumakas
pa ang aking pag-ungol. Hinawakan ko ang kanyang ulo upang idiin ito sa aking
ari. Kung anong sarap ang nababalot sa aking pagkatao. Matapos ng iyon ay ginawa
ko din ang ginawa niya. Nagsimula ang
halik sa kanyang leeg, dibdib, tiyan, hanggang sa umabot sa kanyang galit na
galit na kargada. Napakaba niyon, maula-mula at parang masarap paglaruan. Ganoon
ko din ginawa sa kanya na kung ano din ang ginawa niya sa akin. Mas lumakas pa
ang pag-ungol nito. Tlia sarap na sarap sa dalang sensasyon ng aking ginagawa.
We can share tomorrow and forevermore
I'll be there
To love you so
You are my song
You Are My
Song
Mga ilang saglit pa ay nag-iba
ang posisyon nito. Ibinaling niya ang ulo patungo sa aking alaga habang ang ulo
ko din ay nakatapat sa kanyang kargada. Muli niyang ipinasok ang bibig sa aking
ari, ganoon din ang aking ginawa. Hanggang sa bumilis ng bumilis. Kitang-kita
ko na sarap na sarap siya sa kanyang ginagawa habang ako din ay napapaungol sa
sarap. Langit ang dala sa akin ng aming ginagawa. Mga ilang sandali lang ay
malapit na akong labasan.
“Rich malapit na ako! Ikaw ba?”
Wika ko.
“Oo Rich! Humiga ka. Ipuputok ko
‘to sa tiyan mo.”
We can share tomorrow and forevermore
I'll be there
To love you so
You are my song.
You Are My Song.
Agad akong nagpalit ng posisyon.
Umayos ako sa aking pag-higa habang nilalaro ko ang aking alaga.Humarap naman
siya sa akin. Nakatapat ang alaga nito sa aking tiyan. Mga ilang saglit pa ay
idinala na kami sa rurok ng kaligayahan,
nagbunga ang katas ng aming pagmamahalan. Kakaibang sensasyon ang aking
naramdaman nang dumampi ang labi nito sa labi ko habang nilalabasan. Hayok na
hayok, sarap na sarap. Hangaang sa ang ungol ay napalitan ng paghahabol ng
hininga. Humiga si Rich sa tabi ko. Humarap ako sa kanya. Kumindat ito at
ngumiti.
“Mahal na mahal kita Jamrich ko.
Sana magtagal pa tayo. Happy monthsary ulit.” Sambit niya.
Hinalikan niya ang aking noo, sumunod
ang aking ilong at ang muling pagdampi ng kanyang mapupulang labi sa aking mga
labi.
Isang gabi na puno ng
pagmamahalan, puno ng saya. Isang maalab na paglalahad ng aming pagmamahalan,
unang halik, unang pagtatalik. Ramdam ko ang ligaya sa piling niya noong gabi
na iyon. Napaka espesyal sa akin. Hanggang sa nakatulog kami, ni kahit ano mang
saplot ay wala kami. Sa wakas at masasbi ko na sa aking sarili na mahal na
mahal ko talaga ang aking kababata, dating kaibigan, at ngayon, ang aking mahal
na kasintahan.
Expect ko nmn n hahantong cla dun. Ano kyang balakid ang drating s knilang 2? Sna nmn maging happy ending din Cla!
ReplyDeleteSana katulad din ni Rich yung taong mahal ko T.T :)
ReplyDeleteGreat Chap :)