Followers

Sunday, August 25, 2013

You're Really The One (Chapter 10)



The Side of Rich

                Masarap makaranas ng pagmamahal ng isang tao, lalo na kung ito ay inyong pinagsasaluhan, pinalalakas at pinapatibay. Iyong sa halos araw-araw ay nais mong siya pa rin ang kasama hanggang sa pang habambuhay kung maaari. Mas masarap ang pagmamahal kung sa taong mahal ka din mo ito ibabahagi. Masarap ang pagpapalitan ng pag-iibigan sa isa’t isa, mas madadama ang init ng pagsasama.

                Mula noong araw na naging kami ni Jam ay halos hindi ko na kayanin ang ligayang nadadama. Ligayang ni minsan ay hindi ko nadama kahit na noong naging kami ni Thea. Ligayang tunay. Mas naramdaman ko na ng buo kung ano ang pakiramdam ng pagmamahal at mas lalo ko pang ninamnam ang lahat kay Jam. Tila dinadala sa langit ang kaluwalhatian ng damdamin, nagtatalo ang kakaibang saya at sarap. Hanggang sa pinagsaluhan namin ang aming tunay na pag-iibigan noong gabi ng aming unang monthsary. Mas naging maalab, naging mapusok. Tila nasa giyera kami ng kaligayahan. Mula nang mangyari iyon ay alam ko na buong-buo na ang aming pagmamahalan. Sa init ng aming pagtatalik hanggang sa natamasan namin ang rurok ng kaligayahan ay dama ko ang aming masayang pagsasalo ng pag-ibig. Bago man sa amin ang lahat ngunit ito ang mas lalong nagpatatag sa amin ni Jam. Ginupo man ng antok pero may ngiti pa ring puminta sa amin bago tuluyang pumikit ang aming mga mata. Nagawa ko muna siyang halikan mula sa noo, pababa sa kanyang ilong hanggang sa umabot na ito sa kanyang mga labi. Niyakap ko siya ng mahigpit, pumikit at tuluyang nakatulog.

                Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa sikat ng haring araw. May ngiti agad na puminta sa aking mukha. Tinuran ko ang aking tingin sa kaliwa kung saan nakahiga si Jam sa aking braso. Napakapogi niya kahit tulog, napakakinis ng kanyang balat at mas lalo pang nagpatingkad sa kanyang kagwapuhan ang kaputian nito. Mas mapula ang kanyang mga labi. Gusto ko sana siyang gisingin ngunit pasin ko na mahimbing ang kanyang pag-tulog. Nangigigil ako sa kanya kaya hinalikan ko na lang ito ng dahan-dahan. Tinagalan ko ang pagdampi nito hanggang sa gumalaw ang kanyang mga labi. Ikinabigla ko iyon. Ini-angat ko ang aking ulo. Unti-unti siyang dumilat, ngumiti ito.

                “Ikaw ah? Nakikiramdam lang ako. Sa totoo lang kanina pa ako gising.” Tugon niya.

                “Jamrich ko talaga. Kagatin ko ‘yang labi mo eh.” Pangiti kong sambit.

                “Edi gawa.” Sambit niya sabay ang pagkagat ko sa kanyang ibabang labi. Ang lambot talaga ng kanyang mga labi. Ang sarap halik-halikan.

                “Oh ayan. Sabi mo gawa eh.”

                “Isa pa nga? Ang sarap eh?” May kilig na pagkakasambit niya.

                “Ah, inuuto mo ako ah? Halika kikilitiin kita!” Nilagay ko ang aking mga kamay sa kanyang baywang at kiniliti ito.

                Napatayo ito sa kakatawa. Pilit na tinatanggal ang aking kamay na kumikiliti sa kanya. Nang matanggal ay gagawin din niya sana ito sa akin ngunit naka-iwas agad ako. Tumayo ako sa kama at tumakbo palibot sa kanyang malaking kuwarto. Agad itong tumayo upang habulin ako. Naghabulan hanggang sa nahuli niya ako at kiniliti din sa baywang. Hubad pa kami noon ngunit hindi namin alintana dahil nasa kuwarto naman kami at wala namang makakakita. Muli naming pinagsaluhan ang halik. Makaraan lang ng ilang sandali ay kumatok si Yaya Thelma.

                “Sir, handa na po ang inyung almusal.”

                “Sige yaya bababa na kami. Salamat” Tugon ni Jam sa kanyang Yaya Thelma. “Halika na at magbihis.” Suyo niya.

                “Halikan na at magbihis?” Pabiro ko.

                “Ah, halikan pala ah? Oh heto.” Tinutok niya muli ang kanyang labi sa akin. Nagsimula muling gumalaw ito ngunit inilayo ko agad ito sa kanya.

                “Kumain na tayo Jamrich ko. Mukhang nasabik sa halik ah?” Tugon ko.

                “Nakakabitin ka naman eh.” Tumalikod si Jam. Sa pagtalikod niyang iyon ay dahan-dahan ko siyang niyakap, dinantay ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

                “Jamrich ko, ‘wag na magtampo. Ayaw kong nagtatampo ang pinakamamahal ko.” Malambing kong sambit sa kanya.

                Nagulat na lamang ako at biglang inilagay niya ang kanyang kamay sa magkabilaang baywang ko at kiniliti. Hindi ko kinaya ang kanyang ginagawa hanggang sa tawa na lang ako ng tawa.

                Isang napakasayang araw iyon sa amin ni Jam. Maka-ilang ulit din namin ginawa ang ganoong mga eksena habang nagtatagal pa ang aming pagsasama. Mas may init, may alab. Dahil sa bago lamang iyon sa aming pakiramdam ay hindi namin mapigil ang aming sarili. Mga batang nakadiskubre ng makabagong ligaya. Kung hindi sa kanila ay sa amin namin iyon pinagsaluhan. Doon kasi naman mas nadadama ang aming pagmamahalan. Sa bawat natatamasa namin ang rurok ng kaligayahan ay nararamdaman namin ang kakaibang pag-ibig.

                Hanggang sa magsimula ang unang semestre ng taon ay sabay kaming pumasok, kasama ang aming matalik na kaibigan na si Kyle. Kahit na mayroon kaming relasyon ni Jam ay hindi pa rin namin isinasantabi si Kyle, kahit sa mga sunud-sunod na alis namin ay hindi namin siya kinaliligtaan. Mahal din namin ang aming bestfriend at kahit na magkasintahan kami ng aking pinakamamahal na si Jam ay nagagawa pa din anmin gawin ang mga bagay noong kami ay magkaibigan pa lang. Ngayon ko lang naramdaman ang totoong kaligayahan, kaligayahan na iyong ginagawa base sa sambit ng aking isip at tugon ng aking puso. Hanggang sa tinanggap ko na ng lubusan ang aking pagiging alanganin. Sa tuwing lalabas kami ni Jam ay hindi na ako nahihiyang hawakan ang kanyang malambot na palad kahit nasa pampublikong lugar kami at si Jam ay nagpaparaya naman. Ano ba ang masama sa holding hands kumpara sa ibang mga tao na mas grabe pa sa holding hands ang pinapakita sa publiko? Kahit punahin man ng tao ay hindi namin iyon pinapansin. Alam namin na hindi pangkaraniwan sa ating bansa ang ganito ngunit ano ba ang aming kasalanan? Tanging pagpapakita lamang ng pagmamahal sa isa’t isa ang aming pinapakita. Kung minsan ay nakakarinig kami ng hindi maganda ay mayroon pa rin namanng karamihan na natutuwa sa amin. Ang sweet daw namin, nakakatuwa daw kami, at hindi daw nahihiya. May iba na bumibilib sa amin sa tuwing nakikita kami ni Jam sa ganoong akto ng mga taong nasa paligid namin. Kahit papaano ay hindi lahat ng tao ay hindi maiintindihan ang aming kalagayan. Mayroon at mayroon pa rin talagang mga tao na nakaka-appreciate at nakakaintindi.

                Tumagal ang aming relasyon, lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang ika-anim naming monthasry. Isang dinner date ang handog sa akin ni Jam. Isa iyon sa pinakasweet sa akin, lalo pa at kasabwat si Kyle sa pangagayri na iyon. Ang sabi lang noon sa akin n i Kyle ay may pupuntahan daw kaming mahalaga. Hindi pa nga sana ako sasama noon dahil natapat sa monthsary namin ni Jam ang petsa na iyon. Nakapagtext na ako noon kay Jam na hindi ko siya makakatagpo pero sa importanteng lakad na iyon ay si Jam din pala ang aming tatagpuin. Doon ulit sa Chinese Garden ang venue. Sa hindi ko malaman kung paanong pwede ang mag-dinner doon, pero isa iyon sa romantic na ginawa sa akin ni Jam. Mas natuwa pa ako habang kumakain kami ay tumugtog si Kyle ng awiting You Are My Song sa pamamagitan ng kanyang Violin. Malinis at napakaganda ng kanyang pagtugtog, malinis at tila isang simponya sa aming tainga. Doon ko nakita ang pagiging supportive ni Kyle sa aming relasyon ni Jam. Muli ito nagtapos sa mainit na pagtatagpo sa aking kuwarto, isang mapusok ang pakawala ng aming ginawa, mas maalab, may sensasyon, may tamang galaw, ritmo at kumpas hanggang sa pumakawala na ng katas ng kaligayahan ang aming galit na kargada. Kakaibang sarap talaga ang hatid ng ginagawa namin na iyon. Doon pa namin mas minahal ang isa’t isa.

                Sa tagal ng pagsasamahan na iyon ay hindi namin inaasahan na magkarron ng tampuhan ngunit hindi namin ito pinang-aabot pa ng bukas. Nagkaroon na kami ng mga away pero gusto ko pa rin iyon ma-ayos agad. Hindi naman iyon nawawala sa isang relasyon. Doon natin makikita ang katatagan ng bawat isa. Ngunit sadyang pahirap ng pahirap ang mga pagsubok na aming idinadanas. Una, kailangan namin i-balanse ang aming pag-aaral at ang relasyon namin. Pangalawa, madalas ang aming case study kaya madalas ko ding nabibigo si Jam kung siya ay nagyayaya na lumabas. Pangatlo naman ay hindi pa din alam ni Nanay at Tita ang lahat ng mayroon kami, lalo na ang aking totoong kulay. Minsan isang araw ay nagising ako sa malakas na pagtunog ng aking cellphone. Bumungad sa akin ang tawag ni Jam. Agad ko iyong sinagot.

                “Hello?”

                “Goodmorning Jamrich ko!” Masiglang sambit niya.

                “Oh ang saya yata ng gising ah? Bakit?”

                “May naaalala ka ba?” Tanong niya.

                “Naaalala? Wala? Ano ba iyon?” Pagtataka ko.

                “Ha? Hindi mo naaalala ang araw ngayon?”

                “Hindi. Ano bang meron ngayon?”

                Bigla niya itong pinatay. Nagulat ako sa mga pangyayari. Ano ba ang araw ngayon? Mukhang ordinaryo lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nais na ipahiwatig ni Jam sa araw na iyon. Minabuti kong maghilamos muna. Pagkatapos ay tinignan ko ang aking kalendaryo na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto. Malabo pa ang mata noon hanggang sa nahawakan ko ang aking bibig. Nagulat ako sa petsa na tumambad sa akin. Hindi ko alam na ang araw na iyon ang aming pang siyam na monthsary. Agad kong kinuha ang aking cellphone, tinawagan si Jam at inantay ang kanyang pagsagot subalit tanging ang pag ring lang ang aking naririnig. Hindi niya ito sinasagot. Marahil ay nagtampo sng aking Jamrich.

                “Bakit hindi ko na-alala ang araw na ito?” Tugon sa aking sarili habang inuuntog ko ang aking ulo sa aking kamay.

                Nais kong makita si Jam ngunit naalala ko na mayroon pala kaming case study. Pambihira naman! Nagkasabay-sabay ang araw na ito sa mga importanteng bagay. Kung pupuntahan ko si Jam, magagalit sa akin ang aking mga ka klase dahil ako ang inaasahan na manguna sa kaso na iyon. Kung dadalo naman ako sa aking case study ay magtatampo sa akin si Jam. Naka strike 1 na nga ako sa kanya. Pero baka maintindihan naman niya kung sasbihin ko na kailangan matapos ang aming case study dahil bukas ay ang deadline noon. Hindi sinasagot ni Jam ang aking tawag kaya naisipan ko na lang na itext ito.

                “Good mrning Jamrich ko. I’m so sori kanina. Hindi ko kasi na2lala na mnthsary natin. Uhm. . . Jamrich ku sori dn ndi kta msisipot today. We hve to finnish our case study to be submitted tommow. I’m very sori. . . Wag kna po mgtampu. I promise babawi ako . . HAPPY 9th MONTHSARY JAMRICH KO~! I LOVE YOU MUWAH~!”

                Magsesend pa lang ako nang bigalng nagtext sa akin ang isang notice.

                “Sorry you have an insufficient balance to continue this service. Please reload immediately.”

                Anak ng tokwa! Wala pa akong load! Malayo pa ang tindahan sa amin at kailangan ko ng pumunta sa bahay ng aking kaklase. Late na din ako. Ano bang kamalasan ang mayroon ako ngayon?

                Hindi lang isang beses na nangyari iyon. Naulit muli noong 11th monthsary namin. Ang dahilan muli ay ang aming case study. Naalala ko naman ang petsa na iyon kaya maaga pa lang ay nagsabi na ako sa kanya. Tumawag ako.

                “Good morning Jamrich ko. Happy monthsary!” Panimula ko.

                “Good morning din. Happy monthsary.” May katamlayan ang kanyang boses.

                “Oh, bakit ganyan ang Jamrich ko? May dinaramdam ka ba ngayon?”

                “Ah, wala wala. Buti naalala mo na monthsary natin ngayon.”

                “Oo naman. Eh kaso Jamrich ko. . .”

                “Anong kaso?” Agad niyang tanong sa akin.

                “May case study kami ngayon. Kailangan kong gawin iyon ngayon eh. Mahirap ang ibinigay sa aming case kaya..”

                “Case study na naman?” May diin ang kanyang pagsambit. “Lagi naman eh, lagi naman iyan ang rason mo.  Case study na nga noong nakaraan lang ngayon case study na naman ulit? Ano ba yan?”

                “Jamrich ko, i’m sorry kailangan talaga eh.” Paanas kong sambit.

                “So ano, mababalewala na naman ang 11th monthsary gaya ng pagbabalewala mo sa ating 9th monthsary? Ok lang sa akin Rich na gumawa ka ng ganyan. Pero i need your time din para makasama ka. Miminsan mo na lang ako sunduin. Magkikita lang tayo para ihatid mo ako tapos susunduin. Ni hindi na nga halos tayo nagtatabi sa kama. Kung magkatabi man tayo nasa isip mo pa din ‘yang case study ninyo?” Padiin niyang tugon.

                “Eh ano pa bang magagawa ko?!” Nainis na ako. Kung alam lang niya kasi ang kalagayan ko sa kursong kinuha ko. “Kasalanan ko ba na natatapat ang araw ng aming case study sa monthsaries natin?” Dagdag ko.

                “Pwede ka naman mag-excuse hindi ba? Maraming paraan kung gugustuhin mo Rich!”

                “Pero anong irarason ko? Dahil monthsary natin? Maaari bang rason iyon?”

“SO ano na naman ulit? Nganga na naman ako ulit? Ano na naman ang gagawin  ko? “

“Then do something na kapaki-pakinabang! Jam hindi kailanman napapagbigyan tayo!” May inis kong sinambit iyon.

“Ah ganoon pala? Oh edi huwag na lang natin i-celebrate ang ating monthsary, pati na din sa mga susunod pang monthsaries ay huwag na din natin ipagdiwang! Baka kasi CASE STUDY ninyo na naman sa date ng ating monthsary. Oh kaya sa dadating na anniversary natin ay CASE STUDY pa rin ang aatupagin mo! Puro na lang. . . . .”

“Could you please shut your mouth Jam?!” Nagagalit na ako. Nakakainis. Hindi ko ba alam kung talagang sinasagad niya ang aking pasensya.

                Agad niyang pinatay ang kanyang cellphone. Alam ko na inis na din siya. Hindi ko naman kasalanan na natatapat sa petsa ng aming case study ang aming monthsary ni Jam. Bakit hindi niya maunawaan. Dapat nga ay siya pa itong nakakaintindi sa akin dahil mas lamang siya sa akin pagdating sa pang-akademikong gawain. Hindi biro ang case study sa aking kursong Bachelor of Science in Nursing lalo pa at mabibigat na cases ang ibinibigay sa amin. Masisisi ba niya ako kung kailangan kong pag-aralan ng maigi ang aking gagawin? Sana naintindihan din niya. Estudyante lang naman din kami parehas. Kapag siya naman ang may gaiawin sa school ay binibigay ko ang kanyang oras upang gawin iyon. Pero bakit siyaganoon? San naisip din niya na kailangan ko din matapos ito para magraoon ako ng magandang marka, makagraduate at magkaroon kami ng masaganang buhay para sa aming kinabukasan.  

                Idinaan ko na lang ang lahat sa pag-aasikaso ng aming case study. Doon ko na lang inituaon ang lahat ng aking oras at para makalimot din sa inis na aking nadadama. Ngunit hindi matiis si Jam, nais ko siyang tawagan o itext. Hindi ako sanay na nagkakaroon kami ng ganitong tampuhan. Mahal na mahal ko si Jam ngunit may kailangan muna akong unahin bago ang lahat. Sana maintindihan din niya.

                Nagkaroon ako ng oras para tawagan siya. Agad ko siyang tinawagan. Hindi ko siya matiis. Sino ba ang kayang tiisin ang kanilang mahal hindi ba? Mas matatamihik at mapapalagay ang ating loob kung magiging maayos at matiwasay ang bawat isa sa amin. Alam ko na ganoon din ang nararamdaman ni Jam. Pagka-ring pa lang ay agad niya itong sinagot.

                “Hello Jamrich ko?” Pambungad ko.

                “Jamrich ko kamusta ka na? Okay ka lang po ba? May nangyari po ba sa iyong masama?” Sunud-sunod niyang mga tanong.

                “Ok lang ako Jamrich ko. Bakit ganyan ka po magtanong?”

                “Mabuti naman. Ang sama kasi ng panaginip ko Jamrich. Sana hindi iyon mangyari.”

                “Ikaw ba Jamrich ko? Ok ka lang ba?” Pag-aalala ko. “I’m sorry for what I did kanina. Hindi ko sinasadya na masigawan ka.”

                “I’m sorry din Jamrich ko. Dapat maintindihan ko ‘yung lagay mo. Hindi ko din sinasadya. Namimiss na kasi kita Jamrich ko kaya nagkakaganito ako.” Malumanay niyang sambit.

                “Kahit ikaw naman Jamrich ko namimiss na kita. Sobrang miss. Hayaan mo Jamrich ko I promise babawi ako sa iyo? Ano ba ang gusto mo?”

                “Jamrich ko, panatag na ako kung makikita lang kita, mamayakap at mahahalikan. I’m sorry talaga for what I did earlier.”

                “Jamrich ko hindi naman kita matitiis, mahal na mahal kita kaya kahit ano man ang nagawa mo sa akin ay mawawala iyon sa isang sorry mo lang.”

                “Maraming salamat Jamrich ko.”Tugon niya. “Namimiss na kita talaga. Pero I understand kung hindi ka talaga makakapunta ngayon. It’s for  your future naman ya. . . “

                “No, it’s for our future, Jamrich ko.” Pamutol ko sa kanya.

                “Jamrich naman eh, hihihihi.”

                “Ayan napapasmile ko na ba ang Jamrich ko?”

                “Oo na Jamrich ko. Ang corny mo talaga?”

                Sa wakas at nagkaroon na ako ng panatag na loob. Mabuti na lang at hindi din ako natiis ni Jam dahil kung sakali ay malulungkot ako ng sobra at isa pa ay pang  ika-11 na monthsary namin noon. Hindi man namin kasama ang isa’t isa pero nais ko sa kanya iparamdam na magkalayo man kami ay gusto kong maramdaman niya na espesyal pa rin ang araw na iyon. Sa pamamagitan ng maya’t mayang text ko sa kanya ay nagkaroon muli ng sigla sa akin. Miss ko na talaga ang Jamrich ko. Nagkaroon akong sikapin matapos ang aming case study, at sa awa ng Maykapal ay napagbigyan Niya ako sa hiling ko. Natapos namin agad ang aming case study, at may pagkakataon pa akong mabisita si Jam sa kanila. Mayayakap at mahahalikan ko na siya, makakapiling ulit kahit na sa maikling oras lamang. Sobrang miss ko na ang aking mahal na Jamrich ko. Gusto ko sana siyang sabihan ngunit mas maganda kung susurpresahin ko na lang siya.

                Bago ako magtungo ay tumungo muna ako sa isang kilalang bakeshop upang bumili ng Cake. At dahil espesyal sa amin ang araw na ito ay sumibat na din ako sa isang flower shop upang bumili ng red roses. Sana matuwa siya sa aking handog sa kanya. At dahil sa surpresa ito ay magandang tawagan ko ang kanyang Yaya Thelma para makasabwat ko. Mabuti na lang at nakuha ko ang kanyang number. Nang matawagan ko ito ay agad din niyang sinagot.

                “Hillow sir?” Pambungad niya.

                “Hi sa pinakamagandang kasambahay sa buhay ng aking mahal.” Panlalambing ko.

                “Naku sir naman, buto naman na aku sa inyung dalawa ni sir Jam ih. Uh bakit ka pu napatawag?”

                “Yaya Thema may surprise sana akong gagawin mamaya kay Jam. Maaari mo ba akong tulungan?”

                “Naku sir, wala dito si Sir Jam. Umalis po nagon may pupuntahan daw po.”

                “Ha?” Nagulat ako. “Saan daw po nagpunta?” Agad kong tanong.

                “Dili ko alam. Piro narinig ko mi imemeet daw?”

                Napaisip ako. May i-memeet si Jam? Ngunit sino? Hindi man lang sa akin nasambit ni Jam na mayroon siyang katagpuan. Nagpasalamat ako kay Yaya Thelma at pinatay ko na ang tawag. Agad kong tinawagan si Jam ngunit out of coverage area siya. Kinabahan ako. Sino kaya ang kanyang ka-meet? May importante ba silang pag-uusapan kaya sila magkikita? Maraming mga sumusulpot na tanong sa aking balintataw. Naka-ilang text na din ako ngunit hindi siya nagrereply. Mas lalo akong nangamba. May pag-alala ngunit may kaunting pagdududa. Oo dahil hindi ko sigurado kung sino ang katagpuan niya. Mas lalo pa iyon nangibabaw dahil hindi ko siya matawagan, ni mag reply ay wala. Ayaw ko sana ang ganitong pakiramdam ngunit hindi ko maiwasan.

                Malungkot akong naglalakad sa kahabaan ng daan sa Maynila nang may napansin ako sa isang restaurant. Isang eksena ng dalawang lalake ang kumakain. Sa aking napapansin ay masinsinan ang kanilang mga usapin kahit na hindi iyon naririnig gawa ng salamin na bintana ng restaurant. May kaunting tawanan, ngunit may mga akto sila na masinsinan silang nag-uusap na parang nagkakamabutihan ang dalawa. Mukhang masaya ang gannong eksena kung ganoon din kami ni Jam sa araw na iyon. Ngunit kumirot ang aking puso. Sa eksena na iyon ay sana ako na lang ‘yung lalake na kasama ng isang lalake. May sakit dahil sigurado na ako na si Jam iyon at may kausap siyang lalake. Nababalutan ang aking sarli ng panginginig. Halos muntikan ko ng mabitawan ang aking mga dala na ihahandog ko sana sa kanya. Sa monthsary pa namin niya ito nagawa? Ngunit paano? May nagawa ba ako para gawin niya iyon sa akin?

                Hindi ko na kaya. Niloloko lang ba ako ni Jam? Pinapaikot lang ba niya ako? Matapos ko siyang mahalin ay nagagawa pa niyang makipagkita sa mga lalake at doon makipagsaya? Akala ko ba naiintindihan niya ako sa aking sitwasyon kung bakit hindi ko magawang makipagkita sa kanya, na mabigyan siya ng oras upang makasama. Hindi ko na kinaya. Tumakbo ako palayo. Hindi ko na inintindi ang mga tao na makakabunguan ko dahil parang nawala ako sa aking sarli. Ang nais ko lang ay lumayo doon. Masakit, sobra.


                Ngunit isang iglap ang nangyari sa akin. Sa pagtakbo na iyon ay biglang naging puti lahat ng aking nakikita. Anong nangyayari sa akin at bakit naging ganito ang aking nakikita? Ni kahit ano sa paligid ay wala akong makita kahit tao o mga gusali. Isang pangyayari ang nagbago sa lahat. Pangyayari na kahit na hindi naman nais. Doon nagkaroon ng isang tanong pero parang sa kanya ay masakit iyon malaman. Sino si Jam?

Thursday, August 22, 2013

You're Really The One (Chapter 9)



The Side of Jam

                Paano ba ako magsisimula? Hmmmm.... Hindi ko alam ano ang aking imumutawi, kung paano ako maglalahad. Marahil nababalot ngayon ng matinding kabog ang aking puso. Sa mga sinambit sa akin ni Rich ay tila tumigil ang aking mundo at nagsisimula na muling umikot. Tinanggap ko na ang lahat ng kung anong mayroon sa kanya subalit sa pagkakataon na ito ay hinila ako pabalik. Tunay nga ba iyon o sadyang panaginip lamang? Kung panaginip lang ang lahat, maganda na huwag  munang magising pa. Pero totoo ito. Kahit ilang beses ko pa sigurong sampalin ang aking sarili ay hindi gagana sapagkat totoo nga na nangyayari ang lahat ng ito sa akin. Mahal ako ni Rich.

                Hindi ko na kayang manatili sa pakikipag-usap ko noon kaya pinatay ko ang aking cellphone. Oo may galit sa akin, pero ang nakakapagtaka lamang ay hindi ko magawang saktan siya. Mas nangingibabaw pa din sa akin ang pagmamahal kay Rich kaysa ang magalit sa kanya. Sa bubot kong balintataw at sa sinasaklaw ng buo kong puso ay hindi ko maitatanggi ang tunay na pag-ibig ko sa kanya. Marahil tinanggap ko ang mayroon siya noong sila pa ng kanyang kasintahan subalit muling nanumbalik ang naudlot kong pagmamahal nang masambit niya sa akin na mahal din niya ako. Kung anong pagmamahal muli ang sumakop sa aking pagkatao. Hanggang sa ang  galit ay naglaho at naghari ang unti-unting saya. Mas nabuhayan ako, may kung anong kilig at tuwa na nakapinta sa aking mukha. Ligaya na ngyon ko lamang naramdaman. Ganoon ko ba talagang mahal si Rich ng tunay? Taliwas ko ngayong isipin ang nagawa niya sa akin dahil sa saya na aking nararamdaman. Akala ko ay wala na talagang pag-asa na maibaling din sa akin ang pagmamahal na aking nais mula kay Rich. Gusto ko sana ulit siyang tawagan  subalit hindi ko alam ang aking isasambit sa kanya. May nasabi akog hindi maganda kaya nahihiya ako na muli siyang tawagan. Mabuti na lang at naisip ko si Kyle upang tawagan. Nag-dial ako, hanggang sa kanyang sinagot ito.

                “Bakla, bakla!” Pambungad ko.

                “Maka-bakla naman ‘to Wagas! Ipamukha ba sa akin? Oo ‘teh tanggap ko naman kaya hindi mo na kailangan ipagdakdakan sa akin!”

                “Gaga. Napatawag ako dahil may sasabihin ako sa iyo!”

                “Oh eh anong pang sasabihin mo bukod sa ipinapamukha mo pa sa akin ang pagiging bakla ko?”

                “Kanina tinawagan ko si Rich.” May ngiti sa aking labi nang mabigkas ko ang pangalan.

                “Oh so what naman? Teka may napapansin ako sa iyo. You seem like may saya sa iyo.”

                “Hulaan mo anong sabi niya sa akin?”

                “Ah wait.” Huminto ng pananalita si Kyle. Hanggang sa mga ilang segundo lang ay nagsalita muli ito. “Natutuwa kasi Hiwalay na sila ni Thea? Naku ‘teh Trending na po! According sa mga sistarets kong classmates na nag-spilt na ang mag jowa dahil gogora na si Thea sa States!”

                “Oh ganoon ba?” Natigil ako. Kaya naman pala. Pero bigla kong naisip na kaya ako binabalikan ni Rich para mapagpatuloy ang naudlot na pag-iibigan nila ni Thea sa pamamagitan ng aking katauhan. Parang nabawasan ang aking saya. Pero sana hindi ganoon, sana tunay ang kanyang sinabi na Mahal niya ako.

                “Oo. Oh hindi ba tama?”

                “Uhm. Hindi Kyle eh?”

                “Hindi niya sa iyo naikuwento? Well ano ba ‘yung sinabi niya sa iyo aber?”

                “Mahal daw niya ako.”

                “O-M-G!” Malakas ang kanyang pagkakasambit, halos mabingi na ako sa lakas ng kanyang boses.

                “Bestfriend masakit sa tainga!”

                “Sorry naman bestfriend nadala lang ako sa kagalakan! Ikaw na ‘teh!” Malakas pa din ang kanyang pagkakasambit. May-maya lang ay narinig ko ang kanyang Mommie.

                “Oh Kyle naaano ka na diyan? Makahulog panty ang pagsisisgaw mo?” Ang Mommie ni Kyle.

                “Bakit Mommie nahuhulog ba panty mo?”

                “Oo anak! Kaya itigil mo iyang kasisigaw mo bago pa mahulog ito ng tuluyan.”

                “Sabihin mo lang Mommie masyadong maluwag talaga ‘yan dahil banat na banat na ang garter. Next time bili-bili din ng bago pag may time. Mura lang ang SO-EN.” Pbiro nito sa kanyang Mommie. “Oh landi nandiyan ka pa ba?”

                “Oo nandito pa.”

                “Ayy, talagang hindi mo dineny ang pagkalandi ah?”

                “Adik.”

                “Oh, ano na? Ano sabi niya? Sabi ko na nga ba eh bibigay din ampeg! Naamoy ko na siya noon pa promise.”

                “Eh kaso Kyle, paano naman ‘yung mga ginawa niya sa akin?”

                “Naku, mas iisipin mo pa ba ‘yun kaysa sa totoo mong nararamdaman?”

                “Hindi ko alam eh bestfriend. Bumalik nga ang lahat sa akin nang magtapat siya. Ngunit ang inaalala ko lang eh baka naghahanap lang ng pagmamahal ‘yun dahil iyon nga, hiwalay na pala sila ni Thea.” Mahina akong tumugon.

                “Bestfriend, heto na ang iyong chance. Ibig sabihin hindi talaga mailap sa iyo ang pagmamahal na nais mo. Kung hindi na muling mabibigyan pa ni Thea ng pagmamahal si Rich pwes, ikaw ang magpuno. It’s your  time na.” Paliwanag niya. “Heto na nga at nakahain na siya eh. Kakainin mo na lang.”

                “Adik ka.” Sambit ko pero pinipilit ko ang hindi tumawa. “Kaso bestfriend paano ko sasabihin sa kanya? Masasakit pa din ‘yung ginawa niya.”

                “Iisipin mo pa ba ‘yung sakit na iyan? Sige akin na lang si Rich.”

                “Di ba allergic ka sa paminta?”

                “Ayy binibiro lang naman kita. Mas bet ko na kayo ang magkatuluyan, maglalakad sa aisle, magpapalitan ng i do’s at sasabak sa giyera tuwing gabi!”

                “Grabe ka talaga bestfriend. Gusto ko siya makausap. Gusto ko na magka-aminan kami in person. Naguguluhan pa din kasi ako eh. Nasabihan ko siya kanina ng pagalit dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanya. Mas nauna ang galit ko kanina. Pero ang totoo, oo masaya ako.”

                “Hmmm. Alam ko na.”

                Patuloy  ang aming usapan ni Kyle. Napagdesisyunan namin na sa luneta kami magkita ni Ram, tapos ay doon sa Chinese Garden tumungo. Maganda kasi ang paligid, maaliwalas, at masasabi ko na isa iyon sa tahimik na lugar sa luneta.

                Kinaumagahan ay parang ang ganda ng aking gising. Sinag ng Haring araw ang nagpagising sa natutulog kong katawan. Puminta ang ngiti, ngunit may pangamba sa aking kalooban. Kailangan kong ihanda ang aking sarili sa magiging pangyayari. Kailangan kong magpakita ng katatagan upang hindi isipin ni Rich na apektado ako. Gusto ko pa din na manatili sa akin kung ano man ang kanyang nakikita. Muli kong timawagan si Kyle. Pumayag na daw si Rich na doon kami magtagpo.

                Hanggang sa nakararing na kami sa tagpuan. Dama ko ang panlalamig ng aking kamay pero ayaw kong maging sagabal ang kung anong kaba na nararamdaman ko. Kung kagabi ay kaya ko siyang harapin, ngayon ay mukhang mahihirapan ako. Tinapik ako ni Kyle.

                “Kaya mo ‘yan Jam. Huwag ka nga kabahan.”

                “Bestfriend kaya ko ba?”

                “Nandito na tayo bestfriend. Uurong ka pa ba?”

                Humugot ako ng hininga. Tama ang aking kaibigan, nandito na kami. Kailangan kong harapin ang kaba na aking nadadama. Dito ko na malalaman ang totoo, kung tunay na ba na mahal ako ni Jam o kailangan lang niya na mapunuan ang naudlot na pag-iibigan nila ni Thea sa pamamagitan ng aking pagkatao. Nais kong makatiyak.

                Mga ilang minuto lang ay natungo na din namin ang Luneta. Kakaunti lang ang mga namamasyal. Marahil ay marami ang mas pumpiling mamasyal sa ibang lugar tulad ng Mall of Asia o sa kung saan man. May mangilan-ngilan rin naman ang patuloy na nagagawi at nilalasap ang makasaysayang lugar na ito. Natanaw namin si Rich na nakatayo sa isang sulok, nakayuko ang kanyang ulo. Minabuti ni Kyle na mauna at kamustahin ang aming bestfriend. Bestfriend? Hindi ko na tiyak kung maaari ko pa siyang tawagin na bestfriend dahil sa nararamdaman kong pagmamahal sa kanya. Maaring crush na lang hindi kaya ay..... Naku nag-iilusyon na naman ako, hindi pa nga ako natitiyak kung..... Hay Jam huwag ka na nga lang magsalita. Kailangan kong kumilos. Dapat hindi niya mahalatang ako’y nanlalambot.

                Mga ilang minuto ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Hinila ko ang kanyang braso gaya ng madalas kong gawin sa kanya noong bata pa lang kami.

                “Halika doon tayo sa Chinese Garden. Mag-usap tayo.” Madiin kong sambit ng sa gayon ay alam pa din niya na galit ako. Pero ang hindi niya alam ay nagkukunwari lang ako sa galit-galitan na iyon.

                Pagkatungo pa lang namin doon ay agad akong nagbayad ng dalawang limang piso sa kahera at naghanap ng magandang lugar. Binitiwan ko na ang kanyang braso, baka kasi magalit siya.

                “Hanap tayo ng magandang lugar.” Tugon ko kay Rich.

                Naka yuko lang ito sa akin, may bahid ng takot.

                “Rich humarap ka nga sa akin?”

                “Hindi ko kaya.” Sambit niya.

                “Nahihiya ka ba sa akin?” Mukhang masyado ata siyang apektado sa ginagawa ko.
                Hinawakan ko ang kanyang ulo, ini-angat upang makita ko ang kanyang mukha. Nang maiangat ko ay nakapikit ito. Nakapikit man ngunit nangingibabaw pa rin ang kanyang gandang lalake, ang makinis niyang mukha, matangos nitong ilong at ang labi na masarap tikman ng unang halik. Napatitig ako ng matagal sa kanya. Maya-maya lang ay biglang nagbukas ang kanyang mga mata, iyon ang gumising sa tulala kong diwa.

                “Jam, bakit?” Tanong niya.

                Lumingon ako sa ibang direksyon. Ngayon ako naman ang nahihiyang humarap sa kanya. Panigurado ay namumula ang aking mga pisngi.

                “Rich maghanap na tayo ng lugar please? Kailangan natin mag-usap.” Wika ko ngunit nakabaling pa rin ang aking mukha sa ibang direksiyon. Nahalata kaya niya?

                Doon kami sa isang maliit na pavilion lumugar. Kita doon ang napakaganda at napaka-aliwalas na tanawin ng Hardin. Mas nagdagdag pa ang kinang ng tubig na pumapalibot at sa gitna ay mayroong tulay. Nakakagaan sa mata, sa kalooban. Naupo kami. Hindi namin magawang humarap sa isa’t isa. Naghari ang katahimikan. Pero nandito na kami. Dapat na namin pag-usapan ang lahat. Dapat na namin matuldukan ang lahat dahil alam ko na parehas na kaming naguguluhan. Tutugon na ako.

                “Kamus...”
               
                “Anong...”

                Nagkaharap kami. Napako ang aming paningin sa isa’t isa. May kung anong naramdaman ako sa mga titig na iyon. Parang mayroong kuryente ang sumakop sa aking pagkabuo. Pinikit ko ang aking mata para makapagsalita.

                “Kamusta ka na?” Ito ba ang dapat kong itanong? Nabablangko ako. Bakit?

                “Ayos naman ako.” Mahina ang kanyang pagkakasagot. “Ikaw ba?”

                “Okay naman.” Dumilat ako. Nakatingin pa rin siya sa akin.

Mas nanlalambot pa ako sa mga titig na iyon. Mas may dating. Sa ganda ba naman ng kanyang mata na parang kumikislap gawa ng replekson ng araw sa tubig at tumatama sa kanyang mga mata. Pinilit ko pa din magsalita.

                “Ikaw b...”

                “Mahal kita Jam. Mahal na mahal.”

                Napatigil ako sa aking sasbihin. Parang huminto ang ikot ng aking mundo dahil sa kanyang sinambit. Muli ko iyon narinig sa kanya ngunit personal niya itong simambit. Mas lalo pang tumibok ng napakabilis ang akong puso. Tinuran ko siya.

                “Jam, ka-kasi. . .”
               
                Lumapit ito sa akin. Doon ko muli nadama ang kanyang yakap, ngunit mas mahigpit. Kakaibang pakiramdam ang nababalot sa aking katauhan. Ramdam ko din ang pagtibok ng kanyang puso. Parang may tamang ritmo ang bawat pagpintig ng mga ito.

                “Jam , patawarin mo ako sa aking mga nagawa sa iyo. Hindi ko sinasadya. Hindi ko na kasi alam kung nalilito lang ako sa nararamdaman ko pero Jam noon pa man, mahal na kita.” Wika ni Rich. May kaunting paghikbi akong naramdaman sa kanya.

 Nanatili lang ang kanyang pagyakap sa akin. Nagpaubaya lang ako. Sa totoo lang gusto ko ang kanyang pagyakap. Mas nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal.

“Jam sana mapatawad mo ako kung nagawa ko ang lahat sa iyo, kung tinago ko ang aking pagmamahal sa iyo. I’m sorry kung kailangan ko pang umibig sa iba para lang maiwasan kong mahulog sa iyo. Gulong-gulo na ako Jam.” Patuloy pa din ang kanyang paliwanag hanggang ang mahinang paghikbi ay unti-unting lumalakas.

                Naramdaman ko na totoo ang kanyang mga tugon. Bawat pagbuka ng kanyang bibig ay naglalabas ng mga salita, salita na alam ko ay sa puso nanggagaling. Hindi ko na din maiwasan ang maluha. Yumakap ako sa kanya, hinigpitan ko iyon. Hindi ko na alintana kung may makakakita ngunit halos wala namang tao sa lugar kaya mas nakampante ako. Tulad ng higpit ng kanyang pagyakap ay ginawa ko din iyon.

                “Pinapatawad na kita Rich. Hindi kita matiis kahit na masakit. Oo Rich masakit. Pero alam mo ba kung paano mo ginapi ang galit na iyon?” Humikbi ako. “Dahil sa sinabi mo na mahal mo ako.”

                Mas humigpit ang kanyang pagyakap sa akin. Naglalapat ang aming katawan, naramdaman ko ang napakainit nitong katawan kahit na may suot siyang damit. Sumabay din ako at hinigpitan ko din ang pagkakayakap. May luha na ang bumabaybay sa aking pisngi.

                “Rich mahal din kita. Mahal na mahal.”

                Iyon ang namutawi sa aking mga labi. Sa wakas at nasabi ko na din muli ang nais kong sabihin sa kanya araw-araw. Mahal na mahal ko si Rich. Siya lamang ang unang nagpatibok ng aking puso, unang pag-ibig.

                Bumitiw siya sa pagkakayakap. Kiniha ang aking mga kamay sa kanyang likod. Tumingin siya sa akin at pinipisil-pisil ang aking mga palad.

                “Jam, tumingin ka sa akin ha?”
               
Tumingin ako sa kanya, kita ko ang kanyang mukha na may nakapintang ngiti. Basa man ng luha ang kanyang mukha ngunit hindi iyon sagabal sa kaguwapuhang taglay niya.

“Uulitin ko muli but this time, nakaharap na ako sa iyo. Mahal na mahal kita Jam.”

                Hindi ko kinakaya ang ligaya na sumasaklaw sa aking pagkatao, kakaibang saya na gustong sumabog. Nakakilig ang nangyayari sa amin.

                “Ito ngayon ang aking tanong sa iyo Jam. May chance pa ba ako sa iyo? Bibigyan mo ba ako ng pagkakataong pagbigyan ang aking pagmamahal?” May ngiti sa kanyang mukha pero mas nanaig pa din ang pagluha nito.

                “Oo rich. Oo.” Agad kong sambit.

                Muli niya akong niyakap. Nagtatatalon ito sa saya na kanyang nararamdaman. Napasabay din ako sa pagtatalon na iyon. Sobrang ligaya ang aming nararamdaman, ligaya na kailanman ay hindi ko pa nararanasan. Sa pagyayakapan namin na iyon inilabas ang tunay naming tugon sa isa’t isa. Kakaibang kuryente ang kanyang pagyakap, para bang mga  ilang boltahe ang pumasok sa aking katauhan. Sa wakas, natupad din ang aking pangarap, pangarap na mahalin din ako ni Rich. Nilapit ko ang aking bibig sa kanyang tainga.

                “Mahal na mahal din kita Rich.”

                “Oo Jam naniniwala ako. Mahal na mahal din kita.”

                Iyon ang pangyayaring hindi ko makakalimutan. Isang alaala na aking mababaon ko sa hinaharap. Para bang naabot ko ang kalangitan sa ligayang aking nararamdaman. Kung kayo naman siguro ang tatayo sa aking kalagayan ay siguradong sa ganitong paraan din ninyo ito mararamdaman. Ngayon ko na naramdaman kung paano ang pagmamahal na sinasabi ng karamihan sa akin. Pagmamahal na parang pinagsasaklob ang isa’t isa. Noong araw na iyon ay nanligaw sa akin ng tuluyan si Rich. Sinagot ko agad siya. Pinakawalan niya muli ang pagyakap sa akin na hindi pa din alintana sa kanya na pinagtitinginan na kami ng ibang tao. Kakaibang saya ang aking nararamdaman. Kakaibang galak, basta lahat na ng termino sa salitang saya.

                Nagpalipas muna kami ng ilang oras upang mapagbigyan ang aming isa’t isa sa unang araw ng aming pagamamahalan. Naka-akbay siya sa akin habang naglilibot sa napakagandang lugar na iyon. Dumaan sa tulay, pinagmasdan ang aming repleksiyon sa tubigan. Hindi ako makapaniwala sa nakikita kong replekson. Kung dati ay mag-isa lang akong tumitingin doon at sinasabi na sana mayroon din sa akin kanang bahagi na katabi ko at makikita ko ang repleksyon niya. Ngayon heto na siya, ang matagal ko ng pinapangarap na tao. Sana hindi na matapos ito.

                Lumabas na kami ng Garden. Naka-akbay pa din ito sa akin. May ngiting pumipinta sa aming mga mukha. Dahil sa may mga tao na sa labas ay minabuti namin na hanggang sa pag-akbay ipakita ang aming pagmamahalan. Maya’t maya ang titig niya sa akin, mga titig na parang nagsasambit ng mga salita. Tinititigan ko din siya, hanggang sa ngumiti kami sa isa’t isa. Natanaw na namin si Kyle na nakaupo, may tinititigan. Ibinaling namin ang aming paningin at tumambad sa amin ang isang lalaki na nakaupo sa isang bench. Nagkatinginan kami ni Rich at mahinang tumawa. Si Kyle talaga. Habang nagtatawanan ay napansin na kami ni Kyle. Lumapit ito.

                “Nampotchiness naman kayo! Ang tagal ninyo ah? Basang-basa na ang pwet ko sa pagkakaupo na parang may tagos lang ang feeling ko kaka-antay sa inyo! Bakit ba ang tagal ninyo at....” Napatigil siya nang makita niya na hinawakan ni Rich ang aking palad. Nagparaya ako, patago lang naman. Nais ipakita na lang ni Rich kay Kyle na naging maganda ang pangyayari sa aming dalawa.

                “O-M. . .” Minabuti kong takpan agad ang kanyang bibig. Napabitaw ako sa pagkakahawak sa akin ni Rich.

                “Adik ka, sisigaw ka pa. Halika na nga at doon tayo sa tabi. Kumalma ka okay?”

                Tumango ito, ngunit mulat na mulat ang kanyang mga mata sa kanyang nasaksihan. Nagatawanan kami ni Rich.

                “Masanay ka na diyan, OA ‘yan eh?” Tugon ni Rich.

                Tumawa ako ng mahina.

                Tinanggal ko ang aking kamay na nakatakip sa bibig ni Kyle. Tinungo namin ang kanang bahagi ng Park. Doon namin inilahad ang mga pangyayari sa amin sa loob ng Hardin. Kilig na kilig naman ang bruha sa kuwento namin. Nangingibabaw sa kanya ang matingkad na ngiti, ngiti na parang nangangahulugan na masaya siya sa amin. Matapos ng iyon ay niyakap niya kami.

                “Dating magkaibigan, turned into lovers na. Kayo na talaga.” Masayang tugon nito ngunit mahina ang kanyang pagkakasambit upang hindi marinig ng mga tao sa aming paligid.

                Mula noong araw na iyon ay umiikot na ang aking buhay na hindi sarli ko lang ang aking iniintindi. Sa paggising ko tuwing umaga ay may mga pambungad na text messagesw sa akin si Rich.

                “Good Morning Jamrich ko! Hows ur morning? I do hpe na kasing gnda ng akin. Panu b nmn hindi, pg open plng ng cp ko mukha mu n ang nasisilayan ko. Hihihi ^_^. Oh well grab ur bfast ha? Don’t skip. Kita tyo later ha? I love u so much Jamrich ko! MUWAH MUWAH~! HuuugggzZ!”

                Sino ang hindi kikiligin sa mga ganitong text messages? Ang sarap sa pakiramdam ng makakatanggap ka ng mga sweet messages. Lalo pa kapag araw-araw kaming magkasama. Mas dama ko ang pagamamahal na bumabalot sa aming dalawa. Tanging yakap pa lamang ang aming nasusubukang gawin. Hindi pa namin tinatangkang magdampi ang aming mga labi, lalo na ang pakikipagtalik. Ngunit umaasa ako na mangyari din iyon. Sa paraan na iyon ay masasabi ko na magiging isa ang aming pagmamahalan. Nirerespeto ko muna ang kanyang desisyon dahil gusto daw niya ibigay ang lahat sa isang espesyal na araw. Na e-excite naman ako. Kailan kaya iyon?

                Mas naging maganda pa ang aming pagsasama, hanggang sa umabot na nga kami ng isang buwan.

                Araw ng monthsary namin noon. Isang magandang gising ulit ang aking nadama. Alam ko kasi ang araw at petsa na iyon. Nakatanggap ako ng isang text galing sa kanya.

                “GooD Morning Jamrich ko~! Happy 1st Monthsary~! I do hope You are Happy for This day because Masayang masaya talaGa ako~! LatEr susuNduin kta ah? Again Happy Monthsary, I love You Jamrich ko MUWAH~! MUWAH~! HUUUGGzzzZZ~!

                Buung-buo ang umaga kapag message niya agad ang aking nababasa. Agad akong nag-ayos ng aking sarili. Nilipad ang hagdanan, nag-ayos ng aking sarili. Ako at ang aking Yaya Thelma lang ang kasama ko sa bahay namin sa Manila. Doon pa din tumutuloy sina Mommy at Daddy sa Cavite sapagkat mas kumportable daw  kapag nandoon sila. Kumain ako agad ng aking almusal. Matapos ay nag-ayos ng sarili. Kailangan pormado, kailangan guwapo akong  tingnan kay Rich. Matagal ang preparasyon ko. Para bang kasal ko na ang mangyayari sa tagal ko. Hanggang sa may narinig akong nag-doorbell. Tinawag ako ni Yaya Thelma.

                “Sir Jam, mi bisita hu kayu.”
               
                Bumaba ako at tinungo ang pintuan.Doon tumambad si Rich sa aking harapan. May dala itong bulaklak. Ang guwapo niyang tingnan sa kanyang suot, daig pa ang akin.

                “Happy 1st monthsary Jamrich ko.” Pambungad niya sa akin.

                Pinapasok ko siya sa aming bahay. Kilig na kilig si Yaya Thelma sa kanyang nasaksihan. Alam ni Yaya ang lahat sa akin. Sa kanya ako nagbukas ng tunay kong pagkatao. Tanggap niya ito. Sabi na nga lang niya sa akin na okay lang iyon hangga’t walang inaapakan at masaya ako. Sana naging Nanay ko na lang ang aming Yaya.

                Nag-ayos lang ako sandali at nang matapos ay umalis na kami. Nagtungo kami sa Luneta upang mamasyal. Sa Chinese Garden kami tumuloy. Doon namin ibinalik-tanaw ang pangyayaring hindi namin makakalimutan.  Doon kami muli lumugar sa isang maliit na pavillion. Maya –maya lang ay inilabas niya ang kanyang cellphone at maliit sa speakers.

                “Happy Monthsary ulit Jamrich ko. Sana magustuhan mo itong handog ko sa iyo. Sa ngayon ay hindi ako makaisip kung ano ba ang ireregalo ko. Pero sana makinig ka sa akin. Hayaan mo ang iyong tainga na pakinggan ang aking handog.”

                Kunuha niya ang kanyang cellphone. Isang musika ang aking narinig.

                “Magustuhan mo sana ang aking pagkkanta.” Muling sumambit ito at panakaw na humalik sa aking pisngi. Mas kinilig pa ako.

                Mga ilang saglit pa ay nagsimula na ang unang intro ng awitin na “You Are My Song” ni Erik Santos.

(Please play the song para mas madama ang pagbaabsa ng mga sumusunod na bahagi).



You are the song
Playing so softly in my heart
I reach for you
You seem so near
And yet so far

                Napakaganda niyang kumanta. Sa bawat linya ng kanyang inaawit ay nadadama ko ang pagbibigay damdamin ni Rich. Mahusay ang kanyang pagkanta. Mas lalo akong naiinlove sa kanya.

I hope and I pray
You'll be with me someday
I know down inside
That you are mine 
And I'm your true love
Or am I dreaming?


                Mula noong araw na iyon ay iasang masayang araw ang pangyayari. Niyakap ko siya ng pagkahigpit-higpit. Hindi ko na kaya ang sayang nararamdaman ko. Ibinigay ko ang aking unang halik sa kanya. Idinampi ko ang aking labi sa kanyang napakalambot na labi. Isang ligaya muli ang naghahari sa aming kalooban. Unang halik, unang dampi ng aking labi sa labi ng aking mahal.

How can I
Each time I try to say goodbye
You were there
You look my way and touch the sky


                Matapos ang araw na iyon sa Luneta ay nagtungo kami sa aming bahay. Doon matutulog sa amin si Rich. Kumindat ito sa akin. Mukhang alam ko na ang ibig sabihin ng kanyang pagkindat. Minabuti kong tawagan si Yaya Thelma na ayusin ang bahay. Tinawagan din ni Rich ang kanyang Nanay upang mag-paalam, at pumayag ito. Gabi na kami makarating at tinungo agad ang aking kuwarto. May kung anong hiwaga ang aking nararamdaman pagpasok.

We can share tomorrow and forevermore
I'll be there
To love you so
You are my song


                Doon nagsimula ang lahat ng makabagong ligaya, makabagong pagsakop ng aking pagkatao. Isinandal niya ako sa dingding. Napapikit ako. Dahan-dahang lumapat ang kanyang labi sa akin. Isang halik na napakasarap, hanggang sa naging mapusok. Hindi ko alam kung paanong gumagalaw ang labi ko ng ganoon. Mukhang hindi na pinag-aaralan ang lahat ng gagawin. Tanging ang katawan namin ang sadyang kumikilos sa mga pangyayari.

I know for sure
That we were meant to fall in love
I look in your eyes
I know what you're thinking of


                Mas mapusok pa ang pagpapalitan ng halik sa isa’t isa. Gumalaw ang aming mga kamay upang hubarin ang saplot ng bawat isa. Hanggang sa naglapat na ang aming hubad na laman. Ramdam ko ang bungguan ng galit naming mga alaga. Dama ko ang kahabaan noon. Ang pinong balahibo ni Rich sa kanyang dibdib ay dama ko din. Napakainit ng aking nararamdaman. Itinungo namin ang kama. Hiniga niya ako at Dahan-dahang pumatong sa akin.

I try not to say
The words that might just scare you away
I know down inside
That you are mine & I'm your true love
Please, no more dreaming.


                Nagsimulang gumapang ang kanyang labi sa aking leeg, hanggang sa aking magkabilaang utong na siyang nagdala sa akin ng ligaya. Pigil ang aking pag-ungol ngunit nadidinig iyon ni Rich. Ipinagpatuloy lang niya iyon hanggang sa tinungo ang aking tiyan at umabot na ito sa aking galit na galit na alaga.

How can I
Each time I try to say goodbye
You were there
You look my way and touch the sky


                Nagsimula akong nakaramdam ng init nang maipasok ni Rich ang aking alaga sa kanyang mainit na bibig. Mahusay ang dahan-dahang paghagod nito hanggang sa bumilis pa ng bumilis. Mas lumakas pa ang aking pag-ungol. Hinawakan ko ang kanyang ulo upang idiin ito sa aking ari. Kung anong sarap ang nababalot sa aking pagkatao. Matapos ng iyon ay ginawa ko  din ang ginawa niya. Nagsimula ang halik sa kanyang leeg, dibdib, tiyan, hanggang sa umabot sa kanyang galit na galit na kargada. Napakaba niyon, maula-mula at parang masarap paglaruan. Ganoon ko din ginawa sa kanya na kung ano din ang ginawa niya sa akin. Mas lumakas pa ang pag-ungol nito. Tlia sarap na sarap sa dalang sensasyon ng aking ginagawa.

We can share tomorrow and forevermore
I'll be there
To love you so
You are my song

You Are My Song

                Mga ilang saglit pa ay nag-iba ang posisyon nito. Ibinaling niya ang ulo patungo sa aking alaga habang ang ulo ko din ay nakatapat sa kanyang kargada. Muli niyang ipinasok ang bibig sa aking ari, ganoon din ang aking ginawa. Hanggang sa bumilis ng bumilis. Kitang-kita ko na sarap na sarap siya sa kanyang ginagawa habang ako din ay napapaungol sa sarap. Langit ang dala sa akin ng aming ginagawa. Mga ilang sandali lang ay malapit na akong labasan.

                “Rich malapit na ako! Ikaw ba?” Wika ko.

                “Oo Rich! Humiga ka. Ipuputok ko ‘to sa tiyan mo.”

We can share tomorrow and forevermore
I'll be there
To love you so
You are my song.

You Are My Song.


                Agad akong nagpalit ng posisyon. Umayos ako sa aking pag-higa habang nilalaro ko ang aking alaga.Humarap naman siya sa akin. Nakatapat ang alaga nito sa aking tiyan. Mga ilang saglit pa ay idinala na  kami sa rurok ng kaligayahan, nagbunga ang katas ng aming pagmamahalan. Kakaibang sensasyon ang aking naramdaman nang dumampi ang labi nito sa labi ko habang nilalabasan. Hayok na hayok, sarap na sarap. Hangaang sa ang ungol ay napalitan ng paghahabol ng hininga. Humiga si Rich sa tabi ko. Humarap ako sa kanya. Kumindat ito at ngumiti.

                “Mahal na mahal kita Jamrich ko. Sana magtagal pa tayo. Happy monthsary ulit.” Sambit niya.

                Hinalikan niya ang aking noo, sumunod ang aking ilong at ang muling pagdampi ng kanyang mapupulang labi sa aking mga labi.

                Isang gabi na puno ng pagmamahalan, puno ng saya. Isang maalab na paglalahad ng aming pagmamahalan, unang halik, unang pagtatalik. Ramdam ko ang ligaya sa piling niya noong gabi na iyon. Napaka espesyal sa akin. Hanggang sa nakatulog kami, ni kahit ano mang saplot ay wala kami. Sa wakas at masasbi ko na sa aking sarili na mahal na mahal ko talaga ang aking kababata, dating kaibigan, at ngayon, ang aking mahal na kasintahan.